Chapter 38 : Making Wrong Things Right

23.3K 427 100
                                    

ASHLEY

"'WAG KA NANG magpunta rito mamayang gabi. Spend time with your family," sabi ko kay Bobby nang ihatid niya ako sa bahay matapos naming makauwi galing sa Zambales. Alas diyes na kami ng umaga nakabalik sa Manila.

We were still wearing the same clothes. Nakatupi na ang long sleeved polo niya hanggang siko. His hair was disheveled. Halatang sinuklay lang ng daliri.

But he still looked so effortlessly hot.

Ako naman ay hinubad na ang coat niya na suot ko magdamag at ipinatong iyon sa sofa.

"At bumawi ka ng tulog, okay?" pahabol ko pang paalala habang magkahawak-kamay kami.

Nakatayo na kami noon malapit sa pinto pero ayaw pa rin naming lumabas at bitiwan ang kamay ng isa't-isa.

He smiled. Kahit na halata sa hitsura niya ang pagod at puyat dahil sa pagro-road trip namin ay gwapo pa rin siyang tingnan.

His dreamy eyes looked dreamier.

"I will," he replied back.

Then we went quiet and we were just holding each other's gazes.

"I had a great time," malambing na sabi ni Bobby sabay masuyong pisil sa baba ko. "I had a great time watching the moon, stars and shooting stars with you. It was just a simple thing yet it was bizzarely beautiful and meaningful."

The way he was looking at me while saying this was making my heart aflutter.

I pursed my lips. Kinilig ako sa sinabi niya. "It always feels great doing things with you, my Aldus," malambing kong sabi. "Until next time..."

He smiley grinned. Halatang natuwa sa sinabi ko. "Until next time-Grandeur time..." It was like a promise with his eyes twinkling mischievously.

"Pervvv!" natatawang tili ko sabay palo sa tiyan niya na ikinaigtad niya at ikinatawa nang malakas.

Then we went still. Just quietly holding hands and lovingly looking at each other.

I will never get tired of looking at his handsome face.

"Sige na..." pagtataboy ko at marahan siyang itinulak paharap sa pinto matapos ko siyang kintilan ng isang mabilis na halik sa labi. Aabutin na naman kami ng siyam-siyam sa kakaganito namin. "Get some rest, okay?" masuyo kong dagdag.

"Yes, Ma'am," nakangiting sagot niya.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng pinto at naglakad patungo sa kotse niya. Pero agad din namang humarap nang ilang dipa pa lang ang layo niya.

"My Ashley Grace?" His sexy lips were curled up in one corner. Dreamy eyes glinting with happiness.

And I melted with that sexy smile and dreamy eyes.

"Yes?" I asked in a raised brow.

He pouted his lips exaggeratedly. And he looked so fucking cute that I smiled with it.

"Kiss mo nga muna ako saka hug mo ako," naglalambing niyang sabi.

I rolled my eyeballs. "Fucking duh," natatawa kong sabi. "Ang arte-arte mo. Ang landi-landi mo."

But I obliged just the same. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. He met my kiss with an equal passion as mine.

Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit. Kung pwede lang na hindi na kami maghiwalay.

Kung pwede lang.

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa sentido ko. "I love you," bulong niya. "You are the best thing that ever happened to me..."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon