Chapter 16 : The Closure

28.3K 547 82
                                    

ASHLEY

"HI, ASHLEY. IT'S nice to see you again," sinserong bati ni Miranda habang may matamis na ngiti sa labi.

Oh, shit! This is it...

"Hi, Miranda. It's nice to see you again," ulit ko lang sa sinabi niya. Hindi kasi gumagana ang utak ko.

Ilang segundong awkward silence ang namagitan sa aming apat.

"Well?" basag ni Miranda sa awkward silence.

I squeezed Bobby's hand. Pakiramdam ko ay sa kanya ko makukuha ang tapang at lakas sa pakikipag-usap kay Miranda.

Dahil aaminin ko na sa pagkakataong ito ay naduduwag ako. Parang biglang nawala ang lahat ng tapang ko at pagiging bitch ko.

Parang nabaligtad ang mundo namin ni Miranda. Noon ang ang bumu-bully sa kanya at siya ang takot sa akin. Ngayon naman ang pakiramdam ko ay binu-bully ako ng presensya ni Miranda. Binu-bully ako ng guilt dahil sa ginawa ko sa kanya noon.

Nakita kong tumingin si Bobby kay Miranda at nakangiting ngumiti si Miranda.

Parang iyon naman ang naging go signal ni Bobby para magsalita. "Iiwan namin kayong dalawa para makapag-usap kayo."

Pinanlakihan ko ng mga mata si Bobby. Iiwan nila kaming dalawa ni Miranda? God, no!

Bobby ignored my reaction and just smiled. He fondly pinched my nose. "You'll be fine," bulong niya sa akin.

Nakita kong hinalikan ni Jacob si Miranda sa tuktok ng buhok nito. "Babalik kami," he said to Miranda.

Pagkatapos ay nagpaalam na silang dalawa sa amin at naiwan kaming dalawa ni Miranda na nakatayo pa rin at parehong nakatanaw sa kanila.

Nang makalabas na sila sa lounge ay saka nag-sink in sa akin na heto na ang moment na kinatatakutan ko. Na ang akala ko ay madali lang na harapin si Miranda at manghingi ng sorry sa kanya pero ang hirap pala. Parang wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya. Ramdam ko ang sincerity sa ngiti niyang iyon. "Upo na tayo?" aniya.

Tumango lang ako at walang kibong naupo, hindi sa tapat niya kundi sa tabi niya sa pang-apatang mesa. Lumapit sa amin ang waiter at ibinigay ang menu.

Pero wala roon ang isipan ko. Parang pare-pareho lang ang mga pagkaing nakasulat doon gayong alam ko namang masasarap iyon.

"Mango juice lang muna ako," ani Miranda pagkaraan ng halos lampas isang minutong pagtingin sa menu.

I closed the menu book. "Ako rin," panggagaya ko maski na hindi ko naman gaanong gusto ang uninom ng mango juice ngayon. Parang lutang kasi ang isipan ko.

Silence. Fucking awkward silence.

Where are you, Robert Aldus? I need you here, sabi ko sa isip habang panay ang hinga ko ng malalim.

"Kumusta ka na?" basag ni Miranda sa katahimikan. Did I hear fondness with the way she said it?

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng bibig ko. That was all I could do because my racing heart was affecting my mind. "I'm good."

Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Good to hear that," she mumbled. And then smiled.

I looked at her. I saw mixed emotions in her eyes. Sincere compassion, akwardness, fear and... tears. She was on the verge of tears.

Oh, fuck shit! Putang ina! Malalagot ako kina Bobby at Jacob nito. Baka sabihin inaaway ko na naman si Miranda.

She bit her lower lip and tried to smile. "Kinakabahan ako..." She laughed a nervous laugh at napahawak sa dibdib.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon