Entry #21

2K 19 3

Entry #21

*Kiray's POV*

"Miss, may color red ba nito?" tanong ko sa isang sales lady sabay turo sa isang dress.

Tumango naman siya sabay pinakita sa akin ang isang red dress. Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, binili ko na agad 'iyon at bumalik sa carpark.

May lakad daw kami ngayon ni Mommy tutal naman at Sunday day-off niya sa work. Habang nag-lalakad ako papunta sa sasakyan namin na kanina pa nag hihintay sa'kin ang driver ni Mommy may naaaninag akong pamilyar na tindig na naka-sandal sa kotse namin. Medyo minadali ko ang pag-lalakad at habang papalapit ako ng papalapit unti-unti ko ng naaaninag ang lalaking 'yon.

Tsk. Anong ginagawa ng timang na 'to dito? "Kiray!" singhal niya sa pangalan ko nang malapit na akong maka-punta sa kinaroroonan niya.

Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at humalukipkip sa harap niya. "Anong ginagawa mo dito?" diing tanong ko.

Ngumisi naman siya.

"Pinuntahan ka!"

"Wala akong sinabing puntahan mo ako! Tska pwede ba Ej?! Tama na!" nakaka-inis! Kung kailan sabi ko sa sarili kong titigil na ako sa kakahabol sa kanya siya naman itong nag paparamdam sa'kin! Lintik! Sakit sa eyebrows!

"Wala ka ngang sinabi.. Gusto ko lang puntahan ka, masama ba 'yon?" ngising tanong niya.

Punyetang puso 'to! Lumalakas na naman ang tibok kapag dating sa kanya! Lintik talaga!!

"Alis diyan, kailangan ko ng umuwi." matigas kong usal sa kanya at umiling-iling naman siya sabay humalikipkip din sa harap ko.

"Hindi ka aalis hangga't hindi tayo nag-uusap ng maayos!" nagulat ako sa pag taas ng boses niya.. Aba! Walangya 'to ah!

"Hoy! Anong karapatan mong pag taasan ako ng boses aber?!" taas kilay kong tanong kanya at ngumisi na naman siya.

"Ang pangit mo!" natatawang singhal niya.

"Mas pangit ka!!" nakaka-insulto 'to ah!

"Pero mahal kita."

Pakiramdam ko tumigil bigla ang mundo ko.. Tama ba ang narinig ko? O guni-guni ko lang?

"Mahal kita. Kung hindi mo ako hahabulin ulit ako na lang ang hahabol sayo kahit pangit ka, kahit na mukha kang timang sa lahat ng bagay at sa sobrang pagka-timang mo umuwi ka pa rito sa Pilipinas para habulin lang ako? Aba! Gwapo ko naman!" bigla niyang pinilit hawakan ang mga kamay ko. "Mahal kita, mahal kita at mahal kita. Wala ng mag babago doon, basta mahal kita kahit na timang ka."

Mag sasalita na sana ako ng bigla siyang ngumisi ng nakaka-loko at naramdaman ko na lang ang malambot na labi niya sa labi ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon