Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare

9.7K 455 558
                                    

Happy Mother's Day to my Mama! She's not perfect, I know. May mga times na feeling ko mas ako ang nanay kasi lahat puro ako. Puro sa akin. Decision-making, problema sa mga kapatid and all. Minsan mabigat na. Pero lagi kong iniisip na kahit ganu'n, nanay ko pa rin s'ya. She risked her life for me. Kalahati ng genes ko galing sa kanya. And may mga times, na kulang man s'ya sa kaalaman (elementary graduate), she would always make me laugh.🤱🏻 Happy Mother's Day, Madir! I love you! (Hindi n'ya 'to mababasa kasi hindi naman n'ya alam na nage-exist ang wattpad 😜)

Happy Mother's Day to all mothers (nagsilang man ng anak o hindi, basta may pusong-nanay), especially to @GonzalesAlliah.

Happy birthday to all May babies especially to my Papa na nasa heaven na (May 9) (happy birthday in heaven, Papa!)
@marlyneclevia05 (May 14), @akosi_sky (May 15) and @maralbarando (May 28) Enjoy your special day and have a blast! 🎉🎈🍾🎂

Hello to @TryczeGrey!

Maraming salamat sa inyong lahat sa pagsuporta kina Aldus at Gracie! I love you all. Stay safe and well ❤ -- Dyosa

**************************
ASHLEY

A SATISFIED SMILE appeared on my lips as I watched myself on the full-length mirror in the built-in closet in my room.

I was wearing an off-the-rack Oscar dela Renta fiery red lace bodycon dress--with length four inches above my knee, chiffon frill detail and with see-through long sleeves. I matched it with a Christian Louboutin nude Balota three-inch strappy sandals. May hair was tied in a neat top bun then wore a pair of Cartier pendant earrings.

I also put on a light make up but matched it with blood red lipstick. My fair skin highlighted the color red on me.

Fiery red.

Pang-bida-kontrabidang kulay.

Red symbolized love and courage
Yet, it was also being used for rage. It was being used to warn of a danger.

Ito ang persona na gusto kong iparating kay Patty.

It was also a good luck color for Chinese.

Not that I needed a lot of goodluck. Alam kong sa akin ang araw na ito. Andrew Rufino would make sure of that.

Ang araw na pinakahihintay ko.

I smirked at myself. "Today is your day, Ashley Grace," I told myself out loud.

"Yes, today is your day, Ashley Grace at andyan na ang gwapong sundo mo," anunsiyo ni Tita Liezel na sumilip mula sa labas ng built-in closet.

Humarap ako sa kanya. "Maganda na ba ako?" nakangiti kong tanong sa kanya.

She looked at me and smiled. "Super ganda!" she exclaimed. "S'yempre mana ka sa amin ng mommy mo."

Napabuntong-hininga ako nang mabanggit ni Tita Liezel si Mommy. Hindi alam ni Mommy ang mga pinagdadaanan ko tungkol kay Patty. Lalo na ang mga pinagsasasabi ni Patty sa akin tungkol sa pagiging anak ko sa labas.

Ayokong bigyan si Mommy ng iisipin pa. Hindi rin naman biro ang pinagdadaanan ni Mommy ngayon. Although ngayon ay sobrang bumalik na ang nawalang glow sa kanya dahil sa pagiging alcoholic niya. She gained a little weight and the glow was back. She looked so amazingly beautiful now.

Konting tiis na lang ay makakalabas na siya ng rehab. Maybe in time for my graduation.

Pero ipinangako ko sa sarili ko na sa susunod naming pagdalaw sa kanya, ikukuwento ko na nang buong-buo ang mga pangyayari.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon