Chapter 9 : The Movie Date

35.4K 735 104
                                    

ASHLEY

"AND'YAN NA ANG date mo sa ibaba," anunsiyo ni Tita Liezel nang makapasok siya sa kuwarto ko. Umupo pa siya sa gilid ng kama ko.

Bahagyang kumislot ang puso ko nang marinig kong nariyan na si Bobby. Kanina pa ako excited at nadagdagan pang lalo ngayong alam kong nasa ibaba na siya.

Pero hindi ko ipinahalata iyon kay Tita Liezel. Ayokong ipakita sa iba na may epekto sa akin si Bobby Gallego. Wala siyang epekto sa akin dahil si Jacob Maravilla lang ang may epekto sa akin.

That's BS, Ashley. You're a lying bitch, singit ng isang parte ng utak ko.

"Nanliligaw ba sa 'yo si Bobby?" tanong ni Tita Liezel habang matamang nakatingin sa paglalagay ko ng lipstick sa labi ko.

Sa reflection niya sa salamin ng maliit na dresser ako tumingin. "Hindi, ah," mabilis kong sagot.

"Ah, hindi. Kasi boyfriend mo na?"

"Lalong hindi," mabilis ko ulit na sagot. "Magkaibigan lang kami."

Umikot ang mga ni Tita Liezel. "'Magkaibigan," ulit ni Tita Liezel. Her lips were even pouting. "'Oy, Ash, kung magkaibigan lang kayo, hindi ka mage-effort na mag-ayos ng husto, 'no," pang-aasar niya. Itinuro niya ang kumpol ng mga nakakalat kong damit sa kama. "Ayan nga at daig mo pa ang artistang nag-photoshoot sa dami ng damit na isinukat mo."

I knew I blushed. Nahuli ako ni Tita Liezel doon. Totoo naman ang sinabi niya. At ebidensiya ang mga damit na pinagpilian ko bago ako nagpasya sa aqua green off-the-shoulder, three inches above the knee casual dress. Teternuhan ko iyon ng white sneakers at Prada chain-strap crossbody bag mamaya.

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko masabi kay Tita Liezel ang set-up namin ni Bobby. Katakut-takot na pang-aasar ang gagawin niya sa akin.

Dahil alam niyang hindi ako ang tipo ng babaeng pumapayag sa kunwariang relasyon. It was not my thing. Dahil kahit ganito ako, somehow ay umaasa pa rin ako sa isang forever. Sad nga lang na walang may gustong makipag-forever sa akin. That fucking word seemed so vague and far from the truth to someone like me.

Bitter much, Ashley?

Saka ko na lang siguro sasabihin kay Tita Liezel. Anyway, kagabi lang naman naging "kami" ni Bobby. Who knows baka sa isang araw o sa isang linggo ay magbalik na si Kate sa kanya. Good for him. And bad for me. Kasi that would mean na hindi ko na makakasama ang isang interesting at fun to be with na tulad ni Bobby.

I sighed. "Magkaibigan lang kami, 'Ta," I reiterated. "Siguro nae-excite lang ako sa friendly movie date namin dahil ilang buwan din akong hindi nakipag-date simula nang bumalik ako rito, friendly or romantic man," esplika ko pa. It was the truth.

Tita Liezel shrugged her shoulders. "Sabagay." Tumingin siya sa akin sa reflection ko sa salamin. "Tama na 'yan. Maganda ka na. Mana ka sa akin."

"Hindi ba kay mommy ako nagmana?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Sa akin," pilit niya. "Mas maganda ako sa mommy mo, 'no."

Natawa ako at pagkatapos ay tumayo na at kinuha ang aking Prada bag.

Umangkla siya sa braso ko. "Alam mo gusto ko si Bobby," aniya.

"Duh. Sabi ko na ikaw ang may hidden desire sa kanya, eh," I joked.

"Gaga," natatawa niyang sabi. "Hindi ako cougar, 'no. Ang ibig kong sabihin, gusto ko siya para sa 'yo. Mabait at halatang edukado sa kilos pa lang. Bukod pa sa mayaman at gwapo at galing sa kilalang pamilya. Nangingintab pa sa bago ang dalang kotse."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon