Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present

9.9K 247 23
                                    

ASHLEY

HELLO, KATE MERCADO... It’s been a while... Gusto mo akong makausap, right? So, here I am...”
My lips curled up in a smile.

A venomous evil smile.

Iyong mga ngiting ibinibigay ng isang kinaiinisang kontrabida sa isang teleserye.

Isang matalim na timgin ang ibinigay sa akin ng bruha. But I just shrugged my shoulders. Hindi ako natatakot sa kanya.

Pinaghandaan ko ang araw na ito. Ilang scenarios ang binuo ko sa utak ko sa pagkikita namin. At ang scenario ay depende sa mood ko sa oras na iyon. Pag good vibes ako, mahinahon ang pag-uusap namin. Pag hindi, bayolente.

And right now, gusto kong maging bayolente kung hindi lang may ibang tao akong iniisip at hindi lang ang sarili ko.

Si Robert Aldus ko at ang pamilya niya. Si Miranda at ang buong gang.

Hindi maganda sa reputasyon ko at ni Bobby ang masali ako sa isang gulo para lang sa isang bruha. I will not stoop that low.

Isang matamis pero nang-aasar
na ngiti ang pinaalpas ko sa red lips ko. I wore red lipstick. I was declaring war with my red lipstick. Mamatay siya sa inggit.

Bad, Ashley Grace.

“Sit down.” Iminuwestra ni Kate ang bakanteng silya sa tapat niya.

Umarko ang isang kilay ko. Inuutusan ako ng bruha?

Sumulyap ako sa direksyon nina Miranda. They were seated at my far right. Nagsalubong ang tingin namin ni Jorj at tumango siya. Tila binibigyan ako ng go signal na umatake na ako. Na parang inaaryahan akong sabunutan ko na agad si Kate nang walang sabi-sabi.

Pinigil ko ang ngiting gustong lumabas sa labi ko sa reaksyon ni Jorj. Ang tapang talaga ng babaitang ito. Mana sa akin.
I smirked at her.

Easy, Jorjina Pascua. Trust me, I can handle the dalmatian on my own.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Kate.

“I said sit down,” aniyang nakasimangot.

I lifted my chin arrogantly. “Don’t boss me around, Kate,” I said to her, so poisonously sweet. “My boyfriend’s best friend owns this place. Kaya hindi ako ang bisita rito kundi ikaw. I can...” I stopped in mid-sentence and pretended to think. Then I put on my best bitch-face. “Actually, throw you out of this place.”

Napahigit siya nang hininga at nanlaki ang mga mata. For a fleeting second I saw a glint of fear registered on her pretty face.

I waved my hand in the air as if dismissing what I said a while ago. I smiled sweetly at her. At alam naman naming pareho na mapanganib ang matamis kong ngiting iyon.

It can be deadly.

“Don’t worry, Kate. Hindi ko gagawin iyon. Unless you’ll provoke me into doing that.” There was a warning in my voice and I hoped she gets it.

I sat down. Slowly and so poised. Parang akong isang royalty na pinapanood ang bawat kilos ko. Wala lang. Gusto ko lang inisin si Kate.

Ilang segundong awkward moment ang namagitan. Nakatingin lang ako sa kanya nang poker-face katulad ng kay Lucas Agoncillo.

It, actually, was a good defense mechanism. Hindi nakikita ng kalaban mo ang emosyon mo at kung ano ang tumatakbo sa utak mo.

“What do you want to order?” kaswal na tanong ni Kate at tiningnan ang menu book na nasa mesa namin.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon