Entry #05

2.8K 37 7

Entry #05

*Princess Kath's POV*

Friday ngayon at hindi pumasok si Julia may sakit daw kasi siya at si Kiray naman tinatamad! Kaya ito ako ngayon nag e-emo na naman sa garden ng school namin buti na lang hindi pa kinukuha sa akin 'yung napaka-laking headset ni Kiray at gamit-gamit ko siya ngayon. Tuwing friday medyo maraming tumatambay dito sa garden kaya medyo maraming tao. Ang iba naman nag-babasa lang ng at ang iba nag dadaldalan lang.

Napapabuntong hininga na lang ako sa mga babae dito. Ang iikli ng shorts! Hindi naman porket pinapayagan kaming mag civilian tuwing friday nilulubos na nila. Halos makita na yata ang mga kaluluwa nila sa suot nilang damit. Bawal 'yan dito kaso mayaman sila at hindi magawang pangaralan.

Umiling-iling na lang ako habang naka-tingin sa kawalan. Nako! Naalala ko na naman kung anong resulta ng quiz namin! Ngayon ibibigay ang list kung sino ang mga naka-pasa.. Pero hindi naman ako umaasang makaka-perfect ako doon! Hindi ko alam kung tama ba lahat ng mga sinagot ko.

Bahagya akong tumingin sa relong nasa braso ko. Sampung minuto na lang at ipopost na sa bulletin board ang result ng quiz namin. Kaya pala alam ni Prince na may quiz kami dahil sila rin pala meron.

Inalis ko ang headset na nasa tainga ko at saka ko na lang napansin na halos nag kakagulo na naman ang mga tao dito ngayon.

"Ang cool niya talaga!"

"Gwapo!"

"Sana kami na lang!"

Tinignan ko agad kung sino ang mga tinitignan nila at hindi ako nag kamali na si Prince na naman ang pinagkakaguluhan nila. Simula noong naging basketball player siya agad siyang sumikat dito sa school namin idagdag pa na pagiging gwapo niya!

Sa halos sobrang dami na nag kakagusto sa kanya dito, hindi na ako umaasa pang magugustuhan niya rin ako at 'yung ililibre niya akong ice cream? Baka guni-guni ko lang 'yon...

Nang hindi na siya nahahagip ng mga mata ko at hindi na nagkakagulo ang mga tao dito umayos na ulit ako ng upo.

"Hi!" nagulat ako bigla sa pag-upo ng isang lalaki sa tabi ko.

Lumayo naman ako ng konti sa kanya. "Khalil Ramos." ngiting pakilala niya habang naka-lahad ang kanang kamay niya.

Napatingin naman ako sa kamay niya at muling tinignan ang naka-ngiting mukha niya. "Huh?" bakit parang feeling close 'to?

Dahan-dahan niyang inayos ang sarili niya pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi niya. "Diba ikaw si Kath?" tanong niya. Nag aalinlangan naman akong tumango sa kanya.

Tumango-tango rin siya habang lumalawak ang pag ngiti niya. "Kit-Kath ang itatawag ko sayo huh?!" teka! Sino ba 'to bakit napaka-feeling close niya?!

"Bakit?!" iritang tanong ko sa kanya pero mas lalo lang niya akong nginitian at tumayo siya bigla sa kinauupuan niya.

"Bye Kit-Kath!" kumaway-kaway pa siya sa akin habang tumatakbo palayo sa kinaroroonan ko.

***

"Ilan ka Kath?" tanong sa akin ng iba kong classmate.

Umiling ako sa harap nila habang naka-ngiti. "Hindi ko pa alam eh. Mamaya ko na lang titignan." ngumiti naman sila sa akin at umalis sa harap ko.

Hindi na pinost sa bulletin board 'yung result binigay na lang isa-isa sa amin 'yung quiz namin at ngayon hawak-hawak ko pa rin ito. Hindi ko magawang tignan 'yung result! Masyado yata akong naaapektuhan sa sinabi ni Prince sa akin noong isang araw. Kahit na alam kong hindi totoo 'yon... Kahit katiting umaasa pa rin akong mapeperfect ko ang quiz na ito.

*Prince Dansom's POV*

Babalik sana ako sa garden nang makita kong kinausap ni Khalil ni Princess. Wala akong tiwala sa pinsan kong 'yon! Dahil alam kong gusto rin niya si Princess, kahit hindi niya sabihin sa akin. Pinilit niyang baguhin ang pananamit niya para mapansin siya nito at ngayon nagkakaroon na siya ng lakas na loob para kausapin ni Princess. Tch, ang epal talaga ng Khalil na 'yon!

Hindi ko alam kung anong mga sinabi niya kay Princess dahil hindi ko na tinuloy ang pag punta sa garden, hinintay ko na lang na ibigay ni Ma'am Reyes 'yung quiz namin sa Physics. Nauna niyang ibigay 'yung sa section nila Princess. Sigurado akong nasa garden siya ngayon kaya pupuntahan ko na lang siya. Ano kayang resulta ng quiz niya? Simpleng matalino si Princess kaya tiwala akong mapeperfect niya 'yon.

Hindi ako nag kakamali. Naka-upo si Princess sa isang bench na inupuan niya dati 'nung naka-tabi ko siya sa kabilang dulo 'nun. Mula sa kinaroroonan ko sandali ko siyang pinagmasdan. Bawat anggulo ng mukha niya napaka-ganda niya, natural lang. Walang arte sa mukha o katawan. Nakatitig lang siya sa hawak-hawak niyang papel para bang hindi siya mapakali kung titignan niya ba o hindi. Napapabuntong hininga pa siya habang napapahawak sa ulo niya.

Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa likod niya. Halatang wala siyang pakialam sa paligid niya hindi 'man lang niya nararamdaman na nasa likod na niya ako ngayon. Habang hawak-hawak niya ang papel mabilis ko naman 'yon inagaw sa kamay niya na ikinagulat niya.

Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya at biglang humarap sa akin na naka-kunot ang noo. "P-Prince!" gulat niyang sigaw sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin at tinignan ko agad ang resulta ng nasa papel niya.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya. Nakatulala lang siya sa akin, sandali ko siyang tinitigan habang umiiling. Inilapag ko ang papel niya sa kaninang kinauupuan niya at bahagyang nag-lakad paalis sa kanya. Pero bago pa 'man ako tuluyang maka-alis sa kinaroroonan niya nilingunan ko ulit siya at nginitian.

"Sunday, 6pm. Non-Ice cream shop."

Huling binanggit ko sa kanya at tuluyan nang nag-lakad paalis sa kinaroroonan niya.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon