Entry #02

3K 35 8

Entry #02 (Second half)



*Dansom's POV*

"I less than three you my Princess.." bulong ko sasarili ko bago ako umalis ng garden.

Alam kong hindi niya 'yon narinig, kahit yata isang letra ng sinabi ko wala siyang narinig. Kung pwede nga lang ipagsigawan ko sa buong mundo na mahal ko siya o gusto ko siya ginawa ko na kaso.. Natatakot ako...



Natatakot akong sumugal sa mga pwedeng mangyari kung aaminin ko 'man na mahal ko siya.

"Sir, kain na ho kayo." bungad sa'kin ng katulong namin.

Tinanguan ko na lang siya at sinabing mamaya na lang ako kakain. Umakyat agad ako ng kwarto ko at nag pahinga sandali. Malaki itong bahay namin, ipinundar ito nila Mommy at Daddy. Kaso, sa sobrang laki ako lang ang nakatira at ang tatlong katulong. Hindi ko gusto ang ganitong buhay, lahat-lahat nakukuha ko lahat ng gusto ko pwedeng ibigay sa akin. Ang kapalit naman 'nun hindi ko nakaka-sama sila Mommy at Daddy.

 

*Kath's POV*

Nanatili pa rin ako dito sa garden, kaninang pag lingon ko sa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko nakita kong nag lalakad na paalis si Prince. Hindi ko 'man lang siya kinausap kahit sandali pagkakataon na 'yon kaso nasayang na naman..

"I less than three you my Princess."

Bahagya akong napapikit ng mariin at unti-unti ko na naman naramdaman ang pag dagundong ng puso ko.. Tama ba 'yung narinig ko kanina? Sa sobrang tahimik dito sa garden ultimo pag hingi niya naririnig ko pa rin lalo na 'yung binulong niya bago siya umalis.

 

Hindi kaya guni-guni ko lang 'yon? Hindi kaya kumakanta lang siya? O baka naman tumutula siya? Ack! Masyado na yata akong praning sa mga naiisip ko. Ano kaya ibig niyang sabihin sa I less than three you?

Bakit ka ba ganyan Prince?! Masyado na yata akong nababaliw sa kanya. Crush lang ba 'to? Infatuation? O baka naman... Ack! Ayoko.. Hindi ko yata kayang umabot sa ganito ang nararamdaman ko sa kanya.. Ayoko.. Dahil alam kong wala akong pag-asa.


Napasinghap na lang ako at binuksan ang bag ko. Inilabas ko ang diary ko at doon ko na lang ilalabas lahat ng kapraningan ko.



Dear Riri,

                 Riri! Namiss kita agad! May kwento na naman ako sayo. Hehe. Naka-tabi ko si Prince kanina, hindi naman literal na katabi ko siya nasa kabilang dulo lang siya ng bench na inuupuan ko. Haha! Ang feeling ko ba?  Pero dibale na. Atleast nakita ko siya ngayon. Tska pala Riri! May binulong siya kanina 'I less than three you my Princess' ako ba 'yung sinabihan niya? Princess din naman pangalan ko eh! 'Yun pa nga ang first name ko. Princess Kath Bernardo! Hindi kaya ako ang sinabihan niya? Pero marami namang Princess sa buong mundo diba? Nakaka-praning pala Riri ang ganito!

PS: Alam mo ba 'yung meaning ng I less than three you?

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon