Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera

8.2K 270 169
                                    

Na-miss ko ang Team AshBy... Na-miss ko kayo... ❤ - Dyosa

*******************************

WE HAVE A gig tomorrow night. Will you come and watch me? Please? Please? Please?

It was a text message from Rome del Mundo.

Kumunot ang noo ko. Ilang imbitasyon na ba ang ipinarating ni Rome sa akin? Madalas ay imbitasyong manood ng gig nila o minsan naman ay imbistayong kumain sa labas.

Ano ba ang gustong palabasin ni Rome? Na sasama ako sa kanya?
Fucking no way!

Hindi porque naging mabait siya sa akin seven years ago ay magiging daan na ito para um-oo sa imbistasyon niya sa akin—no matter how friendly and harmless it would be.

NO

Ito ang naging reply ko.

Ito naman ang lagi kong reply sa kanya. Minsan kapag naiirita na ako ay tahasan kong sinasabing wala akong oras para sa kanya.
But this time, just a simple ‘no’. Walang eksplanasyon o pagdadahilan dahil hindi ko kailangang mag-explain sa kanya. At isa pa. alam naman na niya siguro ang dahilan. Masyado lang siyang makulit.

“Sino ang nag-text?”

I glanced at Aldus who was in the driver’s seat. Papunta kami sa birthday party ng kaklase niyang si Wesley. He sneaked a glance at my cellphone. His eyebrows were furrowed.

Hindi ko alam kung nakita niya ang pangalan ni Rome sa cellphone ko. Agad kong itinalikod ang cellphone ko.
Hindi na niya dapat malaman pa.

I shrugged my shoulders. “Another irritating random texter offering me a cash loan.”

He raised an eyebrow. “At this hour? Nadadalas naman yata ang pag-ti-text sa ‘yo ng nag-o-offer ng cash loan.”

Hindi ako kumibo. May laman ang sinabi ni Aldus.

“Ganu’n sila ka-persistent?” he asked again, cocking an eyebrow. Then he looked at my cellphone.

There was something in his voice. Pakiramdam ko tuloy ay hindi siya naniniwala sa alibi ko.

I made face. “That persistent. So annoying.”

Ilang segundong tiningnan ako ni Bobby. Parang may hinihintay pa na sabihin ko. His dreamy eyes were serious. And when I did not say any word, he sighed and started the engine. “Let’s go.”

BOBBY!” NATUTUWANG SABI ng kaklase ni Bobby na si Wesley nang makita kami na papasok sa maluwang nilang living room.

Magkahawak-kamay kami ni Bobby na lumapit kay Wesley.
Kapag ganitong isinasama ako ni Bobby sa isang okasyon na wala akong gaanong kakilala, hindi niya binibitiwan ang kamay ko.

His way of assuring me that I would not be out of place.

“Happy birthday, Wes,” bati ni Bobby at nakipag-fist bump kay Wesley.

“Thanks, pare. Akala ko hindi ka na darating,” nakangiting sabi ni Wesley.

Bobby smiled. “Pwede ba ‘yun? Nangako ako, ‘di ba? At saka dinala ko na siya rito para makilala mo.” Inakbayan ako ni Bobby at hinapit palapit sa kanya. “Wes, meet Ashley, my girlfriend,” proud niyang pakilala sa akin.

Wesley directed his eyes on me. “The love of your life.” He smiled and extended his hand to me. “Hi, Ashley. I’m Wesley, Bobby’s friend in med school. Madalas kang mabanggit ni Bobby sa amin kapag nagkukuwentuhan kami. Kaya curious na akong makilala ka sa personal. At hindi nakakapagtakang ma-in love sa ‘yo nang husto si Bobby. Why, you’re so pretty…” He sounded sincere while appraising me with admiration in his eyes.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon