Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother

19K 360 89
                                    

BOBBY

"MRS. ANNA LINDA Gomes?" I asked in a nervous tone.

Pucha, Robert Aldus. 'Wag kang kakabahan.

Kumunot ang noo ng babae. "Sim? O que posso fazer para você?" Pagkatapos ay pinagmasdan ako nang mabuti at nang ma-realize na hindi ako local na Brazilian ay matipid na ngumiti. "Yes? What can I do for you?" magalang niyang tanong.

I swallowed hard. Parang may bumara sa lalamunan ko.

Kaya mo 'yan, Robert Aldus. You are doing this for your Gracie...

I sucked in a sharp breath and then forced myself to smile, a little formal ang stiff though. "Good afternoon, Ma'am... I am Robert Aldus Gallego-Ashley Grace's boyfriend..." lakas-loob kong sabi.

Natigilan ang babae. Ilang segundong hindi siya nakapagsalita. Basta nakatingin lang sa akin. Halatang nagulat siya at hindi inaasahan ang pagdating ko.

Nakita ko sa mga mata niya ang paghagod ng tingin sa akin, as if sizing me up. Tinitingnan kung totoong boyfriend nga ako ni Ashley o nagpapanggap lang.

When her gaze reached my eyes, I met her gaze head on-just to send a message that I was real. Pagkatapos ay matipid akong ngumiti.

Tumango siya at matipid ding ngumiti. Pagkatapos ay humitit sa sigarilyong hawak. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya while doing it.

"Come in," aniya at itinuro ang sofa. "Have a seat."

Isang kabadong ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Gracias, Ma'am... Thank you..." Hindi ko kasi alam ang 'thank you' sa lenggwahe ng Brazil. 'Gracias' kasi ang narinig kong sinabi ni Jacob habang nagpapasalamat kay Bruno sa salitang espanyol.

Ashley's mom smiled. "In Brazil, we speak Brazilian Portuguese," aniya sa tonong kaswal na nagi-inform, even if she looked and sounded giddy. Siguro ay para maalis ang awkwardness sa pagitan namin. I couldn't help but notice her shaking hands and her messy hair.

Malayung-malayo sa aking maarteng si Ashley Grace. Ang aking Ashley Grace na sa kabila ng mga kaartehan sa katawan ay minamahal ko ng todo at lubusan.

"So, we say, 'obrigado' for men and 'obrigada' for women when we say 'thank you." She smiled again. Halatang ninenerbyos ang ngiting ibinigay sa akin.

Lumapad ang ngiti ko. Maski paano ay nawala ang kaba ko sa dibdib. "Then obrigado, it is... Obrigado, Ma'am."

She laughed quietly and puffed her cigarette with her shaking hand. "Can I offer you anything? Whiskey? Wine? Coffee?" she asked after she let out the smoke from her mouth.

"Just water will do, Ma'am," magalang kong sagot.

Tumangu-tango siya. "Excuse me for a moment," paalam niya at tinungo ang kusina sa hindi kalayuan.

Pagkaalis niya ay saka ako naglabas ng isang nakapalalim na buntong-hininga. Napahilamos pa ako sa mukha.

Way to go, Robert Aldus... Way to go...

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng bahay. Pero nagtangis ang mga bagang ko nang maalala ko ang kwento ni Ashley na sa kuwarto sa itaas siya muntik na masalbahe ng ama-amahan niya. Nabuhay ang galit ko para kay Tiago Gomes.

Nang makita kong pabalik ang ina ni Ashley na dala ang isang baso ng tubig ay dali-dali akong dumiretso at umayos ng upo. I wanted to impress Ashley's mom. Baka sabihin niya ay lalamya-lamya ang boyfriend ng anak niya.

Inilapag niya ang baso ng tubig sa harap ko at siya naman ay pumunta sa isang maliit na bar sa hindi kalayuan. Kumuha siya ng isang wine glass at nagsalin doon mula sa bote ng isang mamahaling whiskey.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon