Special Chapter 19 : The Brewing Conflict

8K 226 134
                                    

Hi to my "number zero fan" meixfelinerainaj. Thank you for always supporting my stories ❤ -- Dyosa

*******************************

"WHY ARE YOU smiling? Sino ba ang nag-message sa 'yo at napangiti ka niya?" Bobby asked me while we were inside the car. Pauwi na kami galing sa party ni Wesley.

At syempre dahil pauwi na kami, nagpasya na ring umuwi si Patty.

Mabuti naman. Ayoko nang makita ang pagmumukha niya.

From my cellphone, I shifted my gaze to Bobby's dreamy eyes. Salubong ang kilay niya at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Tatalunin na niya ang pagsusuplado ng best friend niyang si Jacob.

Sinundan ko ang tingin niya. Nasa cellphone ko ang mga mata niya.

On instinct ay agad kong s-in-witch off ang light. Tanda ng pagiging guilty.

Then I breathed a sigh. Sasabihin ko bang si Rome ang nag-message sa akin? Sending me a gif of a dog crying a river when I said in big letters that no, I will not watch his gig tomorrow night? At pagkatapos ay ang picture ng isang pirasong red rose na nakapatong sa isang piano ang ipinadala niya, telling me that he was sending me a rose since I will not watch his gig tomorrow.

And it made me smile. Ang OA lang kasi niya. Napapangiti ako sa ka-OA-han at pagiging pursigido niya. Na kahit na ilang beses ko pa siyang tinanggihan ay hindi pa rin tumitigil sa pang-iimbita sa akin.

I decided not to tell Bobby. Rome was not that important to let Bobby know.

"Nothing," I said, shrugging my shoulders.

He cocked an eyebrow. "Some random telemarketers again? Nadadalas naman yata..."

"It's not telemarketers this time. Napapa-smile lang ako sa mga pinagsasasabi ni Neneng Biba natin sa girl group chat namin. But it's a girl thing so you don't have to know," pagsisinungaling ko.

Sorry, Miranda. I had to use you, nagi-guilty na sabi ko sa isip.

Miranda's name had always been the magic word. Kapag binanggit namin ang pangalan niya sa pagdadahilan, walang kumukuwestiyon doon. Siguro dahil alam ng buong gang na walang kaming hindi gagawing tama kapag kasama si Miranda.

Ilang segundong nakatitig lang si Bobby sa mga mata ko.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung sa guilt ba o dahil sa intensidad ng tingin niya na lalong pinabibigat ang nararamdaman kong guilt.

But I felt that I did not have to feel guilty. Hindi naman talaga importante si Rome sa pagitan naming dalawa ni Bobby para pag-aksayahan namin siya ng oras sa isang argumento.

"Talaga?" He said that one word like he was mocking me.

"Talaga. Period."

He licked his lower lip then breathed a long sigh after. "Okay. Sabi mo, eh. I trust you, Ashley Grace."

I trust you.

I did not know why I felt guiltier.

Kahit na alam kong wala akong ginagawang masama.

BOBBY'S SCHEDULE GOT crazy. Sa loob ng tatlong linggo, tatlong beses na rin siyang hindi nakarating sa supposed date namin. He was apologetic though and I kept an understanding mind about it. Kahit na minsan ay gusto kong magtampo, pinipilit ko pa ring intindihin siya.

Pinagmulan na ng away namin dati ang kawalan niya ng oras sa akin. Ayoko nang maulit pa ito.

Lagi niyang sinasabi na lahat ng ginagawa niya ay para sa aming dalawa eventually at ako ang inspirasyon niya.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon