Entry #31

1.9K 28 1

NOTE: Guys, kung gusto niyo sali kayo sa group ito ang link http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie Salamat! :) Kopyahin niyo na lang, hihihi. <3

*

Entry #31

*Prince Dansom's POV*

"Pinsan! Bilisan mo naman!"

"Oo! Mag hintay kang tukmol ka!" ang sarap upakan nitong si Khalil.

Natapos na akong kumain at inayos na ang gamit ko. Unang klase ngayong 2013, natapos na ang New Year at Christmas ng hindi ko 'man lang nakaka-usap si Princess. Miss na miss ko na siya! Hindi ko naman siyang pwedeng itext dahil wala siyang cellphone, hindi ko siya pwedeng puntahan dahil sa Subic kami nag bakasyon, gusto raw bumawi nila Mommy sa akin. Pero hindi na kailangan, hindi na nila mababawi 'yung mga pag kukulang nila. Drama.

"Pinsan, mas lalo ba akong naging gwapo dahil tingin sila ng tingin sa akin?"

Habang nag-lalakad kami dito sa school tingin ng tingin ang mga estudyante sa akin. Masyadong assuming lang itong hayop na 'to kaya akala niya sa kanya naka-tingin.

"Sa garden tayo insan, maaga pa naman nandoon sila." sambit niya habang hawak-hawak ang cellphone niya.

Hindi na lang ako nag salita at dumiretso na lang kami sa MG, miss na miss ko na talaga si Princess, sana bumalik na siya sa dati.. Sana hindi na siya laging tahimik.

"Naks naman! Nerdy boy!" natatawang bungad sa akin ni Neil nang makarating na kami sa garden.

Nag pasalamin kasi ako dahil medyo nanlalabo na ang mga mata ko. Nginitian ko na lang siya at agad na hinagip ng mata ko si Princess. Patago akong napangiti at tumabi sa kanya. Naka-upo kami ngayon dito sa may maliit na gazebo.

"Kamusta?" ngiting bati ko.

Niyakap niya ang bag pack niyang naka-lapag sa hita niya. Sinulyapan niya ako at ngumiti. I missed her smile. "Okay lang naman ako. Ikaw?"

"Okay na rin. Nakita kasi kita." usal ko kinindatan siya.

Napansin kong namula ang mukha niya at nag iwas ng tingin ito sa akin. "Sus." pilit kong tinitignan ang reaksyon ng mukha niya at napansin kong pilit siyang nag pipigil ng pag ngiti.

"Totoo kaya. Ang boring kapag di kita kasama."

"Boring naman ako e."

"Hindi 'no. Masaya ako kapag kasama kita, hindi boring ang buhay ko simula noong nakilala kita."

"GAGO! ANG CHEESY MO!"

Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pag bato sa akin ng mga sitsirya. Kapag kasama ko talaga si Princess, nalilimutan kong may iba pa kaming kasama.

"Baliw!" sigaw ko sa kanila nang natatawa.

"Teka guys. JS Prom na sa February 14, sinong date niyo?" biglang sabat ni Kiray habang yakap-yakap ang braso ni Ej, ang clingy talaga nito.

"Lahat naman tayo may sure na date! Itong dalawa lang ang wala." usal ni Neil sabay nguso sa aming dalawa ni Princess.

Napailing na lang ako at nginisian sila.

"Anong wala? Si Princess ang kadate ko. Buko ko 'to e." ngising usal ko sabay sulyap kay Princess.

"Edi buko mo na!" natatawang singhal ni Diego.

"Ikaw Albie?" baling ni Julia kay Albie. Pinagpatuloy ni Albie ang pag pasok dito sa school ngayong taon at tinanggap naman siya.

"Hindi ako sasama. Kailangan ko kasi tumulong kay tito para sa ginagawang gamot niya." lahat naman kami na curious sa sinabi niya.

"Para saang gamot?" tanong ni Yen.

"Para sa may mga sakit na HCM."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon