Entry #28

2K 25 5

Entry #28

*Prince Dansom's POV*

"Captain! Weak naman ang mga makaka-laban natin sa susunod! Kayang-kaya 'yan!"

"Oo nga captain! Masyado na tayong magaling! Hindi na natin kailangan mag practice!"

"Tska captain mga gwapo tayo! Kapag gwapo matik na! Ako lang 'yon!"

Pinag-babatukan ng mga kateam ko si Khalil dahil sa sinabi niya, napakamot naman siya ng ulo at napasimangot. "Hindi pwede! Isang round pa." naiiling bulyaw ko sa kanila.

Naka-pwesto na kami sa court at nag simulang mag practice wala ngayon si coach kaya ako muna ang mag mimistulang captain at coach nila. Masyado lang silang mayabang pero may ibubuga naman talaga dahil masyadong weak ang susunod na makaka-laro namin. Pero kailangan pa ring mag handa kami, kahit ako ayokong mag practice dahil gusto kong maka-sama si Princess pero kailangan muna naming mag pamiss sa isa't-isa. Ang korny puta.

"Captain! Pahinga muna!" reklamo na Jay na hingal na hingal habang hawak ang bola.

"Oo nga captain!" pag sang-ayon namin ni Diego.

Wala na akong nagawa kundi ang mag pahinga na nga lang kahit na kakapahinga lang namin iniisahan ako ng mga kupal na 'to. Nang nasa bleachers na kami habang umiinom ng tubig bigla akong tinabihan ni Khalil na nag aastang baliw na naman dahil tumatawang mag-isa. Kung minsan masyado na akong natatakot sa hinayupak na ito, wala naman kaming lahing baliw pero hindi ko alam kung bakit baliw 'to.

"Anong ginagawa mo dito?" singhal ko. Umupo siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Alagaan mo siya." agad akong napatingin sa kanya at bumungad sa'kin ang naka-ngiting mukha niya. "Mahal ko siya, pero alam kong wala akong pag-asa. Hindi ko naman pwedeng ipaglaban dahil alam kong talo na ako simula't-sapul." nag iwas siya ng tingin sa akin pero nanatiling naka-ngiti lang siya. "Inamin ko na sa kanyang mahal ko siya. Pero tulad pa rin ng dati... Kaibigan lang kami." bahagya siyang tumawa pero hindi pa rin maitatago ang lungkot na nararamdaman niya. "Kaya ikaw, aminin mo na bago pa mahuli ang lahat." bahagya niya akong sinulyapan at nginitian. "Mahal mo siya diba? Sa tingin mo sapat ang iparamdam mo? Kung mahal mo talaga siya handa ka sa lahat ng pwedeng mangyari masaktan ka 'man o sumaya normal lang 'yan dahil nag-mamahal ka. Aminin mo na, sabihin mo kung gaano mo siya kamahal dahil hindi laging sapat na ipinararamdam mo lang."

Natameme ako sa harap ni Khalil, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Maraming nag-lalaro sa utak ko na mga tanong at sasabihin pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko..

"Ano ba 'yan ang drama!" natatawang sigaw niya.

Nginitian ko naman siya. "Salamat." marahan niyang tinapik ang balikat ko at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Gago, libre mo ako ng lunch bukas." natatawang bulong niya sa akin. Humiwalay siya ng pagkaka-yakap at bigla ko siyang binatukan.

"Gago ka talaga kahit kailan!" natatawang singhal ko sa kanya.

"Ang sweet niyo namang mag pinsan!!" nag katinginan kami ni Diego at sabay na napatingin sa pinang-gagalingan ng pamilyar na boses.

"ALBIE!!" sigaw ng mga kasamahan namin at ang ilan sa kanilang tumakbo papunta kay Albie.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at ganoon din si Khalil. Hinintay kong lumapit si Albie sa kinatatayuan namin. "Welcome back dude!" bungad ko sa kanya at nag bro hug kami.

"Kamusta sa America? Daming chix?" tanong ng isa naming kateam na si Rey.

"Oo naman!" natatawang usal ni Albie at nakipag-apiran pa ito.

"Wala ka 'man lang pasalubong sa amin?" tanong ni Khalil.

"Bukas na! Dumaan lang naman ako dito."

"Albs. Sibat na muna kami, Captain bili lang kami ng pagkain!" paalam ng ibang teammates ko. Tinanguan ko na lang sila.

Ilang minuto pang nag kamustahan hanggang sa pinabalik ko na sila sa practice at kami na lang ni Albie ang natira.

"Bakit ba biglaan kang bumalik ng America?" tanong ko habang naka-tingin lang sa court at ganoon din siya.

"Si Tito at Papa kasi nag tutuklas ng gamot. Kaya napagdesisyonan ni Papa na doon muna kami, pero ngayon bumalik ulit kami dito sa Pinas." simpleng sagot niya.

Chemist ang Tito niya at doctor naman ang Papa niya. Pag dating sa larangan ng medicina kilala ang pamilya nila. "Anong gamot?" hindi ko alam kung bakit bigla akong naging interesado sa sinabi niya.

"Ewan ko." kibit-balikat niyang sagot.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon