Entry#50: The Princess Diary~

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla na lang humangin ng malakas. Napayakap ako sa sarili ko at ninamnam ko ang presensya nya. Alam ko sya yun, alam ko nasa tabi ko lang sya. ''Buko, niyayakap mo ba ako ngayon? Siguro miss na miss mo na rin ako 'no? Lalo na yung mga banat ko sayo. Ako rin naman miss na miss na miss na rin kita, miss na miss ka na din ng barkada.'' sino ba naman ang hindi makaka'miss sa bunso ng barkada? Sino ba naman ang hindi makaka'miss sa taong mahal ko?

''Buko, alam mo ba na ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Ang dami ko pa gustong sabihin sayo pero hindi ko lahat na sabi. Pero atleast pinaramdam at sinabi ko sayo na kung gaano kita kamahal. Na lahat gagawin ko para sayo... Pero buko sorry uh? Kasi hi--ndi ko na gawa na bu--hayin ka'' lalo lumakas ang pag iyak ko. Wala naman mashado'ng tao dito sa sementeryo. Kaya okay lang kahit sobra-sobra ang pag iyak ko.

'' Buko, for 3 months hindi ako na papagod na umiyak, hindi ako na papagod na masaktan. Hindi ko nga alam kung paano ko na kaya na mabuhay ng wala ka. Oo buko buhay na buhay ako pero ang puso't kaluluwa ko. Sumama na sayo buko, sobrang sakit kasi wala ---ka na.''

Bigla ko naalala lahat-lahat ng mga memories namin. Yung dati na hindi kami mag kakilala, yung dati na hindi kami nag papansinan, yung dati na tinitignan ko lang sya sa malayo, yung dati na hinahangaan ko lang sya, yung dati na una ko naramdaman na mahal ko na pala sya, yung dati na una ko sya napangiti, yung dati na una ko sya napakilig, yung dati na una ko sya napa'blush, yung dati na una ko sya napaiyak, yung dati na una ko sya hinalikan, yung dati na una ko sya nayakap.

Lahat-lahat ng iyon naalala ko. Masaya at masakit alalahanin pero dapat tanggapin ko na..

Pero sa totoo lang hindi ko matanggap na wala na ang taong mahal ko, wala na ang taong nag bibigay ngiti sa akin, wala na ang taong nag bibigay sigla sa bawat araw ko, wala na ang taong nag bibigay dahilan kung bakit ako nagigising, wala na ang taong nag papatibok ng puso ko, wala na ang taong nagiging dahilan kung bakit pa ako nandito sa mundo.

Ang lakas ng hangin dito sa pwesto ko kasama ko Sya nararamdaman ko. Iyak lang ako ng iyak for 3 months ngayon lang ako ulit umiyak ng ganito. Oo umiiyak ako pero yung tahimik lang yung tumutulo lang ang luha ko. Pero ngayon umiiyak ako ng sa gusto ko.

Nag tagal din ako mahigit isang oras. Alam ko sobrang maga na ang mga mata ko pero wala ako pakielam. Wala na akong pakielam sa mundo simula nung nawala si Princess.

Simula nung nawala ang taong nag bibigay kulay at sigla sa mundo ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon