Special Chapter 5 : Enough Is Enough

10.5K 256 39
                                    

ASHLEY

PAREHO KAMING NAPAHINTO sa paghaharutan ni Bobby nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Isang text message ang pumasok. Naisip kong baka isa sa mga gang ito at hinahanap na kami.

It was from an unknown number.

But from a known person.

Hi, Ashley. This is Kate. Let’s talk about my Bubba. Set the time. Name the place. I’ll be there.

Fuck shit. Fuck shit. Fuck shit.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ng mukha ni Kate para i-text ako.

Naghahamon ang tono ng text niya. Na para bang hindi niya ako uurungan. Hindi ko rin alam na ganoon siya ka-resourceful para malaman ang bagong private number ni Aldus at ang number ko.

‘Tang ‘na! Sino ba ang hinahamon niya?

Ako? Fuck her!

Huwag niya akong hahamunin. Hinding-hindi ko siya uurungan. Pwede ko ulit siyang gawing mukhang dalmatian sa mga bugbog at pasa na kaya kong ibigay sa kanya.

“Don’t mind her,” sabi ni Aldus sa akin na nabasa rin pala niya ang text mula sa likuran ko. “Delete the message.”

I do mind her and I won’t delete the message, Robert Aldus,” mariin kong sabi. Nanginginig ang mga kamay ko sa inis. “Hinahamon ako ng ex mo at hindi ako duwag para urungan siya.”

“Ashley Grace…” nagsasaway ang tono ni Bobby sa akin.

I was clenching my jaw when I looked at Robert Aldus. “This is it, Robert Aldus. Kailangang harapin ko na siya. Hindi niya tayo titigilan hangga’t hindi ko siya nasa-sample-an. Gusto niya ng sample ng pagtataray at ka-bitchy-han ko? Pwes, ibibigay ko sa kanya. Humanda siyang bruha siya. Mas magiging bruha pa siya kaysa sa pinakabruha.”

“Sshh...” malambing na saway ni Aldus sa akin. Merong pigil na ngiti sa labi niya. Mukhang gusto pang matawa sa mga pinagsasasabi ko gayong seryoso ako.

Gagawin ko talagang bruha sa pinakabruha ang bwisit na ex niya. Seryoso ako.

“Don’t stress yourself out,” paglalambing niya. “Halika rito, hug kita saka kiss kita para makalma ka...” Niyakap ako ni Aldus at masuyong kinintilan ng halik sa sentido.

Para namang may magic ang yakap ni Aldus na bigla ako napakalma. Ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa galit kanina ay tila binura ng isang eraser.

“Naiinis ako sa ex mo...” I pouted my lips exaggeratedly.

My Robert Aldus cupped my face and fondly kissed the tip of my nose. “’Wag na lang natin s’yang pansinin. Magsasawa din si Kate kapag wala siyang response na nakuha sa ‘tin.”

Inirapan ko siya. “Hindi ko na siya kayang i-tolerate. I have to do something to stop her. At kung gusto niyang magkaharap kami, ibibigay ko ang gusto niya.”

His dreamy eyes met my gaze intently. “Don’t go. Please?”

Masuyo ko siyang hinawakan sa pisngi. “Alam mong hindi ako umaatras sa kahit na anong laban sa buhay ko, Robert Aldus. At si Kate ay itinuturing kong malaking laban sa buhay ko dahil hangga’t hindi siya nagigising sa ilusyon niyang magkakabalikan kayo, mananatili siyang isang malaking threat at hamon sa akin. Panahon na rin siguro para magkaharap kami. Matagal na rin naman akong nanahimik dahil sa pagkukunsidera sa pamilya niya lalo na kay Tita Elvie. But she really annoys the hell out of me already at kailangan na siyang mahimasmasan,” mahabang sabi ko sa nagpapaintinding tinig.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon