Special Chapter 45: Pamamanhikan

6.6K 267 162
                                    

ASHLEY

"O, DAHAN-DAHAN AT baka madapa ka..." nakangiting paalala ni Miranda sa akin habang dala-dala niya ang isang malaking plato ng pagkaing ihahain sa mesa. Nakasunod sa kanya ang dalawa kong siobe na sina Princess at Pauline na may dala ring mga pagkain.

"Andyan na raw sila sa gate," excited kong anunsiyo. Napahawak ako sa tiyan ko. A smile escaped from my lips.

My Bobby's family insisted on having this pamanhikan ilang araw matapos naming ianunsiyo sa mga pamilya namin na buntis ako. Para raw pormal na mahingi ang kamay ko mula sa mga magulang ko at mapag-usapan ang lahat lalo na ang tungkol sa kasal.

And I felt so accepted and important. And so loved.

"Do I look okay?" puno ng insecurities na tanong ko kay Miranda.

My baby bump was not visible yet at seven weeks. But I already gained a little weight dahil malakas akong kumain nowadays lalo pa at ini-spoil ako masyado hindi lang ni Robert Aldus ko kundi pati na rin ng buong pamilya niya, pamilya ko at ang buong gang.

Kahit na nasa duty o nag-aaral si Robert Aldus, lagi siyang tumatawag para makausap kaming mag-ina. Laging nagpapaalala na huwag kong kalimutan ang pag-inom ng vitamins.

At may isang beses na pauwi na siya galing sa duty nang mag-crave ako sa balot na minsang kinain namin na tinda ng suki namin sa tapat ng convenience store. Ang sabi ko ay gusto ko ng balot mismo ng tinda ni manong at hindi iyong balot lang sa kung saan.

And to prove na kay manong niya binili ang balot, nagpa-picture siya kasama ito at pag-uwi ay bitbit na ang basket ng balot ni manong.

Tawa ako nang tawa sa ginawa niya. Pero nang makita ko ang sangkatutak na balot na binili ay nawalan naman ako ng ganang kainin iyon. Siya na lang ang pinakain ko ng balot. He ate one just to please me.

Pinakatitigan ko lang si Aldus ko habang kumakain ng balot at pinaghahalikan ko ang mga mata niya na nadadalas kong gawin sa tuwing nakikita ko siya.

What I did not like was the smell of his favorite brand of cologne. Lagi akong nasusuka kapag naaamoy ko ito. Kaya naman, agad ay nagpalit siya ng brand ng cologne kahit na alam kong paborito niya iyon noon pa man.

It was just weird. Iyong mga nararamdaman kong ganito. Hindi ko alam kung parte ito ng hormones ng isang buntis o dahil lang nag-iinarte ako. Wala talaga akong ideya kung bakit. Ganoon daw talaga sabi ni Annie dahil naranasan din niya iyon. Siya kasi ang lagi kong takbuhan para sa mga tanong at agam-agam ko tungkol sa aking pagbubuntis.

But whatever, I loved the attention.

Sa group chat namin, kapag nagsabi lang ako na may kini-crave akong pagkain ay agad na magpapadala ang mga ito ng mga gusto kong kainin.

There was this time that I wanted to eat the cake from my favorite pastry shop in Tagaytay. It was Andrew who bought that for me at inihatid sa bahay.

Oh, well. Hindi lang naman si Andrew. Silang lahat, actually. Jorj would always sing for the baby. Miranda would always kiss my tummy. Si Preia ay kung anu-ano ang pinapabili kay Nanay Christina na mga pagkain sa Cebu para ibigay sa akin.

And every time nasa mall ang kahit na sino sa mga gang, lalo na sina Lucas at Stasha, palaging may uwing biniling baby clothes at maternity dresses for me samantalang seven weeks pa lang ang tiyan ko.

I felt so loved.

We are so loved, my baby, sabi ko sa isip habang hinihimas ang tiyan ko.

"Gandara ka... Mana ka sa akin, eh," singit ni Tita Liezel na may dala ring pagkaing ihahain sa mesa. "'Di ba? Mas maganda kasi ako sa Mommy mo," papilyang dagdag pa niya at pagkatapos ay humagikgik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon