Special Chapter 40 : The Victory Party

13.2K 427 389
                                    

Hello, Friends! Sorry kung natagalan. Naging busy kasi ako sa aking work from home. Or siguro kasi may takot akong isulat ang chapter na ito, for some reasons. I was debating whether or not Ashley should do ‘yung pagpapahalik sa paa niya kay Patty. I even asked several of my family members for their opinions at iisa ang sagot nila : Yes, kung hindi hihingi ng tawad si Patty. And knowing Patty, hindi siya hihingi ng sorry. And knowing Ashley, gagawin niya ito because she felt Patty deserves it. No questions asked and none given. Thank you and I love you all! ❤ – Dyosa

Belated happy quarantined birthday  to @Gie-ehM17 (May 17) God bless you! 🎉🎈🎂💃🏻

*******************************
ASHLEY

WHAT DO YOU want?” walang ekspresyong tanong ni Patty, readying herself for the consequences of her stupid act.

Umupo ako sa isang conference chair paharap sa kanya. I slowly removed my right shoe.
Pagkatapos ay iniharap ko sa kanya ang paa. “Kiss my foot… Katulad ng gusto mong ipagawa sa akin n’on…”

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata niya. “Or mapagkumbaba kang humingi nang tawad sa amin--lalo na kay Dezi.”

Sumulyap ako kay Dezi at nakita kong nanlalaki ang mga mata niya habang sunud-sunod ang pag-iling. Halatang natatakot na baka siya ang pagbalingan ng galit ni Patty kapag natapos ang lahat ng ito.

Ibinalik ko ang tingin kay Patty. “Mamili ka…”

Her lips curved up in a sarcastic way. “Hindi ako hihingi ng paumanhin sa kahit na kanino sa inyo at lalong hindi ko hahalikan ang paa mo!” matapang niyang sabi.

There was no remorse from her eyes. Just pure anger and hatred.

“Ay, nakakagago talaga,” nanggigigil na sabi ni Jorj kay Stasha. Mahina lang iyon pero parang bombang sumabog sa utak ko.

Nakakagago na si Patty.

I inhaled a sharp breath ang summoned all my self-control. Ang sarap kasing dukutin ng mga mata niya sa galit ko sa kanya.

Only I could not do that. Sayang.

“Ano ang pinanggalingan ng away nating ‘to, Patty?” kalmado kong tanong, pero naghahamon ang tono ko. “Your attraction to my Robert Aldus, right? Okay lang sa akin ang atraksyong nararamdaman mo para kay Bobby, but yours went beyond limit. It’s dangerous… And almost fatal.” Ngumisi ako--iyong ngising pang bida-kontrabida ko.

Iyong nigising kinatatakutan sa akin sa HFU.

“Kasi parang sa tinging ibinibigay mo sa akin ay gusto mo na akong patayin," sarkastikong dugtong ko.

“Hindi ka bagay sa kanya…” she muttered under her breath.

“At sa tingin mo ikaw ang bagay sa kanya?” nakataas ang isang kilay na tanong ko.

“I come from a very decent family--“

“At ako, hindi,” I cut her off. “Syempre, iyon ang sasabihin mo. Iyon lang naman ang panlaban mo sa ‘kin, eh.”

I pouted lips exaggeratedly and looked at her with an obvious pity. “Pero hindi kasi ang reputasyon ko o ang pinanggalingan ko ang mahalaga rito, eh. Ang mahalaga rito, mahal ako ni Bobby ko kahit na anak lang ako sa labas at dating kabit ang nanay at tiyahin ko.”

Isang nang-aasar na ngiti ang pinakawalan ko. “Eh, ikaw? Galing ka nga sa disenteng pamilya, may boyfriend ka bang katulad ni Bobby ko? Kaya siguro pilit mo siyang inaagaw sa akin. And believe me, Patty, that if my Robert Aldus likes you, hahabulin ka niya katulad ng ginawa niya sa akin. But he didn’t, did he?” I rolled my eyes. “Therefore, I rest my case.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon