Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone

21.4K 379 71
                                    

ASHLEY

ALAS DOS NA nang madaling ay hindi pa rin ako makatulog. Pabiling-biling lang ako sa higaan ko.

Hindi kasi ako pinatulog ng isang text messsage.

A text message I received from my dad.

Kahit na anong pikit ko ay parang nakasulat sa utak ko ang laman ng text message niya.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at binasa ko ulit ang text message na na-receive ko mula sa daddy ko.

Hi, Ashley. Can we talk to you about an urgent matter? Just tell me when and where.

Ilang segundo akong nakatingin lang sa screen ng cellphone ko. Ang liwanag na dulot niyon ay nakasambulat sa mukha ko.

Katulad na lang ng pagsambulat ng biglaan at walang pasabing text message na galing sa tatay ko.

And fuck, he didn't even ask me how I was. Nakaka-hurt pa rin ng slight maski na sanay na ako roon.

My father, Percival Lim, was a fifty year old chinoy businessman who was into motorcycle trading.

Kasabay nang paglipana ng mga motorcycle sa bansa ay ang pag-boom naman ng motorcycle trading business ng daddy ko. Sinamantala niya iyon at nag-venture na rin siya sa motorycle shop business.

Panganay siya sa tatlong magkakapatid at siya ang namamahala ng business na itinayo ng angkong ko o paternal lolo ko.

Nang mag-retire na si angkong ay ipinaubaya na nito ang pamamahala ng business sa mga anak nito. Katulong ng daddy ko ang dalawa niyang kapatid na babae sa pamamahala ng business.

Pero dahil mayroon na ring sariling mga pamilya ang dalawang aunties ko, hindi na rin gaanong maasahan ang mga ito sa business.

Ang naging katu-katulong ni daddy sa pagpapatakbo ng business ay si Auntie Maris na.

It had been months since I last saw my father. Kailan ko ba siya huling nakita?

Tatlong buwan? Apat na buwan. I was not sure.

Basta ang natatandaan ko, mula sa Brazil ay sa kanila ako tumuloy. Wala naman akong alam na ibang pupuntahan. Siya ang daddy ko. Kaya natural lang na sa kanya ako tumira.

Napilitan lang akong umalis ako sa bahay nila dahil lagi silang nag-aaway ni Auntie Maris dahil sa akin.

Konting kibot na gawin ko ay palalakihin ni Auntie Maris at isusumbong sa kanya.

Hindi naman niya ako pinagagalitan. Pinagsasabihan lang niya ako nang malumanay.

Bihirang magalit ang daddy ko. Siya ang tipo ng taong magpapaubaya na lang para walang gulo. Magsasakripisyo para walang away.

Kaya nga siguro niya nagawang isakripisyo kami ng mommy ko para hindi siya magkaroon ng away kina ama at angkong o sa aking mga paternal grandparents.

Kasi siguro alam ni daddy na mas walang away kung kami ni mommy ang ilalaglag niya at gagawin niyang weakest link.sa buhay niya.

Kaya tuloy kami ni mommy ang binitiwan niya.

Pagkatapos kong umalis sa bahay nina Daddy ay nakiusap ako kay Tita Liezel na sa kanya na muna ako tutuloy.

Isang linggo matapos akong makiusap kay Auntie Liezel na sa kanya na muna ako titira ay nakipagkita si Daddy sa akin.

Sinabi niyang ibibili na lang niya ako ng isang condominium unit sa Makati para roon tumira at nang hindi na ako makaistorbo pa kina Tita Liezel.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon