Special Chapter 42 : Some News

5.8K 381 379
                                    

BOBBY

WALANG TIGIL NA pag-ring ng cellphone ko ang gumising sa akin. Pinilit kong imulat ang inaantok kong mga mata at tumingin sa digital clock na nasa bedside table ko.

It was only thirty minutes past eleven o' clock in the evening. Ibig sabihin ay nakaka-isang oras pa lang ako ng tulog simula nang dumating ako sa bahay mula sa hospital duty doing pre-rounds.

Nagbasa pa kasi muna ako para sa morning reports ko bukas. I have to wake up at 5AM tomorrow.

Dinampot ko ang cellphone ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong tingnan kung sino ang tumatawag. Inaantok talaga ako at tila kusang pumipikit ang mga mata ko.

"'Lo..." sagot ko. Ni hindi ko na magawang buuin ang salitang 'hello' dahil sa antok.

"Robert Aldus..."

Napabalikwas ako. "Gracie... Why?" agad kong tanong.

Magka-text lang kami kanina. Nasabi ko sa kanyang pagod at inaantok na ako at nakaintindi naman siya at sinabing okay lang na hindi muna kami mag-usap.

She understood my situation.

Ilang segundong silence.

"My Gracie?..." pukaw ko sa atensyon niya habang nakapikit.

"Mahal mo ba ako, Robert Aldus?" she asked.

Her voice was laced with insecurity. I heard it, gaano man niya iyon itago.

Napangiti ako. Naglalambing ang Gracie ko. Siguro ay nami-miss ako.

I missed her, too. So much it can kill me. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Lagi lang ay magka-usap o magka-text lang kami. Sobrang busy lang kasi ako ngayon. Natambakan ako.

Pero lagi naman akong bumabawi. Minsan nga ay ipinagpapalit ko na ang tulog makita lang siya.

Para mas ma-inspire ako sa ginagawa ko. Lahat ng ito ay para sa kanya naman. Para sa future naming dalawa.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" sabi ko na mas nilambingan ang boses ko. "Mahal na mahal na mahal kita, my Gracie. In this lifetime. At sa susunod pa. Kahit sa reincarnation natin, ikaw pa rin ang hahanapin, pipiliin at hahabulin ko."

I heard her inhale a sharp breath.

Then she went silent after.

"I love you..." madamdamin niyang sabi.

I smiled. "I love you more."

"Sige na," pagtataboy niya.

Pagkatapos ay agad na c-in-ut na ang linya.

Napailing ako at napangiti. Naglalambing na naman ang pinakamamahal kong girlfriend.

Dumapa ako para pumuwesto nang matulog. Patulog pa lang ang diwa ko nang marinig kong mag-ring na naman ang cellphone ko.

It was my Gracie again.

"Hindi mo naman ako pababayaan, 'di ba?" agad niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. "Kailan ba kita pinabayaan?" balik-tanong ko sa kanya sa malambing na tinig.

Iyong boses na mas nilalandian ko pa.

At tiyak na isang 'ang landi mo, Robert Aldus' ang isasagot niya ngayon.

But she remained silent on the other line. Waring nag-iisip.

"Ako pa rin naman ang pipiliin mo, 'di ba?" she asked again. She really couldn't hide the insecurity in her voice.

Kung seseryosohin ko pa nga, para pa ngang gusto niyang maiyak sa bawat tanong niya.

"Hanggang sa susunod nating buhay, hahanapin kita at ikaw ang pipiliin kong mahalin. Kasi gan'un kita kamahal. Kasi alam kong magiging masaya ako sa piling mo," seryosong sagot ko.

"Totoo?" paninigurado niya.

"Cross my heart and hope to die, my Gracie. Ikaw at ikaw lang ang gusto kong mahalin at makasama habambuhay."

Narinig kong muli ang pagbuntong-hininga niya. "Good to know..." Was all she said, almost a whisper.

"May problema ba?" I asked.

Hindi siya sumagot.

"Miss mo na 'ko, 'no?" I said in a flirty way.

"Asshole..." she said, barely audible.

"Miss na miss na miss na rin kita. Hayaan mo babawi ako. Promise."

She sighed. "Sige na. Magpahinga ka na. Alam ko pagod ka."

"I love you, my Gracie..."

"I love you, too, asshole. So, so much..."

Was she crying? May narinig kasi akong paghikbi. Or was it just my imagination dahil sa sobrang antok ko?

But nevertheless, it made me smile. At alam kong makakatulog ako nang may ngiti sa labi.

But a few minutes after I put down my phone, it was ringing again.

Si Ashley Grace ko ulit.

Naglalambing ang girlfriend ko kaya nangungulit.

"Random thought..." sabi ko at hindi na nag-hello. "I'll tell you this over and over again, my Gracie. You can always, always stay in your most comfort zone... My hug..." paglalambing ko.

Hindi siya umimik sa kabilang linya.

"My Gracie?..."

"Buntis ako, Robert Aldus..."

Napabalikwas ako nang bangon sa kama.

Ako naman ang hindi nakakibo.

"Okay, bye..." aniya at agad na tinapos ang pag-uusap namin.

Pucha! Every core of my being was awake with that news!

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon