Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace

19K 456 110
                                    

Hello to kriscyKriscy.
As promised, Robert Aldus finally meets his Ashley Grace.
Thanks for loving these two ❤ -- Dyosa

**********************************
ASHLEY

"AND I STAND by what I believe in--na hindi si Bobby ang nag-text sa 'yo na pagod na siya at ayaw na niya," buong kumpiyansang sabi ni Miranda.

Magpo-protesta sana ako sa sinabi niya nang makarinig kami sa labas ng isang tunog ng violin.

At ng gitara.

Sabay na tumutugtog sa labas ng cottage namin.

Ilang ulit mo ng itinatanong sa 'kin kung hanggang saan...

At ng isang sintunadong pagkanta.

Ng isang sintunadong boses na kilalang-kilala ko.

Ang sintunadong boses ni Robert Aldus.

Hindi ako pwedeng magkamali. That was my Robert Aldus.

My? Talagang merong 'my', Ashley Grace?

Fuck shit!

Slipped of the tongue. Wala ng kami. Hindi ko na siya Robert Aldus.

Napatingin ako kay Miranda para magtanong. Pero bago pa magtama ang paningin namin ay mabilis na siyang nakasilip sa maliit na puwang sa bintana.

"Hala! They're here... They're all here!" excited niyang sabi.

Hindi pa tapos si Miranda na sabihin ang mga salitang iyon ay agad na akong nakasunod sa kanya sa pagsilip sa bintana.

And she was right.

They were all here.

Lucas, Stasha, Cobi, Tres, Jorj and even Andrew Rufino.

And Robert Aldus.

Nasa tapat sila ng balkonahe ng cottage. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat galit ako. Dapat masamang-masama ang loob ko. Dapat nagngingitngit ang kalooban ko.

Iyon dapat ang nararamdaman ko.

Pero bakit may hatid na kilig ang moment na ito?

Na para bang isa akong dalaga sa makalumang panahon na hinaharana ng isang lalaking manliligaw niya.

Uso pa ba ang harana?

Uso pa para kay Robert Aldus.

'Tang 'na!

Cobi was the one playing the guitar and Andrew was the one paying the violin. I did not know that Andrew can play the violin.

Hanggang saan, hanggang kailan Hanggang kailan magtatagal
Ang aking pagmamahal Hanggang may himig pa akong naririnig dito sa 'ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay, kita'y iniibig...

And Robert Aldus was singing. Right in front of the whole gang.

At iba pang naroroon sa beach resort na iyon. Mabuti na lang at konti pa lang ang tao.

He was still in his slacks. Pero naka-white v-neck shirt na siya at rubber flip flops.

Tulad ko ay hindi rin siya nakapagpalit ng damit.

Giliw 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo, kung ga'no kita kamahal...

He was singing in an off-key voice. Halos patula na nga at nanginginig ang boses niya.

Like he was close to tears.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon