Entry #13

2.4K 37 3

Entry #13



*Princess Kath's POV*



Dear Riri,

                Hello Riri! Pakiramdam ko lalo akong humihina. Pero hindi ko sinasabi kay Mama at Papa, alam mo naman 'yung mga 'yon, ayoko ng bigyan pa sila ng sakit sa ulo. Pero Riri, hindi ko maimagine na balang araw, o di kaya baka mamaya o bukas hindi na ako makapag sulat sayo. Nakaka-lungkot lang Riri kasi hindi na kita masusulatan..

 

"Anak! Bumaba ka na diyan! Baka malate ka!" napahinto ako sa pag susulat nang sumigaw si Mama mula sa hagdan.

"Sandali na lang po!!" sigaw ko rin pabalik.

Oh paano ba 'yan Riri. Papasok na ako. Bye!

PS: Friday ngayon kaya civillian day! Naka-batman shirt ako.

Pagka-tapos ko mag sulat ibinalik ko na 'yung diary ko sa bag ko at tumayo sa kama ko. Kanina pa ako naka-gayak at nag hihintay na lang ng oras para pumasok ako. Nang makababa na ako, bumungad sa'kin sila Mama at Papa na nag kakape sa mesa at kumakain ng pandesal.



"Good morning!" masayang bati ko sa kanila at hinalikan ko silang dalawa sa pisngi.

"Kain ka na anak." yaya sa akin ni Mama.

Umiling ako. "Wala po akong gana baka sa school na lang po ako kakain." naka-ngiting usal ko sa kanila.

Naramdaman ko hinawakan ni Papa ang braso ko. "Sige na anak, kumain ka na." nginitian ko na lang sila at wala na akong nagawa kundi ang sumabay kumain kasama sila.

 

Nang naka-ubos ako ng halos tatlong pandesal nag paalam na ako 'kila Mama at Papa.



***

"Kambal!" tawag sa amin ni Kiray

 

Nasa room na kami ngayon, naka-pabilog ang pwesto ng upuan naming tatlo. Tinanguan ko si Kiray at si Julia nama'y kanina pa busy sa kakatext.

"Maloloka na ako kay Ej!" singhal niya sabay sabunot sa buhok niyan Natawa naman ako sa inasal niya, kahit kailan talaga itong si Kiray loka-loka!

"Bakit naman?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Ayaw pa niyang aminin na mahal niya ako!!" hysterical ni Kiray.

"Matuto ka kasing mag hintay." biglang napatahimik si Kiray sabay sulyap sa akin. Nag kibit-balikat ako at tumingin kay Julia na naka-ngisi habang nag tetext pa rin.

Humahalpak naman sa tawa si Kiray. Buti na lang at wala pang teacher kundi pinagalitan na ang baliw na 'to! "Wow! Halatang inlove!" pang-aasar ni Kiray kay Julia at sinundan naman niya ulit ito ng pag tawa.

Ngumisi na lang si Julia sabay lagay ng cellphone niya sa bulsa. "Kailangan kasi ng time ang bawat tao. Kailangan ng oras para mag-isip, hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay kung worth-it naman ang pag-hihintay." ngiting-ngiti na usal nito sa amin.

"Wow! Hugot!" sabay naming sigaw ni Kiray at nag apiran pa kami.

"Umayos na nga lang kayo ng upo!" natatawang singhal sa amin ni Julia.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon