Entry #29

1.9K 36 5

Entry #29



*Prince Dansom's POV*



"Hoy dude! Happy birthday!"



Sunod-sunod na binati namin si Albie, inimbitahan niya kami ngayong buong basketball team sa bahay niya. Hindi ko naalalang birthday niya pala ngayon, dalawang linggo na rin ang nakaka-lipas simula noong dumating siya.rito sa Pilipinas. Kumpleto kami ngayon ditong kumakain, pati sila Princess kasama rin namin. Parang ang weird ng mga ikinikilos niya lalo na't nandito ngayon si Albie. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganito o baka naman na papraning lang ako?



"Laro tayo guys!"



Mag gagabi na ng kami-kami na lang ang natira dito ngayon, umalis na ang mga kateam namin sa basketball. "Ano guys? Spin the bottle tayo!" muling sigaw ni Neil habang hawak-hawak ang isang bote.



Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa gagong 'to, umupo kami sa sahig ng sala nila Albie ng pabilog. "Ako na ang mag iikot!" singhal ni Albie na katabi ko lang.



Nasa harap ko si Princess na kanina pa tahimik, kahit kinakausap ko tango lang ang isinasagot niya.



Pinaikot na ni Albie ang bote at dahan-dahan itong tumapat kay Neil. "Bakit sa akin agad!?" singhal nito at nag tawanan kami.

"Lahat dare!" sabat ni Julia.

"Sige. Hmm.." biglang nag isip si Albie kung ano ang iuutos niya at dahan-dahan itong ngumisi. "Tutal college na kayo ni Yen, french kiss for just 10 seconds!" nag hiyawan sila dito lalo na si Khalil binato pa ng sitsirya si Neil.

"French kiss na 'yan!" kantyaw ko sa kanila.



Katabi lang ni Neil si Yen, umiling si Neil habang naka-ngisi at dahan-dahan itong humarap kay Yen. Pigil na pigil naman sa pag tawa si Yen habang papalapit nang papalapit ang mukha ni Neil sa mukha niya. Dahan-dahang nag lapat ang mga labi nila at unti-unting nag sasayawan ang mga labi nila.



Hiyawan at kantyawan naman ang mga isinisigaw namin dito hanggang sa ayaw nilang tigilan ang pag hahalikan nila kami na ang umawat sa kanilang dalawa. Si Neil na ang nag paikot ng bote at dahan-dahan itong huminto sa kay Albie.


"Birthday boy! Kiss mo sa cheeks 'yung crush mo dito ngayon." utos ni Neil.


Ngumisi si Albie na ikinainit na dugo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang iba yata ang kutob ko..


Tumayo ito mula sa pag kaka-upo at dahan-dahang lumapit sa pwesto nila Kiray. Tahimik lang kami ditong pinanonood siya kung sino ang hahalikan niya sa pisngi.


Hanggang sa mabilis niyang pinaglapat ang labi niya sa pisngi ni Princess. Naramdaman kong bumilis ang pag tibok ng puso sa sobrang galit na naramdaman ko. Bullshit!


"May crush ka pala kay Kath!" pang-aasar ni Julia kay Albie na ngising-ngisi habang naka-upo na sa pwesto niya.


Nakatitig lang ako kay Princess na todo iwas sa pag tingin sa akin. Alam kong wala akong karapatan para sa kanya pero mahal ko siya! Tangina!


"Hoy Dansom! Ikaw na!" hindi ko napansin na naka-tapat na pala sa akin ang bote.

"Halikan mo 'yung taong mahal mo dito ngayon o kahit crush lang. In a sweetest way kiss." utos sa akin ni Julia at kinindatan pa ako nito.


Tumayo ako sa pag-kakaupo at pinuntahan ang gawi nila Princess, nang nasa tapat na niya ako bahagya ko siyang tinignan. Lumuhod ako sa harap niya at sandaling tinitigan ang mga mata niya, nginisian ko siya at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya.


Dahan-dahan kong idinampi ang labi ko sa noo niya.


"The sweetest way to kiss a girl is on forehead.."


***


"Hanggang kailan pa ba?"

"Hindi ko alam pero malapit na."

"Hindi naman sa nag mamadali ako. Pero ayoko na ng ginagawa ko. Sorry."

"Okay lang sa akin. Naiintindihan kita, basta konti na lang.."


One sign is enough.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon