Entry #33

1.9K 31 5

Entry #33

*3rd Person's POV*

"Grabe twin! Ang ganda-ganda mo ngayon!" puna ni Julia habang pinagmamasdan ang hubog at itsura ng kanyang kaibigan na si Kath.

"Ano ka ba twin! Lahat tayo magaganda!" natatawang singhal ni Yen at nakipag-apiran pa ito kay Kiray.

"Oo nga! At dahil diyan tara na! Gorabels na!" natawa na lang sila sa inasal ni Kiray.

Nag paalam na sila sa mommy ni Julia na isa sa mga nag ayos sa kanila. Napagdesisyonan nilang sabay-sabay pumunta sa venue ng Prom nila. Isa-isa silang maingat pumasok sa Van nila Yen na kanina pa nag hihintay sa kanila. Lahat sila kinakabahan pero namumutawi pa rin ang excitement sa nararamdaman nila... Maliban kay Kath.

"Hala twin!! Malapit na tayo!" sigaw ni Kiray habang natatanaw na niya sa binta ng sasakyan ang hotel na venue ng Prom nila.

"Nakaka-excite!" tiling usal ni Yen.

"Nasa loob na raw sila." singhal ni Julia na panay text kay Diego.

Tahimik lamang si Kath na pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan na sobrang saya. Hindi niya kayang maki-agos sa nararamdaman ng kanyang mga kaibigan. Ayaw na niyang lokohin ang kanyang sarili...

"Tara na!" nang maka-park na ang sasakyan. Dali-dali silang bumaba, bumungad sa kanila ang malaking hotel na punong-puno ng ilaw at dekorasyon sa harap.

"Hinay-hinay lang mga te! 'Yung gown ko!" natatawang sambit ni Yen habang kinakaladkad siya nila Julia at Kiray. Sumusunod na lamang sa kanila si Kath na tahimik lang.

Nang maka-pasok na sila sa loob, halos ng mata ay naka-tingin sa kanila para bang sila ang pinaka-climax ng gabing 'yon. Manghang-mangha ang mga estudyante sa kanilang suot at itsura.

"Baby!" di kalayuan sa kinatatayuan nilang apat. Tanaw na tanaw ng mga kaibigan nilang lalaki sila Kath, Yen , Julia at Kiray.

Dali-dali nila itong pinuntahan at inescortan papunta sa table nila.

Pilit hinahanap ni Kath kung nandoon si Dansom ngunit kahit anino nito'y hindi niya maaninag. "Baka mamaya pa 'yon." usal ni Khalil sa kanya. Isinukbit ni Kath ang braso niya kay Khalil at ngumiti na lamang ito.

Punong-puno ng kaba at takot ang nararamdaman ni Kath, hindi niya alam kung tama ba ang kanyang gagawin... Hindi niya alam kung tama ba na ngayon ang dapat sabihin. Ilang oras ng lumipas, lahat nag sasayaw na sa gitna pero siya hindi niya tinatanggap ang mga lalaking umaalok sa kanya. Pilit pa rin niyang hinihintay si Dansom... Umaasa pa rin itong dumating siya.

"Kit-Kath, okay ka lang ba diyan?" nag-aalalang tanong ni Khalil nang matapos niyang isayaw ang isa nilang schoolmate.

Sinulyapan ni Kath si Khalil na naka-tayo sa kanyang harapan. "Oo okay lang ako." ngiting usal niya.

"Sige. Diyan ka muna ah? May isasayaw lang akong chix!" tumango na lamang si Kath ngunit bakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang mukha.

Pinagmamasdan lang niya ang kanyang mga kaibigan na hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Doon na lamang niya napagtanto kung gaano siya kaswerte na mayroon siyang mga kaibigan na ganito.. Kung gaano kaswerte ang isang Princess Kath Bernardo.

"Am I too much late for this night?" halos kumalabog ang kanyang puso nang marinig niya ang malamig na tinig sa kanyang likod.

Lalong nag alab ang kaba ng kanyang nararamdaman.. Dahan-dahan siyang lumingon mula sa kanyang likod at bumungad sa kanyang ang naka-ngising Prince Dansom.

"Pasensya na kung ngayon lang ako." untag ni Dansom habang bahagya itong lumapit kay Kath.

Inilahad nito ang kanyang kamay sa dalaga. Napatingin doon si Kath sa kamay na nasa kanyang harapan at bumaling muli sa mukha ni Dansom. "When everyday I saw you, you're so beautiful. But to night, beautiful isn't enough to describe you." lalong lumawak ang pag ngisi niya. "To the most beautiful girl in my eyes.. May I have this dance?"

Gustong maiyak ni Kath sa harap ni Dansom, unti-unting nadudurog ang puso niya.. Unti-unti itong binibiyak sa bawat pag ngiti ni Dansom lalong-lalo na sa mga mata nitong punong-puno ng pag-mamahal.

Walang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig. Dahan-dahan na lamang itong tumango at inilahad ang kanyang kamay sa kamay ni Dansom.

Muli niyang nasilayan ang pag ngiti ni Dansom. Tumayo siya sa kanyang pagkaka-upo at marahan silang nag lakad papunta sa dance floor.

Perfect song.

Perfect moment.

Wala na siyang magagawa ito na ang kanyang tadhana.

"Simula noong 1st year tayo, nakuha mo na agad ang mga tingin ko." inilagay ni Dansom ang kanyang kanan at kaliwang kamay sa bewang ni Kath. Inilagay ni Kath ang kanyang kamay sa balikat ni Dansom.

Naka-titig lang ang mga mata ni Dansom sa mga mata ni Kath habang naka-ngiti ito. "Kakaiba ka sa lahat. Simple ka lang at walang kaartehan sa katawan." pag papatuloy ni Dansom habang sumasabay sila sa malumanay na ritmo ng kanta. "Una pa lang talaga, hindi ko pa nalalaman ang pangalan mo... Hindi lang pala ang pag tingin ko ang nakuha mo kundi ang puso ko lalo na ng buo kong pag katao."

Sa bawat naririnig niya unti-unting nang hihina ang mga tuhod niya. Pakiwari ni Kath silang dalawa lang ang nandoon.. Pakiwari niya may sarili silang mundo.

"And that day I saw you.. The day I love you."

Hindi makuha mag salita ni Kath.. Dahil hindi niya alam ang dapat niyang sabihin.. Ang dapat niyang unahin.

"I love you Princess. Since 1st year until now lagi pa rin akong na la-love at first sight sayo.. Hindi lang first, kundi second, third, fourth, fifth.. Hanggang sa walang hanggan. Hangga't nabubuhay ako.. Lagi akong love at first sight sayo. I love you. You're my life, my everything, my soul.. Kinuha mo ang puso ko isinama mo pa ang buo kong pagkatao." halos naluluha na si Dansom sa kanyang mga binibigkas. Lalo niyang inilapit ang kanyang sarili kay Kath at unti-unti niya itong niyakap.

"I love you Princess. Please, Can I be your Prince?" bulong ni Dansom sa kaliwang tainga ni Kath habang naka-yakap pa rin ito.

Hindi malaman ni Kath ang kanyang sasabihin, dahan-dahan niyang inilalayo ang katawan ni Dansom habang unti-unting tumutulo ang mga luhang hindi niya magawang pigilan.

"Dansom, sorry...

Hindi ako si Kath."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon