Entry #25

2.1K 32 6

Entry #25

*3rd Person's POV*

Kasalukuyan kumakain ang mag babarkada sa canteen. Halos lahat ng mata ay naka-tingin sa kanila dahil kasama nila ang grupo nila Dansom. 

"Para naman tayong papatayin sa mga tingin nila." untag ni Julia at muling simpleng tumingin sa kanila paligid.

"Wag mo na lang pansinin twin! Magaganda kasi tayo!" parinig ni Kiray.

"Yeah right!" pag sang-ayon naman ni Yen.

"Wag nga kayong feeling! Ako tinitignan nila dahil gwapo ako!" pag bibiro ni Khalil saka ito tumingin sa ibang tao roon sa canteen. "Diba guys? Ako naman talagang tinitignan niyo. Aba ang natural na pagiging gwapo hindi kumukupas ang kagwapuhan!" usal niya nang naka-tingin pa rin sa mga tao sa canteen. Nag tawanan ang mga kaibigan niya pati na rin ang ibang tao roon at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya habang naiiling.

Bumaling si Khalil sa kanyang mga kaibigan na hindi pa rin natatapos kakatawa. "Bakit kayo tumatawa? Bakit sila nag iwas ng tingin?" bulong niya na mas lalo pa siyang tinawanan ng mga kaibigan niya. Hindi na lang siya umimik at padabog na inubos ang kanyang pagkain. Wala na silang klase ngayon at tumambay lang sa canteen dahil nanlibre ni Kiray sa kanila, pinilit kasi ni Khalil na manlibre silang may mga lovelife na para hindi unfair sa kanila pero libre lang talaga ang habol niya lalo na't pagkain.

"Twin, bakit parang ang tamlay mo?" biglang tanong ni Julia.

Hindi lingin sa kanilang kaalaman na kanina pa pinagmamasdan ni Dansom si Kath na katabi niya lang sa mga weirdong ikinikilos nito sa mga nakaraang araw. Para bang ibang Kath ang kasama nila...

"Huh? Hindi naman.. Medyo masakit lang ulo ko." usal niya at bahagyang hinilot ang kanyang sintido.

Wala sa sariling hinawakan ni Dansom ang kamay ni Kath at dahan-dahan nitong tinggal. Ipinalit niya ang kanyang kamay doon, at siya na ang humihilot sa ulo ni Kath.

Tahimik lang nila pinagmamasdan ang dalawa pero ngiting-ngiti na ang mga kaibigan nila. Kulang na lang sumabog sa kilig na ginagawa ni Dansom kay Kath. "Masakit pa ba buko?" lahat sila nagulat sa sinabi ni Dansom.

"Pftt.. Buko?" nag pipigil na tawa ni Neil. Sinamaan naman agad siya ng tingin ni Yen. "Sorry baby." untag nito.

"Bakit buko?" kunot-noong tanong ni Kath.

Ngumiti sa kanya si Dansom habang hinihilot pa rin ang sintido niya. "Buhay ko." biglang nag hiyawan ang mga kaibigan niya.

"Iba ka pala dude!"

"Dansom 'yan eh!"

Kantyaw ng mga kaibigan niya at natawa na lang sila Kath at Dansom sa kanila. Maya-maya pa'y bumaling na sa ibang usapan ang pinag-uusapan nila.

"Malapit na 'yung JS prom, may susuotin na ba kayo?" tanong ni Julia.

"Madali na lang 'yan dalawang buwan pa naman! Excited ka twin?" natatawang usal ni Kiray

"Teka! Paano 'yan? Sinong kadate ko sa JS?" ngusong tanong ni Neil.

"Pwede naman ako baby." malambing na saad ni Yen.

"Oo nga pala! Pwedeng sumama ang mga college basta't bumili ng ticket!" buhay na buhay na usal ni Neil. Bahagyang hinalikan niya sa noo si Yen.

Pinagbabatukan naman siya ng mga kaibigan niya at nag tawanan na lamang sila. Ilang minuto pang naka-lipas, pinatigil na ni Kath ang pag hilot ni Dansom sa noo niya. Nag pasalamat ito dahil kahit paano'y nawala ang sakit niya sa ulo dahil sa sobrang daming iniisip nito.

"Sigurado ka bang hindi na masakit?" tanong ni Dansom.

"Hindi na. Salamat!" ngiting pasasalamat muli ni Kath.

"Sabihin mo lang kung masakit pa, lahat gagawin ko para lang hindi ka masaktan. Kung pwede lang mag palit tayo ng ulo gagawin ko pa rin.. Ayoko lang nasasaktan ka."

"Aba bumabanat!!"

"Sagwa mo dude!"

"Sweet mo pala insan akalain mong marunong ka ng ganyang damoves?"

Hindi lingid sa kanilang kaalaman na kanina pa sila pinagmamasdan ng mga kaibigan niya, sa tuwing nag-uusap silang dalawa patagong pinagmamasdan sila at kunwaring busy sa kanya-kanyang usapan. Parehas sila nakaramdam ng hiya at pinagbabatukan naman ni Dansom ang mga kaibigan niyang lalaki. "Gago kayo!" natatawang singhal nito.

Maya-maya pa'y nag kayayaan na silang umuwi, napapadalas ng hindi sumasabay si Kath kay Julia dahil kasabay na nito si Diego at mas pabor naman 'yon si Kath para mapadali ang kanyang ginagawa. Kanya-kanya silang lugar na dadaanan ang iba nama'y mamamasyal pa. Ihahatid sana ni Dansom si Kath pero hindi ito pumayag dahil sinabi nitong bibili pa raw siya ng project niya.

"Iwas ba sa akin si Princess?" tanong ni Dansom sa kanyang sarili habang ito'y naka-higa na sa kanyang kama.

Napabuntong hininga na lamang ito at inabot ang kanyang diary na nasa ibabaw lamang ng dulo ng kama niya.

Hoy,

        Matagal-tagal na rin akong walang sulat sayo. Basta gusto ko lang malaman mong unti-unti na akong nag papahiwatig kay Princess. Baduy 'man pero ako pa yata kinikilig sa mga ginagawa ko. Tch. Bye na pangit mo.

***

"Namiss kita!"

"Namiss din kita, kamusta na?"

"Okay lang.."

"Cheer-up! Kaya mo 'yan."

"Sana nga makaya ko.. Sana.."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon