Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date

33.1K 732 77
                                    

ASHLEY

NANG SAPITIN NAMIN ang kotse ni Bobby ay kumawala na ako sa pagkakaakbay niya. "Sakay na," sabi ko at binuksan ang passenger door. Ako na ang nagkusang mag-drive dahil una, magandang i-drive ang bago niyang sasakyan. Pangalawa, nakikita kong parang inaantok na siya.

Nakita kong bubuksan sana niya iyon para sa akin pero inunahan ko na siya. Tinitigan niya ako na para bang may gusto pa siyang sabihin. Pero pinili na lang na manahimik at sumakay.

Wala kaming kibuan habang nagda-drive ako.

Tahimik lang ako kasi parang mabigat sa loob ko na uuwi na kami. Ewan ko ba? Siguro dahil alam kong pagkatapos nito ay mag-iisa na naman ako. Kasama si Tita Liezel na minsan ay may sariling mundo rin.

O dahil sumagi sa isip ko na baka habang lumilipas ang oras ay nari-realize ni Bobby kung bakit niya pinatulan ang alok kong kunwariang relasyon.

Anyway, kung mag-decide naman siyang ayaw na niya, ano pang magagawa ko? It was good while it lasted. Masaya kasi pala siyang kasama.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatitig si Bobby sa akin. Ako na ang unang bumasag sa katahimikan. "May problema ka ba sa akin? Kanina ka pa kasi nakatingin."

Natawa si Bobby ng mahina at pagkatapos ay umiling saka naglabas ng isang malalim na buntong-hininga. Napahilamos siya sa mukha. "Uuwi na ba tayo?" tanong niya pagkatapos.

"Pauwi na tayo, Aldus. Can't you see?"

Hindi siya sumagot. He was licking his lower lip. "Pull over, Gracie," maya-maya ay sabi niya.

"What?!"

"I said pull over. There," sabi niya sabay turo sa isang fastfood chain sa main road na bukas twenty-four hours.

I pulled over and parked the car, sa bandang gilid ng fastfood chain. May tatlong kotseng nakaparada na roon.

"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" concerned kong tanong. Like a caring girlfriend.

Oh, shut the fuck up!

Patagilid siyang humarap sa akin. Umiling siya. "Ikaw ba nagugutom?" balik-tanong niya.

Umiling ako. "Marami akong nakaing carrot cake kanina."

"Uuwi na ba tayo?"

Marahan akong tumango. "Yeah." Tumingin ako sa relo ko. It was half past three in the morning.

"Ayoko pang umuwi, eh."

"May klase ka pa mamaya-"

"Eleven o' clock pa naman ang klase ko mamaya."

Lumabi ako. "Mapupuyat ka."

"Napuyat na ako, eh. What is there to prevent me from sleeping late?" parang batang nangangatwiran na sabi niya.

I met his gaze. "Ano pa bang gagawin natin?"

Matipid siyang napangiti. Matipid pero pilyo ang dating. At cute. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya. His thumb was gently circling my thumb.

Pareho kaming napatingin sa magkahawak naming kamay. At halos sabay din kaming nagbalik ng tingin sa isa't-isa. Our eyes met. His dreamy eyes were smiling.

"Ano pa ba ang gagawin natin, Aldus?" ulit kong tanong sa mahinang boses. Just to distract myself from this-whatever you call this.

He smiley grinned. "Talk. Kiss. Hold hands. Hug. Talk again. Then kiss again. Then hold hands again. But we can do that randomly. I'd love to start with kissing," malambing niyang sabi habang may pilyong ngiti sa labi.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon