Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate

21.3K 463 183
                                    

ASHLEY

TITA PICTURE-AN KO muna kayo ni Gracie bago kami umalis,” suhestiyon ni Bobby at inilabas ang cellphone mula sa bulsa. Pagkatapos ay kinuhanan kaming dalawa ni Mommy. Alam kong parehong maganda at masaya ang mga ngiti namin.

Pagkatapos ay nag-groufie kaming tatlo.

And then we said our goodbyes to Mom. Sobrang nalungkot ako. Pero marami pa namang weekends na darating at makakapiling ko ulit ang mommy ko.

I was so looking forward to that.

“Mom...” tawag ko kay Mommy nang nasa pinto na kami ni Robert Aldus.

Nakangiti si Mommy nang magtama ang tingin namin.

I smiled at her. Iyong ngiting child-like. Hindi nga lumabas ang ngipin ko sa ngiting iyon. “I love you...” malambing kong sabi.

It came out so sweet from my lips.

Nakita ko ang panginginig ng labi ni Mommy. Nagulat siguro siya.

Hindi naman kasi kami ma-I love you na mag-ina. Sapat na sa amin na nakikita sa kilos namin na mahalaga sa amin ang isa’t-isa. Maski na kay Tita Liezel.

Natuto lang kaming magtiyahin nang maging kaibigan ko si Miranda at gawing anak-anakan ni Tita Liezel si Mira.

Laging kasing sinasabi ni Miranda na sunggaban ang bawat oportunidad na sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila. Hindi na iyon dapat na ipinagpapabukas pa. Ma-I love you si Miranda kaya nagagaya na kami sa kanya.

And I was grabbing this moment.
The moment to tell my mom how much I love her and how much she means to me.

Eu também te amo... I love you, too,” naluluhang sabi ni Mommy.

I just wrinkled my nose. Paraan ko iyon sa pagpipigil ng luha ko.

I threw a glance at Aldus. Tahimik lang siyang pinagmamasdan kaming mag-ina.

“Mom?...” tawag ko ulit sa kanya. It was just a delaying tactic. Ayoko pa kasing lumabas sa pinto maski na paulit-ulit na ang pagpapaalala ng mabining boses sa centralized speaker na kailangan na naming umalis.

“Lagi mong sinasabi kay Aldus na i-kiss ako para sa ‘yo, ‘di ba?”

Tumango si Mom. Napangiti si Aldus.

“Do you tell him to kiss me so passionately? Kasi iyon ang lagi niyang ginagawa sa tuwing sinasabi mong i-kiss n’ya ako,” pilya kong sabi.

I would always remember, every weekend, Aldus would kiss me passionately pagkatapos niyang sabihin na may nagpapa-kiss sa kanya para sa akin.

Kapag naman tinatanong ko, ang mahiwaga niyang ‘basta’ lang ang isinasagot.

Ito na pala iyon.

Tumingin si Mommy kay Aldus. “I just tell him to kiss you for me.”

Napakamot sa likod ng ulo niya si Bobby. “See? Masunurin akong nilalang? Kapag sinabi ni Tita na i-kiss ka, kini-kiss talaga kita,” nangingiting sabi niya na parang nahihiya sa pambibisto ko sa kanya kay Mommy. 

“Wala naman siyang sinabing gawing mong passionate ang pag-kiss--“

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil niyakap ako ni Aldus at tinakpan ang bibig ko.

“Ang daldal mo!” natatawa at malambing niyang sabi na halatang nahihiya kay Mommy.

Natawa ako at pilit na inaalis ang palad niya sa bibig ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon