Entry #17

2.2K 42 6

Entry #17



*Princess Kath's POV*



Kakauwi ko pa lang sa bahay. Hindi pa rin ako maka paniwala sa nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya 'yon at nararamdaman ko pa rin ang pag huhuramentado ng puso ko..

"Anak.." nilingunan ko ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin si Mama na papasok dito sa loob.

"Bakit po?" tanong ko. Umupo siya sa kama ko at napabuntong-hininga.

"Gusto sana namin na ipagamot ka sa kilala namin na mang-gagamot 'yung naka pag pagaling sa Tita Mandy mo na may cancer." nag aalangan na sambit niya.

"Pero Ma, Hindi ganoon kadali 'yon. Hindi naman sa pang-gagamot kaya gumaling si Tita sadyang himala lang ang nangyari." diretso lang akong naka-tingin sa mga mata niya.

"Pero anak... Manalig ka lang sa Diyos."

"Diyos? Ma... Walang Diyos." matigas na utas ko sa kanya.. Halos nanlaki ang mga mata ni Mama, alam ko nagulat siya sa sinabi ko.

"Anak, ano ba ang sinasabi mo. Hindi ka naman ganyan.." bahagya siyang umusog papalapit sa akin.

"Ma, kung meron Diyos, bakit ako ang na pili niya bigyan ng sakit na ganito? Ano ba ang ginawa ko? Naging mabait naman ako. Hindi ako naging masama.. Pero bakit? Ba..Bakit ako pa?" hindi ko na napigilang umiyak sa harap ni Mama. Napatakip ako sa mukha  ko gamit ang dalawang palad ko.. Naramdaman ko na lang ang pag yakap niya sa akin.

"Anak.."

"Ma.. Bakit ako pa? Ba..bakit sa akin pa?" humihikbing tanong ko.

"Anak.. Manalig ka, wag ka mawalan ng pag-asa."

"Ma.. Ang dami ko pang pangarap.. Gusto ko alagaan kayo hanggang pag tanda niyo ni Papa.. Pero hindi ko na magagawa iyon.."

"Anak, manalig ka lang sa Kanya.. Wag mo siya kamuhian.. Isang pagsubok lang iyan, gawin mong masaya ang natitira mong mga araw.. Gawin mong puro pagmamahal.."

 

Sabi sa akin ni Mama. Yakap-yakap niya pa rin ako. Napagisip-isip ko na tama naman si Mama, na gawin kong masaya ang mga natitirang araw ko at gawin kong puro pagmamahal. Hindi ko muna iisipin na mamamatay na ako. Ang isipin ko na lang na ordinaryo pa rin ang buhay ko. 'Yun bang wala limitasyon na tinatawag.

***

 

Maaga akong pumasok kinabukasan, hindi na kami nag sabay ni Julia gusto ko munang mapag-isa, kailangan kong mag-isip mabuti kung sasabihin ko ba sa kanila na may sakit ako.. Ayoko silang lokohin baka balang araw kapag namatay ako magalit pa sila sa akin.

Mariin akong napapikit habang dinadama ang simoy ng hangin dito sa garden ng school. Wala pang gaanong estudyante dito dahil medyo maaga pa.

"Miss." agad akong napadilat nang maka-rinig ako ng boses. Tinignan ko ang nasa harap ko mula pala hanggang papunta sa ulo.

Napakunot ang noo ko. "Bakit po?" tanong ko. Nanatili lang akong naka-tingala sa kanila habang naka-upo pa rin ako dito sa ilalim ng malaking puno.

Tumingin siya sa dalawang kasama niya at nginisian niya ito sabay baling ulit ng tingin sa akin. Kung hindi ako nag kakamali college students sila. Nakita ko kasi sa lace ng I.D nila.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon