Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards

24.6K 461 93
                                    

ASHLEY

PAREHO KAMING NAPATULALA ni Bobby nang makita namin ang isa't-isa. Ako, dahil ang guwapo-gwapo niya sa suot niyang three-piece suit with black bow tie at siya dahil sa suot kong black ankle-length, A-line maxi evening gown. My neckline was v-plunge. Nakalitaw ng konti ang labas ng magkabilang pisngi ng dibdib ko. Konti lang naman. Ayaw kasi ng konserbatibong si Miranda na ilitaw masyado ang pisngi ng boobs ko.

Samantalang sina Stasha at Jorj ay sang-ayon sa mas v-neck plunge style ng gown nang ipakita ko ang binili kong gown. Pero dahil hindi sang-ayon si Miranda ay pina-repair ko iyon para maitago ng konti pa ang pisngi ng boobs ko.

Which I liked. Sakto lang naman para sa okasyon.

My hair was tied in a messy pony tail na tinernuhan ko ng dangling chandelier earrings na puro brilyantitos. The pair of earrings was a gift from my dad last Christmas.

Si Tita Liezel at Stasha nagtulong na mag-make up sa akin. Narito rin kasi ang tatlo dahil hiningi ni Bobby ang tulong at suporta nila.

I will be attending my high school reunion from my all-girls high school.

Simula nang gr-um-aduate kami four years ago ay laging nagkakaroon ng reunion taun-taon ang batch namin dahil aktibo ang mga batchmates ko. Bumuo pa nga ng group page sa Facebook ang president ng batch namin para doon kami mag-communicate.

But I never communicated with them. Kasali ako sa group page pero hindi ako nakikipag-communicate sa kanila.

Aktibo rin kasi roon ang mga kaklase kong bullies. Mga kaklase kong b-um-ully sa akin.

Nakakatawang isipin na ako na isang bully ay na-bully rin. Pero ako iyong tipo ng b-in-ully na lumalaban din ng harapan.

Pero minsan, kapag wala kang kakampi, natatalo ka rin. Napapaiyak.

I was never active in our group page. Feeling ko kasi ay pinagtatawanan nila ako dahil sa nangyari sa akin noong graduation na walang pumunta para sa akin.

Wala akong kasama.

My mother was drunk that time. Hindi siya makatayo sa sobrang kalasingan, much more makapunta pa sa graduation ko. My dad was in an out-of-town trip na alam kong pakana ni Tita Maris para hindi ito makapunta sa graduation ko.

And Tita Liezel, the one person who promised me that she would be there at my graduation day did not make it and broke her promise. Paano ay kasama niya si Congressman kaya nakalimutan na ako.

I was all alone. Ang advisory teacher ko ang nagsabit ng medalya sa akin para sa aking third honorable mention award-habang poker-faced ako.

I did not cry. Hinding-hindi ko ipapakita sa iba na naiiyak ako at awang-awa ako sa sarili ko habang nasa stage ako.

I did not give those bully classmates of mine the satisfaction of seeing me cry because I was alone. Habang silang mga gaga at bruha sila at nagbubulungan at nagtatawanan habang sinasabitan ako ng medalya ni Mrs. Bonoan.

No, I did not cry in front of them.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay agad akong umalis-matapos kong maitapon ang medal ko sa basurahan.

And vowed and promised myself na hindi na ako aasa pa sa iba. Na kailangan kong magsanay na mag-isa dahil iyon ako.

Alone.

Until Bobby.

Nang makita ni Bobby sa Facbook account ko na meron kaming reunion ay tinanong niya ako kung bakit nag-decline ako.

I told him the truth. I always tell Bobby the truth. Hindi na ako nahihiyang sabihin ang mga bagay na sa tingin ko ay kakaawaan ako o kaya ay ikinapahiya ko. Wala na akong hindi sinasabi sa kanya. Natibag na niya ang pader na ginawa ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon