Entry #41

1.9K 27 1

Entry #41

*Prince Dansom's POV*

"Layuan mo ang anak namin."

Halos malaglag ang puso ko sa sobrang gulat. Hinintay kong maka-pasok si Princess sa loob ng bahay nila at muntik na kaming mahuli ng mama niya na hinalikan ko siya sa noo. Hindi ako makapag-salita ngayon sa harap ng mama ni Princess.. Hindi ako makapaniwalang pag hihiwalayin niya kami.

Akala ko okay na lahat, 'yung puro saya na lang pero hindi pa pala.. Para bang pagkatapos ng problema at nasolusyonan na ito may dadagdag ulit na panibago.

"Ayoko po." walang kahit sino ang makakapag-pahiwalay sa aming dalawa, ipaglalaban ko siya kahit mahirap.. Nangako ako sa kanyang hindi ako susuko.

"Mamamatay na ang anak ko!" unti-unting pinipiga ang puso ko sa binitawang salita ng mama ni Princess.

"Hindi ko po hahayaan.. Manalig lang po tayo sa Kanya---"

"Wala ng Siyang magagawa! Isang doktor lang ang may alam kung paano gamutin ang sakit na HCM kung ayaw mong mag hiwalay kayo ni Kath. Hanapin mo ang doktor na 'yon!" padabog niyang isinara ang gate at nag mamadali itong pumasok sa loob ng bahay nila.

Diyos lang naman ang may kakayahan mag pagaling.. Pero bakit agad silang sumusuko? Ako na lang ba ang lumalaban dito?

Tinignan ko ang bintana ni Princess kung saan naroon ang kwarto niya, bukas pa rin ang ilaw niya baka gising pa siya. Tinignan ko ang puno na nasa harap ko at muling tumingin sa bubong na tutungtungan ko.

Napangisi ako sa sarili ko. Ayokong mag sayang ng oras... Ayokong sayangin ang pagkakataon na 'to.

*Princess Kath's POV*

Kakatapos ko lang mag sulat sa diary ko. Araw-araw kinukwento ko ang mga nangyayari sa akin doon sa diary na iyon.

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa diary ko lang sinusulat lahat-lahat. Narinig ko lahat-lahat ng sinabi ni mama kay Prince.. Hindi ko matanggap na siya mismong ina ko.. Paghihiwalayin kaming dalawa. Akala ko sa mga palabas ko lang ito napapanood pero pwede rin pa lang mangyari sa totoong buhay.

Inayos ko na ang sarili ko at nahiga sa kama ko. Sandali akong nakipag-titigan sa kisame, pilit iniisip kung paano ba matatapos ang lahat ng ito.. Hirap na hirap na ako.

Maya-maya pa'y narinig kong parang may bumagsak na kung ano sa may labas ng bintana ko. Bahagya akong napa-upo mula sa pagkaka-higa ko.

Dahan-dahang bumukas ang isang bintana ng kwarto ko. Agad akong napatakip sa bibig ko nang makita ko si Prince na hirap na hirap lumusot sa binatana. Nakatitig lang ako sa kanya na gulat na gulat.

"Nakakatakot 'yung bubong niyo parang malulusot ako." sambit niya habang inaayos ang dapat niya. Tinignan niya ako at ngumisi. Bahagya siyang nag lakad patungo sa akin, nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa kanya napasulyap ako sa bintanang pinaglusutan niya at muling bumaling kay Prince na naka-upo na ngayon sa kama ko!

"Anong ginagawa mo dito?" mariing tanong ko sa kanya.

Nag kibit-balikat na lang siya at mas lalong ngumisi sa harap ko. Maya-maya pa'y narinig namin nag patugtog ng malakas ang nasa kabilang bahay. Bigla siyang tumayo paalis sa kama ko at hinawakan niya ang kamay ko. Nag tataka akong sumunod sa kanya, napatayo na rin ako at umalis sa kama ko. Mag kaharap kaming dalawa ngayon.

"I love you."

Sa mga sandaling ito para akong nilulutang sa sobrang saya..

 ♫♪We get it on most every night

when that moon is big and bright

its a supernatural delight

everybodys dancing in the moonlight

we get

everybody here is out of sight

they dont bark and they dont bite

they keep things loose they keep it tight♫♪

Nag simula na ang kanta, malalim lang siyang naka-tingin sa akin habang nararamdaman kong inilalagay niya ang kamay niya sa bewang ko.

 ♫♪everybodys dancing in the moonlight

everybodys feeling warm and bright

its such a fine and natural sight

everybodys dancing in the moonlight

we like our fun and we never fight

you cant dance and stay uptight ♫♪

Sumasabay ang katawan niya sa tugtog at dahil hawak niya ang bewang ko napapatianod na rin ako. Napangisi ako sa kanya habang naka-titig pa rin sa mga mata niya.

  ♫♪ its a supernatural delight

everybody was dancing in the moonlight

dancing in the moonlight

everybodys feeling warm and bright

its such a fine and natural sight

everybodys dancing in the moonlight  ♫♪

Halos hindi ko marinig ang kanta dahil sa puso kong sobrang lakas ng tibok. Pakiwari ko tuloy ito ang nag sisilbing musika sa amin.

   ♫♪we get in on most every night

and when that moon is big and bright

its a supernatural delight

everybodys dancing in the moonlight

dancing in the moonlight♫♪

"Princess.. Ang bilis nang tibok ng puso ko."

Halos hindi niya makapaniwalang sambit sa harap ko. Nginitian ko na lang siya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Marahan akong pumikit at pinakinggan ang pag tibok ng puso niya.

 ♫♪everybodys feeling warm and bright

its such a fine and natural sight

everybodys dancing in the moonlight♫♪

Bumalik na lang ako sa ulirat nang wala ng kanta ang tumutugtog. Bahagya kong tinignan si Prince na halos nilulusaw ako sa bawat titig niya. Ngumiti muli siya sa akin at bahagyang pinagdikit ang noo namin.

"I'll promise under the moon and star, that I will always love you no matter what happens, until the black turns white, cat and dog became friends, violet turns blue, until day became night, but my love for you not changed. Hurricane, earth quake came... I will always be your protector. I love you Princess Kath Gomez Bernardo. I less than three you means I love you. You're my Princess, my Life, my Queen, My One and Only." diretso niyang sabi.

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko pero hindi ko ito pinansin. Ngumiti ako sa kanya. "Prince Dansom Smith Padilla. I'll promise under the moon and star, I will always love you, until heaven turns hell. Until I die, my reincarnation I love you always. You are my Prince, my Life, my King, My One and Only. I'll promise I will always love you until my next life, until my reincarnation. I less than three you."

I love this feeling.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon