Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate

12.1K 268 81
                                    

ASHLEY

MASUYONG TUMINGIN SA akin si Miranda. “But I am proud of you for being calm,” aniya at masuyo akong kinurot sa pisngi.
“Hindi tumaas ng high octave ang boses mo. Nag-alala akong baka sumigaw ka o biglang manabunot o magmura nang malakas. But you didn’t, so good job.”

“Ouchy naman. Parang feeling ko ako ang gagawa ng mga gan’un, eh,” natatawang sabi ni Jorj.  Numero uno kasi siyang selosa.

Natawa kaming lahat. Pinakamalakas ang tawa ko. Alam ko kasi sa sarili kong muntik ko nang gawin ang mga bagay na iyon. It just took me a lot of self-control and deep breathing to calm myself.

But come to think of it, mabuti ring nagkausap kami ni Kate. Naiparating ko ang gusto kong iparating at mangyari. Parang isang sako ng bigas na matagal nang nakapatong sa dibdib ko ang nawala.

“Let’s go?” yaya ni Stasha.

I saw Miranda peek a glance at Kate. There was so much pity in her eyes. Ayoko sanang tingnan si Kate. Pero binigyan kong muli ang sarili ko ng pagkakataon na tingnan--sa huling pagkakataon--ang nakaraan ni Bobby.

Ang nakaraan ni Bobby na hindi ko na gustong balikan pa niya.

Ayokong maawa sa kay Kate. Ang tao ang gumagawa ng kapalaran niya. Kate chose it when she dumped and left Bobby. It was her fault why she was crying now. Not anyone else’s.

Hinila ko sa kamay si Miranda para makuha ang atensyon niya. “Mira, nakausap mo na siya. Okay na ‘yun,” I whined. Nanulis ang nguso ko habang maarteng nakasimangot.

Nagseselos kasi ako.

Ayokong may ibang kinakaibigan ang mga kaibigan ko bukod sa akin. Lalo na si Miranda.

“Do you think she’ll be fine?” tanong ni Stasha. Narinig ko ang kalakip na concern sa boses niya.

I rolled my eyeballs. Walang nakakaawa kay Kate kung malalaman lang nila ang ginawa nito kay Bobby.

Miranda sighed. And for one last time, she took a look at crying Kate. “Kate will be fine,” she answered.

“Iyon naman pala. Halika na,” sabi ko sabay hila sa kamay niya. Ayoko nang magtagal pa kami.

Agad namang sumunod sa amin sina Stasha at Jorj.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Ang saya-saya ko na parang lumulutang ako sa ere.

“Sa’n nga pala tayo ngayon?” tanong ni Miranda.

“Let’s go back to our suite room and celebrate,” mungkahi ko.

“Call ako r’yan,” segunda ni Jorj.

I put out my cellphone and texted Robert Aldus.

I made it, I texted him. And we’re going to celebrate.

Hindi nagtagal ay naka-receive ako ng reply.

How was it? Hindi mo ba siya inaway at pinaiyak?

Napasimangot ako sa reply niya. I knew it was meant as a joke. Pero nakakainis pa rin. Mabibigat ang daliri ko sa pagdutdot sa cellphone ko dahil sa inis.

Jerk! At ako pa talaga ang inisip mong nang-aaway at nagpapaiyak, ha?

Wala pang isang minuto ay heto at tumatawag na si Robert Aldus ko sa akin.

Pero hindi ko sinagot ang telepono ko. Hawak ko lang siya habang nakatingin sa pangalan ni Bobby na naka-flash sa screen ng cellphone ko.

“Bakit ayaw mong sagutin?” curious na tanong ni Stasha.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon