Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!

7K 297 244
                                    

ASHLEY

NAGUGULUHAN AKO. ANONG pwede niyang ikaso sa akin?

Nasuklay si Bobby sa buhok at napahimas sa batok. “Physical injury.”

That answered my question.

Dezi gasped and put her palm to her lips. “Oh, my gosh! Did you two engage in a fight?”

Ako naman ay napangisi lang. “Robert Aldus, if I inflicted a physical injury on her, sa tindi ng asar ko sa kanya, baka hanggang ngayon nasa hospital siya at nagpapagaling,” mataray kong sabi habang salubong ang mga kilay ko.

Bobby was licking his lower lip. “Nagkaroon ba kayo ng confrontation weeks ago?” He looked calm. Though I knew he was worried about me.

Sinalubong ko ang tingin ni Bobby. “Yes,” diretso kong sagot. “A few hours before I went out with Rome for a coffee.” Saglit kong inalala ang eksena. “I think around nine PM. You asked me to visit you there, remember? But I got caught in traffic dahil dumaan pa ako sa paborito mong bakeshop to buy your favorite coffee bun.” Umismid ako. Nagsisimulang na namang umapaw ang hindi mawala-walang inis ko kay Patty.

Pati na rin kay Robert Aldus.

Wala siyang kasalanan, pagtatanggol ng isang bahagi ng utak ko.

“I asked the bruha to call you inside her unit but she refused dahil nagpapahinga na raw kayong lahat at hindi na pwedeng maistorbo pa. I insisted, but she refused. Tinawagan pa kita para lang lumabas ka. But your cellphone just kept on ringing.”

“I didn’t know that. Ni hindi ko narinig ang pagtawag mo.” Napasuklay siya sa buhok.

“Because you were sleeping!” mariing sabi ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Dezi sa hita ko na para bang pinapakalma ako.

Breathe in, breathe out, Ashley Grace… pagpapakalma ko sa sarili. Hindi si Bobby ang kaaway mo kundi ang bruhang ahas.

Ang lalim ng tulog mo. Para kang drinoga,” naiinis kong sabi.

“Sorry…” aniya. “Pagod lang siguro ako n’ung gabing ‘yun,” dagdag pa niya na tila walang maalala.

Sabagay, ilang araw din naman talaga siyang walang tulog at puyat.

“Nagpumilit pa nga akong pumasok,” I continued. “But she threatened me with trespassing. And then she provoked me--“

Kumunot ang noo ni Bobby. “What did she say?” His voice was edgy.

Natigilan ako. Hindi maganda ang mga pinagsasasabi ni Patty tungkol sa akin. Nakakahiyang marinig ng iba.

Napatingin ako kay Dezi. Alam na kaya niyang anak ako sa labas? Alam kaya niyang naging kabit ang nanay ko.

But who cares? This is me.

Hindi ako magiging si Ashley Grace kung hindi ako naging anak ng mommy ko sa daddy ko.
It did not matter anymore. Ang mahalaga na sa akin, mahal ako ng mga taong mahal ko bilang ako.

“She told me that I don’t deserve somebody like you--na kahihiyan lang ang dulot ko sa magandang pangalan mo at ng buo mong pamilya--“

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon