Entry #23

2K 19 2

Entry #23

*Julia's POV*

 

"Julia." agad akong napalingon sa pinsan kong nasa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Bakit?!" singhal ko sa kanya, bwisit kasi walang pasok ngayon kasi may bagyo tapos hindi pa nag rereply sa'kin si Diego! Nakaka-inis! Bwisit talaga!!

"Ay. Highblood te?" natatawang tanong niya, inismiran ko naman siya. "May bisita ka sa baba, ayaw mo pa?" agad akong napatayo sa kama ko nang marinig ko 'yon. Hindi kaya si Diego?!

"Si Diego ba!?"

"Hindi. Feeling ka naman! Bumaba ka na lang para malaman mo! Tse!" humalukipkip pa si Miles at tinarayan ako bago umalis sa labas ng pinto ko.

Kung hindi si Diego, sino naman bibisita sa akin? Kaloka! Akala ko naman si Diego naman. Asar! Nakaka-pang init ng ulo! Yari sa'kin 'yon kapag nakita ko bukas!

Bumaba na ako sa sala namin nang maabutan ko si Miles na naka-upo sa sofa at may katabi siyang isang lalaki, hindi mo masyadong makita dahil sa lapad ng katawan ni Miles natatakpan na niya ito o baka naman payat lang talaga 'yung lalaking katabi niya? Bahagyang nag-lakad ako papunta sa kinaroroonan nila.

"Miles sino---" halos nanlaki ang mata ko sa lalaking biglang tumayo na katabi ni Miles.

Si Kuya Patrick!!! "Kuya Pat!!" sigaw ko sa kanya at agad ko siyang dinamba ng yakap. Grabe! Namiss ko itong pinsan ko!

"Teka lang Juls, alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong patayin." natatawang usal niya. Narinig kong nag react si Miles na little sister niya, natatawa na rin ako sa kanilang dalawa. Hindi pa rin nag-babago itong si Kuya Pat makapal pa rin ang mukha hanggang ngayon.

"Kailan ka pa umuwi dito?" tanong ko habang humihiwalay ako sa pag kaka-akap sa kanya.

"Ngayon lang." simpleng sagot niya at umupo siya sa bandang edge ng sofa.

"Grabe ka Kuya! Bakit parang pumayat ka?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Pumalatik siya at umiling-iling. "Masama bang mag bakasyon dito?" ngising tanong niya. "Tska alam mo naman kailangan maka-kita ka ng gwapong tulad ko!" mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Gwapo my ass." dinig naming react ni Miles. Kumuha si Kuya Pat ng kunan sa sofa at binato kay Miles. "Aray Kuya!"

"Arte mo! Balik kita diyan sa Tagaytay e!"

"Joke lang ito naman! Nood tayong movies!"

Natawa na lang ako sa inasal ng mag kapatid na 'to kahit kailan talaga hindi mag kasundo. "Nood tayo The Coming Soon!" suggest ni Kuya Pat.

Umupo na kami ng maayos sa sofa at isinalang na ni Miles ang CD, habang nanonood kami patingin-tingin ako sa cellphone ko kung may text na ba si Diego hanggang sa sobra na talaga akong nainis! Para akong nag hihintay sa wala! Bwisit lang!

Nang nasa kalagitnaan na ng movie nanood na lang ako, halos kapit na kapit kami ni Miles sa braso ni Kuya Pat sa sobrang takot! Baka mapaginipan ko 'yung mukha ni Shomba! Takot na takot na rin si Kuya Pat, ito talaga ang weakness niya ang horror films kaya mukha siyang tanga kakasigaw isama pa kami ni Miles. Kaloka!

"Julia!"

Halos kumalabog ang puso ko sa umalingawngaw na sigaw dito sa bahay.. Lahat kami napahinto sa pag sigaw, para bang biglang nag pause 'yung pinanonood naming movie. Kung hindi ako nag-kakamali si Diego ang sumigaw sa pangalan ko.. Hindi kaya masyado lang akong nahihibang?

"Shit. Julia!"

Agad akong napabitaw sa pag hawak sa braso ni Kuya Pat at bahagyang tinignan si Diego na naka-tayo sa likod ng sofa namin. Sa mga titig pa lang niya para bang galit siya.. Bakit naman siya magagalit? Ako dapat ang magalit hindi siya!

"Julia! Sino 'yan?!" nanlilisik at halos nakikita ko na ang invisible na usok sa ilong at tainga niya. Aba! Siya pa itong may ganang magalit sa akin ngayon?!!?

Tumayo ako sa pag kakaupo at hinarap siya. Humalukipkip ako at humugot ng malalim na pag hinga. "Anong ginagawa mo dito?" kalma lang ako pero halata sa boses kong inis na inis ako sa kanya!!

"Dinadalaw ka tapos makikita kong may kayakap kang ibang lalako!" singhal niya habang masama ang tingin kay Kuya Patrick, narinig ko nag hagikgikan silang dalawang mag kapatid. Tinignan ko si Diego na mas lalong nag-alab ang galit.

"Juls, akyat muna kami." natatawang paalam ni Kuya Pat, pinatay ni Miles ang T.V at DVD saka sumunod sa Kuya niya pero bago pa 'man ito tuluyang maka-akyat sa taas nag salita pa siya. "Seloso much! Kalerks!" bahagya akong nag pigil ng tawa. Alam kong nahalata 'yon ni Diego dahil nararamdaman ko ang nakakamatay na titig niya sa akin.

"Who's that guy?" diin na tanong niya.

Napaubo naman ako at tinignan siya sa mga mata. Ang cute niyang mag selos! "Mahal ko siya." simpleng sagot ko at umupo sa edge ng sofa namin. "Simula pag kakita ko pa lang sa kanya talaga masasabi kong mahal ko ang lalaking 'to." nararamdaman kong konti na lang sasabog na talaga siya! "Dahil pinsan ko siya." huling banggit ko sabay tumingin sa kanyang naka-ngisi at siya naman halos nag aapoy na sa galit!

"Pinsan?" inis niyang tanong. Tumango naman ako.

Umiling-iling siya at unti-unting ngumisi. Medyo natakot ako sa pag-ngisi niya! "Pinsan pala?" unti-unti siyang nag lakad papunta sa harap ko. Mula sa edge ng sofa, bahagya akong napaupo sa pinaka-upuan at umaatras sa kanya pero siya papalapit lang sa akin ng papalapit habang lalong lumalawak ang pag ngisi niya.

"Alam mo bang halos patayin ko na 'yon sa tingin kanina habang pinanonood kong yakap-yakap mo ang braso niya?" kinakabahan ako sa pag lapit niya!

"At alam mo bang sobra akong nasaktan dahil nag selos ako sa ginawa mo?"

"Alam mo rin ba na kahit pinsan mo siya ayokong yayakapin mo siya?"

"Alam mo rin ba na nainis ako sayo?"

Unti-unting nag huhuramentado sa kaba ang puso ko. Napahiga na ako sa sofa dahil wala na akong maaatrasan parang biglang namanhid ang buong katawan ko sa bahagyang pag dagan niya sa akin pero naka-tukod pa rin ang kamay niya at hindi nag didikit ang katawan namin. Napako ang mga mata ko sa mga mata niya... "Alam mo bang mahal kita at gusto ko akin ka lang, alam mo bang ayokong may hahawakan ka na ibang lalaki dahil gusto ko akin ka lang. Mahal kita at akin ka lang, akin ka lang dahil mahal kita. Alam mo ba 'yon? At ang mas malala.. Sayo ako, akin ka lang kaya pag mamay-ari natin ang isa't-isa.. Ngayon, alam mo na?"

Lalong nag huramentado at lalong lumakas ang pag dagundong ng puso ko... Lalo na sa biglang maramdaman ko ang malambot na labi niya sa noo ko.

Ngayon alam ko na. Nakaka-loka pa lang malaman!

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon