Entry #08

2.7K 29 2

Entry #08


*Princess Kath's POV*


Dear Riri,

                 Alam mo bang nag date kami ngayon ni Prince?! Grabe! Dream come true! Dati pinapangarap ko lang ito pero ngayon nag katotoo na talaga! Hindi siya boring kasama kung tutuusin Riri ako pa itong hindi makapag-salita kanina, siya lang ang nag pipigay topic ng usapan namin. Grabe Riri! Sobrang saya ko! Nararamdaman ko pa rin 'yung mabilis na pag tibok ng puso ko, 'yung kakaibang pag pintig nito. Basta! Ang saya-saya ko talaga! Ang sarap sa pakiramdam lalo na 'yung pag halik niya sa pisngi ko.. Riri! Hinalikan niya ako sa pisngi! Buti na lang hindi kami nahuli nila Mama at wala ng gaanong tao sa labas. Buti na lang Riri walang naka-kita.. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito dahil sobrang imposibleng mangyari. Hanggang dito na lang! Matutulog na ako, may pasok pa kasi bukas. Bye Riri!

PS: Bago siya umalis kanina sumigaw na naman siya ng 'I less than three you'. Hindi ko talaga alam ang ibig sabihin niyan Riri...

Pagkatapos kong mag sulat sa diary ko itinago ko na ito sa bag ko. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Kaninang pagka-uwi ko nag taka si Mama at Papa kung bakit ngiting-ngiti raw ako. Ganito pala ang pakiramdam.. Kakaiba.. Sobrang saya...

*Prince Dansom's POV*

Hoy Diary!

                  Grabe talaga ngayon araw na ito! Ang saya-saya ko alam mo ba 'yon? Sempre hindi mo alam kaya nga mag kukwento ko sayo! Anak naman ng teteng oh. Nakaka-baliw ka naman sulatan! Oo nga pala, nag date kami ni Princess! Diba ang saya diary? Hindi na ako gaanong torpe! Konting-konti na lang masasabi ko na talagang direktang mahal ko siya. Aba teka! Hinalikan ko pala siya sa pisngi! Ang saya ko diary! Sige bye na. Hindi ka naman nag sasalita diyan!

Isinara ko na ang bwisit na diary na 'to at umayos ng pagkakahiga sa kama ko. Anak talaga ng teteng! Para akong bakla dito na kinikilig at hindi mapigilang ngumiti!

Napahawak ako sa labi ko... Ugh! Kahit sandali lang ang pag halik ko sa pisngi niya hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin 'yung lambot ng pisngi niya.. Teka.. Magagalit kaya siya sa ginawa ko?



*Princess Kath's POV*

"Ma! Alis na po ako."

"Sige anak. Mag iingat ka, umuwi ka ng maaga." hinalikan ko si Mama sa pisngi habang nag huhugas ng pinggan sa lababo. "Umuwi ka ng maaga mamaya." tumango ako sa harap niya at nginitian siya.

"Pa! Alis na po ako." paalam ko kay Papa na nag kakape dito sa lamesa.

"Ingat ka anak." aniya habang naka-ngiti.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko 'yung mga ngiti ni Mama at Papa sa mga labi nila. Sa kanila na lang ako humuhugot ng lakas kahit na hinang-hina na ako... Binabaliwala ko na lang ito.. Makita ko lang ang mga ngiti nila at maka-sama ko lang sila pakiwari ko sobrang lakas ko na.


Nang naka-labas na ako sa bahay namin, naabutan kong nag hihintay si Julia doon. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap. "Tagal mo twin." aniya at gumanti rin ng yakap sa akin.

"Magaling ka na twin?" tanong ko sa kanya habang kumakalas ng yakap.

Tumango naman siya at nginitian ako. "Grabe twin! Namiss kita!" singhal niya habang kumakapit sa braso ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon