Entry #11

2.4K 30 9

Entry #11

*Princess Kath's POV*

"Twin, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong niya.

Inilapag ko sa upuan ang bag ko at sinulyapan siya. "Okay lang ako. Bakit?" utas ko. Kahit hindi.

Nakita kong ngumiti siya at umupo sa upuan niya. "Wala lang. Kanina ka pa kasi hindi nag-sasalita. May problema ba?" nag-iwas ako ng tingin at umupo na rin sa upuan ko.

Ayokong malaman niya ang tungkol sa kalagayan ko.. Ayokong may maka-alam na iba. "Medyo masakit lang kasi ulo ko." bahagya ko siyang sinulyapan habang naka-ngiti. "Pero ayos lang talaga ako!" pag-sisinungaling ko.

Tumango naman siya ng marahan at bahagyang tumingin sa loob ng classroom namin. "Wala pa si Kiray. Papasok kaya 'yon?" tanong niya habang palinga-linga dito.

Mag-sasalita na sana ako nang biglang sumulpot si Kiray sa labas ng pinto ng classroom namin. "Mga kambal!!" sigaw nito at saka tumakbo papalapit sa amin. Sabay kaming natawa ni Julia kay Kiray.

Hingal na hingal si Kiray na bumungad sa amin. "Hoy! Kalma lang sa pag hinga medyo masangsang eh!" pag-bibiro ni Julia habang natatawa.

Humugot ng malalim na pag hinga si Kiray habang hawak-hawak ang dibdib niya. "Mga kambal!!" buong lakas na sigaw nito. Bigla kaming napatakip ni Julia sa tainga namin at naka-agaw atensyon siya sa iba naming classmate.

"Ano ba 'yan Kiray! Kumalma ka nga!" singhal ni Julia sa kanya.

Muling napahugot ng hinga si Kiray. "Teka! Paano ako kakalma kung may nakita akong kamukha ni Kath!!" sigaw ulit nito habang tinuturo-turo ako.

Tumawa si Julia, natawa na rin ako sa inasta niya. "Kalma ka nga muna!" natatawang usal ko sa kanya.

Teka, kamukha ko?

Tumayo si Julia sa pag-kakaupo niya at hinawakan si Kiray sa mag kabilang balikat niya. "Wag kang sumigaw utang na loob! Gorabels! Kwento na!" singhal nito saka binitawan ang balikat ni Kiray.

Umupo si Julia sa upuan niya at humalukipkip sa harap ni Kiray. Bahagya kong inusog ang upuan ko papalapit sa kanila, hinatak ni Kiray ang upuan sa tabi niya at umupo roon. "Ganito kasi 'yan, kaninang nag-lalakad ako papunta dito may naririnig na akong chismisan tapos nakita ko na lang kanina sa hallway 'yung kamukha ni Kath! Noong una akala ko si Kath, pero mag kaiba sila ng tindig, tapos mas maputi 'yon at ang ikli ng palda. Tska kasama niya si Dansom! Edi nilapitan ko tapos mga teh! Ang arte mag salita! Tapos naka-taas kilay na ganito!" tumaas ang kilay niya habang umiikot ng parang ewan ang mata. Habang nag kukwento siya natatawa na lang kami ni Julia.

"Nako twin, gutom lang 'yan. Nag almusal ka ba?" natatawang tanong ni Julia.

Napanguso si Kiray. "Totoo kasi 'yon!" singhal nito sa amin at bigla na lang may pumasok na teacher. Umayos na kami at nag umpisa na ang klase.

Sa buong klase hindi ako makapag-focus sa itinuturo sa amin dahil sa sinabi ni Kiray. Imposible kayang may kamukha ako? Pero bakit niya kasama si Prince? Hindi kaya siya 'yung kausap ni Prince noong kahapon sa cellphone niya? Girlfriend niya kaya 'yon? Paano ako? Bakit niya ako hinalikan sa pisngi? Bakit niya ako niyayang kumain ng ice cream? Ano ba ako sa kanya?

Ugh! Lintek kasi! Bakit ba kahit papaano umasa akong may gusto siya sa akin, tapos ako itong nag-iinarte ngayon!

"Tara, twin punta tayong garden." natapos na ang klase pero lutang na lutang pa rin ako ngayon.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam sa kanila ang kalagayan ko, parang ayoko na gusto ko.. Siguro hindi pa talaga ito ang tamang pagkakataon para aminin ko sa kanila. Kahapon, kinausap ko si Khalil na sana walang makaka-alam ng tungkol sa akin, pumayag naman siya at naiintindihan niya ako. Kahit kakakilala pa lang namin ni Khalil, nararamdaman kong ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya, sa bahay na rin siya nag hapunan tapos nag kwentuhan lang kami ng kung ano-ano.. Kahit sandali lang nakalimutan ko ang problema ko. Mabait pala si Khalil akala ko kasi noong una kakalabas lang niya sa mental.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon