Entry #04

3K 38 14

Entry #04

*Prince Dansom's POV*

Habang nag lalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom ko unti-unti kong naririnig ang mga hagikhikan ng mga babae dito. Hindi naman ako artista, hindi naman ako hari pero kung umasta sila parang ngayon lang nila ako nakita. Kahit naka-headset ako na sakot ang buong tainga ko naririnig ko pa rin ang mga tilian nila. I hate this kind of attention.

"Ang pogi niya talaga!!"

"Omg! He's goddess! I'm gonna faint!!"

"I love you Prince!!"

Biglang nag pintig ang tainga ko sa narinig ko. Awtomatikong napahinto ako sa pag-lalakad mismo sa tapat ng babaeng nag-I love you sa akin.

"Girl! Lalapit siya sa akin!!" maarteng tili ng babae.

Nakita kong simple siyang tinulak ni Colleen. "Hey Prince." maarteng bati niya sa akin.

Nginisian ko naman siya at tinanggal ang headset ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong tinatawag akong Prince?" bahagyang tumingin-tingin si Colleen sa mga ibang estudyante dito at muling bumaling ng tingin sa akin habang namumulang naka-ngiti.

"Prince.. Please stop this kind of---"

"You have no right to call me Prince, you're not my Princess. Please Colleen, mahiya ka naman sa sarili mo."

Matabang na sabi ko sa kanya, alam kong supalpal 'yon sa pride niya pero wala naman siyang pakialam. Ilang beses ko na siyang pinahiya sa maraming tao pero hindi pa rin siya sumusuko na hindi ako makuha. Simula first year high school inamin niyang may gusto siya sa akin, hindi na ako nag paligoy-ligoy pa noon, sinabi kong hindi ko siya gusto pero hindi siya nakinig. Hanggang sa hindi na tama ang ginagawa niyang pag papapansin sa akin.

*Princess Kath's POV*

Nakita ko 'yung ginawa ni Prince kay Colleen, wala naman bago doon kasi halos araw-araw siyang pinapahiya ni Prince, pero ngayon ko lang nalaman na ayaw niyang mag patawag ng Prince eh pangalan naman niya 'yon. Kapag ba tinawag ko siyang Prince magagalit kaya siya?

"Twin! Tulala ka na naman diyan!" gulat sa akin ni Julia. Sinulyapan ko naman siya habang naka-ngiti.

"Nasaan si Diego?"

Napansin kong biglang namula ang pisngi niya at ngumisi. "Nasa room niya." para bang kinikilig na sagot niya.

Sinundot ko ang tagiliran niya habang natatawa. "Sagutin mo na kasi! Mahal mo naman kunwari ka pa diyan!" pang-aasar ko.

"Sa graduation na lang. Tska twin.." bahagya niyang inilapit ang arm chair niya sa tabi ko. "M.U na kami." kinikilig na sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? M.U? Ano 'yon?" ignoranteng tanong ko. Bigla naman siyang tumawa.

"Malanding Ugnayan! Haha. Joke lang!" suminghap siya bigla. "Yung M.U, mutual understanding para bang mahal niyo ang isa't-isa pero wala naman kayong relasyon. Parang ganoon." ngiting paliwanag niya.

Umiling-iling na lang ako sa kanya.  "Ang dami niyo namang alam!" kami kaya ni Prince? M.U kaya kami? Ano ba 'to! Ang dami ko talagang nalalaman kay Julia!

"Ay twin! Maya na tayo chika. Mag rereview muna ako." biglang sabi niya habang ibinabalik ang upuan niya sa dating pwesto.

Teka. May quiz ba kami? "Saan?" tanong ko sa kanya.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon