Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl

33.2K 601 66
                                    

ASHLEY

"RANDOM THOUGHTS... IF I am a vampire, will you willingly let me bite you?" Bobby asked me. Pagkatapos ay marahan akong kinagat sa leeg. His teeth gently nipped the skin on my neck. I felt a sensation ran through my whole body. Parang koryente.

Nakasandal kami sa railings. Nasa likuran namin ang mailaw at marahang umiikot na carousel. Bobby was backhugging me. My back was leaning against Bobby's chest. Nakayakap ang magkabilang braso niya sa beywang ko. Kumakain ako ng ice cream. Inilalapit ko iyon sa kanya matapos kong dumila and I would let him lick from it.

Hindi ako agad nakasagot. Aware kasi ako sa koryenteng dulot ng marahang pagkagat niya sa leeg ko. It was sweet and a little intimate.

"Ang tagal namang sumagot," parang batang nagmamaktol na sabi ni Bobby.

"Wait lang, pinag-iisipan ko pa."

He tsked. "Pinag-iisipan pa." Nagtatampo ang boses niya.

Siniko ko siya at sinulyapan. "Syempre naman, 'no! Masakit kaya 'yun. Matutulis ang mga pangil ng bampira, ano ka ba?!"

"Sandali lang naman 'yung pain. After nu'n, forever na tayong magkakasama because we will be immortal. Am I not worth the pain, Gracie?" malambing niyang tanong at hinalikan ako sa balikat.

Napapikit ako.

You are, Bobby. You are... I wanted to tell it to him while looking straight into his dreamy eyes.

Pero naduwag ako. Hindi naman kasi totoo ang conversation na ito. This conversation was just a theory. A random thought. Walang kahulugan kay Bobby. At ako rin ang mapapahiya dahil assumera ako kung tototohanin ko ang conversation na ito at pag-iisipan ko ng malalim na kahulugan.

Humarap ako sa kanya at matipid na ngumiti. Ibinigay ko sa kanya ang icre cream. "Ayoko na. Ikaw na lang ang umubos." Pagkatapos ay agad akong tumalikod at hinila siya sa kamay. "Sakay na lang tayo ng carousel-"

"Again?" he asked incredulously. Paano ay pangpitong beses na namin iyon kung sakali.

"Yes."

"Okay. But after that, sa roller coaster naman tayo." Dinilaan niya ang tunaw na ice cream sa gilid ng cone habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako. Shit. That was fucking sexy.

I pouted my lips and sighed. "Okay. Basta ba hindi mo ako-"

"Kailan ba kita iniwan, Gracie?" he fondly asked, cutting me in mid-sentence. Siguro ay nakita niya sa ekspresyon ng mukha ko na iyon ang gusto kong sabihin.

Sana nga hindi mo na ako iwan kahit kailan, eh.

"Okay," kibit-balikat kong sabi.

Matapos naming sumakay ng carousel ay lumabas kami para sa para outdoor roller coaster. Tiningala ko ang pinakamataas na height ng riles ng roller coaster. Pagkatapos ay napatingin ako sa langit. Madilim ang ulap. Mukhang uulan.

"Don't tell me aatras ka?" Bobby challenged. Nasa likuran ko siya.

"Nope."

"'Yan ang Gracie ko. Matapang." Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at minamasa-masahe ang likuran ko.

Hinarap ko siya. "Matapang talaga ako. Mataray at bi-"

Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil mabilis akong hinawakan ni Bobby sa magkabilang-pisngi at hinalikan sa labi. The kiss surprised me. Nakadilat ako habang ang labi niya ay nasa labi ko.

"That will shut you up," Bobby said after the kiss. He tsked and slowly shook his head. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayokong dina-down mo ang sarili mo?" he chided. "You are not a bitch, understand. You. Are. Not," mariin niyang sabi sa huling tatlong salita.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon