Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too

12.6K 268 72
                                    

ASHLEY

ASHLEY GRACE FERNANDEZ Lim!” excited tili ni Miranda sa buong pangalan ko nang makita niya kami ni Bobby na papalapit sa meeting place namin.

Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nagyakapan kaming dalawa na para bang isang taon kaming hindi nagkita gayong kahapon lang ay nasa bahay nila ako.

Miranda was giving me instructions sa pagbabalik ko sa eskwela. Pinalalakas din niya ang loob ko nang sabihin kong kinakabahan ako.

Pero binigyan niya ako at ni Lolo Jose ng kung anu-anong words of wisdom kaya nawala na ang agam-agam ko sa pagbabalik ko sa HFU.

Magkahawak kami sa beywang nang lumapit kami sa grupo.

“The Dyosa ng HFU is back,” nakangiting biro ni Jorj. “And she looks so pretty.”

Dyosa.

Napangiti ako. I liked the term. It was way better than ‘Notorious Bully’ ng HFU.

Umikot ako para mas makita pa nila ang outfit ko. Pagkatapos ay mayabang akong nagkibit-balikat at maarteng nag-flip ng hair.

“Well, thank you, Reyna Jorj,” sabi ko.

‘Reyna’ o ‘Queen’ ang tawag namin minsan kay Jorj dahil ‘hari’ kung tawagin ng gang si Tres bilang para siyang hari kung ituring ng Artists’ Club na kung saan ay miyembro si Jorj.

Nakaakbay sa kanya si Tres na ngingiti-ngiti lang sa amin.

“Welcome back sa HFU, Dyosa...” Si Stasha iyon habang nakakapit sa beywang niya si Lucas. Nasa tabi ni Lucas si Lance na nag-hi sa akin at ginantihan ko ng ngiti.

“You look so sassy,” Stasha added.

“Thank you, Your Highness,” ganting bati ko. “You look so regal.”

“Thank you,” maarteng sabi ni Stasha while smiling.

“Why do girls patronize themselves sometimes?” birong singit ni Tres na nakangisi. “Kayo-kayo din ang nagpupurihan sa mga sarili ninyo.”

Nagtawanan kaming mga babae. Bobby, Lucas and Cobi shrugged their shoulders na para bang sinasabing wala na silang magagawa roon.

Nagtaas ng kamay niya si Miranda. “Ako, ako? Ano ako?” parang batang sabi niya na itinuro pa ang sarili niya habang parang batang naka-pout ang lips.

Nagkatinginan kaming lahat.
“Siyempre, ikaw ang pinaka-love naming lahat. Ikaw ang baby namin,” malambing kong sinabi at niyakap siya.

“Korek!” sang-ayon ni Jorj.

You’re my dearest baby...” malambing na sabi ni Jacob at hinapit si Miranda palapit sa kanya at saka hinalikan sa tuktok ng ulo.

Wala namang pwedeng makatanggi sa sinabi ko. It was the truth. We all love her to the bottom of our heart. Mahal namin siya na parang isang tunay na kapatid.

Well, maliban nga lang kay Cobi.

“Group hug!” sabi ni Miranda.

And we all did.

Ang saya lang sa pakiramdam.
Ang good vibes lang.

Sana dire-diretso ang good vibes.

“Ashley Girl!”

Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino iyon.

Andrew Rufino.

“Andrew!” tili ko nang makalapit siya. It was good to see him. Napalapit na ako sa kanya nang makasama siya sa paghahanap sa akin noong ‘naglayas’ ako.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon