Entry #27

2.1K 29 3

Entry #27



*Julia's POV*



"Twin." bahagya kong inusog ang upuan ko papalapit kay Kath. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.



Hindi na kami sabay pumasok ngayon simula noong naging mag boyfriend at girlfriend kami ni Diego, hindi ko na rin siya gaano nakaka-usap na kaming dalawa lang dahil kapag after class si Diego na agad ang kasama ko.. Kaya parang nararamdaman kong nag tatampo na si Kath ngayon sa akin.



"Bakit twin?" ngiting tanong niya at umayos ito ng upo.

Simple akong tumingin sa paligid namin baka biglang sumulpot si Kiray e. "Kamusta na?" baling na tanong ko sa kanya.

Humugot siya ng malalim na pag hinga saka ulit ako nginitian. "I'm fine.." ngiting sagot niya na nag pakunot naman ng noo ko.

"Nag tatampo ka ba sa akin?"

"No!" umiling siya sabay ngiti ulit. "I know you're happy with Diegs, and as your bestfriend i'll support you specially when it comes with your lovelife and I know Diego really loves you."



Halos napanganga ako sa harap niya. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil nag English siya! Sa tagal ko ng kilala si Kath kahit matalino siya hindi siya basta-basta mag E-English, kapag sa English subject lang namin o kaya kapag kinakailangan nag sasalita siya ng English pero 'yung ganitong eksena hindi siya dapat ganito!



Hindi na ako nakapag-salita sa harap niya nag alangan pa akong ngumiti sa kanya. Eksaktong dumating naman si Kiray at halos maka-hinga ako ng maluwag dahil binasag niya ang katahimikan sa'ming dalawa. Ngayon ko lang naramdaman ang pagiging awkward namin sa isa't-isa hindi naman ako ganito sa kanya pero parang kakaiba siya ngayon.. Basta.. Ang hirap ipaliwanag...



*Khalil's POV*



"Nasaan ba sila? Punyeta naman namimiss ko na 'yung Kin ko!" bulyaw ni Diego sabay sabunoy sa buhok niya. Kin daw kasi Akin ang tawagan nila ni Julia.

"Namimiss ko naman ang Timang ko." nakapalumbaba na usal ni Ej.

"Miss na miss ko na rin 'yung Buko ko." singhal naman ni Dansom.



Pinapanood ko lang sila habang naka-tunganga at akala mo hindi nila nakita sila Kath, Julia at Kiray kanina! Aba! Grabe sila! Akala mo naman talagang.. Ugh!! Nakaka-inis! Nakaka-bitter! Bakit kasi wala na si Kate dito? Sayang.. Crush ko pa naman 'yung maarte na 'yon. Bwisit!



"Ang drama niyong kupal!" singhal ko sa kanilang tatlo.

"Inggit ka lang kasi!" agad akong napalingon sa biglang nag salita sa likod ko.

Binatukan ko agad si Neil na kadarating lang habang hawak ang kamay ni Yen at itong si Yen naman halatang kinikilig. Tangina! Edi sila na talaga may lovelife! Bwisit! "Hindi ako naiinggit! Ang O.A niyo lang kasi!" napapakamot na lang ako sa ulo ko sa sobrang irita sa kanila. Ganyan ba talaga kapag may lovelife?

"Tumakbo ka ng sampung beses dito sa court!" biglang alingawngaw na sigaw ni Dansom.

"Captain naman! Kakatapos lang ng practice grabe ka!"

"Tch. Tara na nga." kahit kailan talaga ang sungit-sungit nito. Kapag nandyan naman si Kath nagiging mabait tapos ngiti ng ngiti kapag wala si Kath naka-simangot!



Sinundan na lang namin siya hanggang nakarating na kami sa garden. Eksaktong pag labas namin ng gym uwian na pala kaya na abutan namin sila Julia sa garden agad naman nilang sinunggaban ng yakap ang mga girlfriend nila. Punyeta lang nakaka-inggit sila.



*Prince Dansom's POV*



"Buko. Kamusta?" agad kong nilapitan si Princess na naka-upo sa ilalim ng malaking puno dito. Busy sila Khalil sa isang gazebo kaya hindi kami mahahalata ni Princess dito. Mabuti na rin 'to at ng walang istorbo. Umupo ako sa tabi niya at narinig kong napabuntong hininga siya.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Okay lang naman."



Nginisian ko siya at bahagyang inilapit ang mukha ko sa mukha niya napansin kong nagulat siya at bahagyang inilayo ang mukha niya. Mas lalo akong napangisi sa harap niya. Sandali kong tinitigan ang mga mata niya pero parang kakaiba ang nararamdaman ko.. Parang hindi ko maramdaman ang hustong pag huramentado ng puso ko. Nakakapanibago... "I less than three you." marahang saad ko sa kanya.

Napansin kong namula siya at nag iwas ng tingin sa akin. "A-ano bang meaning ni-yan?" nauutal na tanong niya.

Umayos ako ng pag upo at humugot ng malalim na pag hinga bago sumagot.



"Mahirap ipaliwanag ng bibig, isip o ng utak pero sagad sa pag papaliwanag ng nararamdaman. 'Yon ang I less than three you.."


*Mysterious POV*


"Ang saya naman ng mga kwento mo."

"Pero mas masaya kapag ikaw ang---"

"Hindi.. Kahit wala ako.. Masaya pa rin."

"Pero..."

"Masaya siya.. Konti na lang naman e. Alam kong kaya mo pa diba? Nangako ka sa akin. Isang sign na lang ang hinihiling ko..."


Isang sign lang ang kailangan ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon