Entry #12

2.4K 31 3

Entry #12

*Prince Dansom's POV*

"Sigurado ka ba sa gagawin natin Kiray?" tanong ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Julia. Simula noong nakaraang araw na sinabi nilang tutulungan ako kay Princess lagi na nila akong kinukulit, noong araw na kinausap nila ako naunang umuwi na raw si Princess dahil masama ang pakiramdam niya. Kawawa naman 'yung prinsesa ko. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng hiya dahil sa nalaman nila pero sabi naman nila mag tiwala lang daw ako sa plano nila. Anak ng teteng oh! Baka puro kalokohan lang ang plano nila!

Sabado ngayon at ngayon mismo isasagawa ang unang planong gagawin namin, wala dito sila Julia at Diego may binili lang sila sandali at si Kiray lang ang kasama ko dito. Medyo nawiwirduhan ako sa babaeng ito, parang kakalabas lang sa mental naka-titig lang sa akin habang naka-taas ang kilay sabay ngiting aso. Nakaka-kilabot!

*Ring ring....*

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at bumungad sa akin ang pangalan ni Ej sa screen.

"Sino 'yung tumatawag sayo?" usisa ni Kiray habang tumataas ang ulo niyang sinisilip ang cellphone ko. Umurong naman ako kaunti.

"Si Ej, kaibigan ko." simpleng sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag na ito hindi.

"OMG! As in Ej Jallorina?" napatingin ako sa kanyang gulat na gulat ang mukha. Problema nito?

"Oo." iritang singhal ko.

"Sagutin mo tapos papuntahin mo rin dito!" halos histerikal na sigaw niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit naman? Ayoko nga mukang bakla 'yun!" singhal ko sa kanya. Napansin kong huminto na sa pag ring ang cellphone ko.

Ayokong kausapin 'yung Ej na 'yon, hindi ko malaman kung lalaki ba siya o hindi kahit na mag kaibigan kami hindi ko talaga mawari kung anong tunay na kasarian niya. Anak ng teteng! Tumatawag na naman!

"Sagutin mo na please?" umiling na lang ako at iritang sinagot ang tawag.

["Dansom!"] sigaw niya sa kabilang linya.

"Bakit ka tumawag?!" singhal ko.

["Nag text sa akin si Diegs, nasa bahay daw kayo ni Julia. May kasama ka ba diyang Kiray 'yung pangalan?"] sumulyap ako kay Kiray na halatang interesado sa mga sinasabi ko.

Nag-iwas ako ng tinginn "Oo, bakit? Mag kakilala ba kayo?"

["Oo este hindi.. Hindi ko 'yun kilala. Ang panget kaya 'nun."]

"Parehas lang kayo. Bakit ka ba tumawag!?"

["Pupunta kami dyan ni Khalil. Alam na nila Diegs 'yun... Bye!"]

"Hello?! Hello! Hoy! Tch!!" bakit kasama pa 'yung bwisit na pinsang kong 'yon!?

"Anong sabi?" agad na usisa ni Kiray.

"Pupunta daw sila dito." iritang sagot ko.

"Yehey!!" halos nag tatatalon niyang sigaw.

"Teka! Wag ka nga muna mag tatatalon dyan!"

"Huh? Bakit naman?"

"Kasama niya si Khalil." nahihiyang sambit ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang tungkol kay Khalil na pinsan kong may gusto kay Princess at kahapon nahuli ko silang mag kausap. Medyo nag selos ako kasi close na close silang dalawa.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon