Chapter 4 : Bobby Says Sorry

32.9K 684 156
                                    

TAPOS NA AKONG mag-ayos ng sarili ko sa loob ng motel ay tulug na tulog pa rin si Bobby sa kama.

Nalasing kasi kami parehas ni Bobby kagabi. Mas lasing nga lang siya at talagang nagpatulong pa ako sa boy sa videokehan para isakay siya sa kotse. Nahihilo na rin ako sa kalasingan kagabi. Pasado alas onse na kami huminto sa pag-inom nang mapansin kong halos makatulog na si Bobby sa kalasingan.

At dahil nakainom din ako, ayokong mag-drive ng malayuan. It was not safe. And I was not stupid to drive while drunk. So I decided for Bobby and I to stay in the motel.

Pero hindi sa motel kung saan pumasok sina Kate at Zeke. It would be too much for Bobby. Sa malaki at sikat na motel ako nag-check in. It was convenient and safe for both of us dahil malapit lang iyon sa videokehan. Wala kasing malapit na hotel sa area na kung saan pwede kaming tumuloy. Thus, the motel. Hindi ko rin naman alam kung saan ko ihahatid si Bobby kagabi.

Ito na ang pinaka-sensible na desisyon. Wala naman akong pakialam kung may makakita sa amin ni Bobby na magkasama kami sa motel. Wala namang maniniwala kung sasabihin ko ang totoong nangyari kung bakit kami naroroon. People tend to think that way, lalo pa at makitid ang utak ng taong makakakita.

Basta alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo. Alam ni God ang totoo. Never mind what other people would think of me. They always thought the worst of me anyway. What was new? So refuting this issue, in case it gets out of hand, would be futile.

Nalaman kong hindi si Bobby ang tipong madaldal kapag lasing. He was just quiet. Isang tanong, isang sagot. Halos makatulog na lang sa sobrang kalasingan. Panay lang ang banggit sa pangalan ni Kate. He really was hurting because of their breakup.

Kate was really lucky dahil may lalaking tulad ni Bobby na sobrang nagmamahal sa kanya. Hindi nga lang napahalagahan ni Kate dahil nakakita pa siya ng iba.

Sayang. Dahil ang lalaking nagmamahal ng sobra tulad ni Bobby ay hindi na dapat pang pinakakawalan. Bobby was a good man. Just like Jacob Maravilla. Birds of the same feathers flocked together.

Tumingin ako sa relo ko. It was past nine o' clock in the morning. Pumapasok na ang liwanag sa kuwarto.

The room I got was called "Marilyn Monroe". I did not know na may mga theme na pala ngayon ang mga motel. O siguro ay ito lang motel na ito dahil may pangalan at sikat na motel.

Our room was big. Around fifty square meters-big. Akala ko noon, ang mga motel ay isang kapirasong kuwarto para mairaos lang ang init ng mga katawan ng mga customers. Nag-evolve na pala ito. Meron ng ganito ka-cute na kuwarto.

The bed was a four poster bed na merong pink na silk curtains. There was a table and two chairs with pink upholstery. Sa wall sa ulunan ng kama ay may malaking portrait ni Marilyn Monroe. Her classic alluring pose. On the ceiling sa tapat ng kama ay may malaking mirror. Maging sa magkabilang wall ay may malaking wall mirror.

I rolled my eyes. It was kind of kinky. Bakit kailangang paikutan ng salamin ang buong kuwarto? In totality, the room was nice. And cute. Very girly. Parang hindi bagay sa malaking tao at lalaking-lalaking tulad ni Bobby.

Tumingin ako sa natutulog na si Bobby. Suot pa rin niya ang pantalon pero nakahubad na ang polo niya. Hinubad ko kagabi dahil pawis na pawis siya. That was the least I could do.

His body was sprawled on the bed. Nakadapa siyang matulog habang nakataas ang mga braso niya sa ulunan niya, making his muscles reflex because of that. I never knew Bobby's body was really this fit. Siguro ay dahil athlete siya. Batak sa sports. Parang malalakas kasi ang mga braso niya na kung kakargahin niya ako, madali niyang magagawa dahil hanggang baba lang niya ang height ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon