Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...

18.1K 368 228
                                    

Hello to Ash Arceo (nonsense_writings)! Thank you for supporting my stories.
Hi din daw pala sabi ni Andrew Rufino ❤ – Dyosa

Belated happiest birthday to Lindsey Gabinete (last January 24). Hope you had a blast! ❤– from Aldus, Gracie, Dyosa and your good friend MariaS-

**********************************
ASHLEY

NANLAKI ANG MGA mata ko sa nakita kong palabas ng elevator.

Nawala ang ngiti sa labi ko.

Because I came face-to-face with the last person I wanted to have encounter with.

Ang babaeng pangalan pa lang ay nasusuka na akong banggitin.

Ang bruhang si Kate Mercado.

Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang dugo ko sa ulo.

Ang dugo kong nasa boiling point na at naghuhuramentado na.

Patuloy na nag-iinit. Parang aktibong bulkan na nagbabantang sumabog.

Ang saya ko na, eh. Bakit may biglang umepal na bruha?

I felt Aldus tense. Ako rin naman ay natensyon.

Pero hindi sa takot dahil nakaharap ko ang bruhang ex ng boyfriend ko kundi dahil sa inis.

She made me and Aldus suffer by sending a stupid text message like the one she sent me

Para guluhin kami ni Robert Aldus ko.

Kung ayaw mambintang ni Bobby, ako ay hindi. Hindi ko siya pinagbibintangan.

Itinuturo ko talaga siya na siyang may sala. It was as clear as the skies in the summer heat.

Walang dudang siya ang nag-text niyon. Siya ang may motibong gawin iyon. Gusto niya kaming sirain ni Bobby.

At hindi ko siya mapapatawad doon.

I looked at her. May mga bakas pa siya ng mga pasa sa mukha at sa braso.

Napangisi ako. Buti nga sa kanya. Bagay sa kanya ang mga pasa niya.

Mukha siyang dalmatian.

Hindi na siya si Kate The Bruha.

Kate The Dalmatian na.

Hahaha! Parang naririnig kong malakas na halakhak ng sub-concious mind ko. I think it was agreeing with me.

Lumabas ang isang ngiti sa labi ko dahil sa naisip ko.

Kate deserved to be called Kate the Dalmatian. She fucking deserved it. Ang bawat pasang nakuha niya sa pambubugbog ni Zeke ay deserved na deserved niya.

I met Kate’s gaze. She was wearing a sleeveless printed dress and a doll shoes.

Nakita ko ang pagrehistro ng galit sa mga mata niya. Tumaas ang isang kilay niya.

Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. Nameywang pa ako.

Like a true blue mean girl.

Ako naman talaga iyon. At masusubukan niya ngayon ang pagiging mean girl ko to the highest level.

It was time to put out my best bitch-face again. Iyong ipinagsisigawan niyang kinatatakutan niya sa buong HFU kapag tinitingnan ko siya.

But this time ay hindi siya natakot. Parang palaban din. Sinalubong niya ang tingin ko nang may galit sa mga mata niya.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon