Chapter 28 : Meet The Parents

27K 496 148
                                    


ASHLEY

"ASH, MAY PROBLEMA ka ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Miranda habang inilalatag ang kutson sa lapag.

Nasa bahay ako nina Miranda para matulog doon. Naroroon na naman kasi si Congressman sa bahay ni Tita Liezel kaya kailangan kong umalis.

Simula nang maging close ako kina Miranda ay sa bahay na nila ako nagpapalipas ng gabi kapag nariyan si Congressman at hindi kami pwedeng mag-road trip ni Bobby.

Tulad ngayon. Sa bahay nina Miranda ako inihatid ni Bobby para mag-overnight. Sabay na silang umalis ni Jacob sa bahay nina Mira kanina.

Lumapit si Miranda sa akin at matamang tumingin. Hindi ko alam kung paanong nagawa ni Miranda na makilala ako ng husto sa maikling panahon na naging close kami. I would always think that she knew me better than other people know me. Alam niya kung kailan ako naiinis o masaya o nag-iisip.

Tulad ngayon. Hindi ko kasi alam na nakatulala pala ako habang nakaupo sa single bed niya.

"Ash?" she enquired when I did not answer her back, a frown on her pretty face. "May LQ ba kayo ni Bobby? Ang sweet-sweet n'yo lang kanina, ah."

Natigilan ako. "Ha? LQ?" Umiling ako. "No..."

"Eh, bakit parang ang layo ng iniisip mo? You seem spaced out. Or even worried. Si Tita Liezel ba? You're worried about her?" concern niyang tanong

Umiling ako. Nabanggit ko kasi sa kanya na nag-aalala ako minsan para kay Tita Liezel dahil nakita kong may malaking pasa ito sa braso pagkatapos umalis ni Congressman.

Sumalampak si Mira sa lapag paharap sa akin. "Sabihin mo sa akin kung anong bumabagabag sa isip mo," she said. She was always like that to us. Lalo na sa amin nina Stasha at Jorjina. Parang mother hen lang peg.

I sighed. Napahilamos ako sa mukha. "May lunch kami sa bahay nina Bobby bukas, bebe. Ipakikilala na raw niya ako parents niya at sa mga ate niya," alanganin kong sabi.

Namilog ang mga mata ni Miranda. "Wow! That's great," natutuwa niyang sabi. "Finally, makikilala mo na sina Tito Robert at Tita Ave pati na rin sina Ates One, Two and Three."

Pero hindi ako nahawa sa excitement ni Miranda. Napangiwi pa nga ako.

Lumabi si Miranda. "Bakit parang hindi ka excited?"

"Baka hindi nila ako magustuhan..." There was so much insecurities in my voice.

Kumunot ang noo ni Miranda. "Bakit naman hindi ka nila magugustuhan?"

Hindi ako nakakibo.

Miranda shrugged her shoulders. "Well, sabagay ako rin n'ung 'meet the parents' day rin, kabado ako. Naisip ko rin na baka hindi ako magustuhan kasi sino ba ako? Pero nawala lahat ng apprehensions at takot ko nang makilala ko na ang parents at buong family ni Jacob. Mababait silang lahat. At natanggap naman nila ako para kay Jacob."

Kasi katanggap-tanggap ka naman...Hindi tulad ko... gusto ko sanang sabihin iyon kay Mira pero pinigilan ko ang sarili ko.

She smiled. Isang ngiting nang-eengganyo. "Mababait ang parents ni Bobby pati na rin ang mga ate niya. I'm sure magugustuhan ka nila?"

"Pa'no kung hindi?" Hindi ko maiwasang malungkot sa tanong ko. "Lalo na ng mommy ni Bobby. Base sa kwento ni Bobby, close siya sa ina at mahal na mahal niya ito. At hindi ba may kasabihan na ang mommy agad ng boyfriend mo ang dapat mong ma-impress? Pa'no kung hindi ko iyon magawa?" puno ng takot kong mga tanong.

Dati ay wala akong pakialam sa pamilya ng previous boyfriends ko. Hindi naman nila ako ipinakilala sa pamilya ng mga ito. They never did. Siguro ay ikinahihiya rin ako. Or maybe I was not worth it.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon