Entry #09

2.7K 28 1

Entry #09

*Prince Dansom's POV*

Sh1t! Hindi ko inaasahan na lalabas ang mga litrato na 'yon! Matagal ko na siyang kinalimutan! Fvck this life! Kung sino pa ang nakalimutan mo siya pa 'tong bumabalik sa buhay mo. Ugh!! Sinong gago ang nag labas ng mga litrato na 'yon?!

Ayoko ng maalala pa siya, matagal ko na siyang hindi nakikita! Ayoko ng maguluhan pa itong nararamdaman ko. Unti-unti na akong napapalapit kay Princess tapos mangyayari pa ang ganito?!

Sana hindi na siya bumalik pa. Sobrang tagal na panahon siyang hindi nag papakita tapos ganito pa ang mangyayari?! Kalat na kalat dito sa buong school na si Princess ang nasa litrato na 'yon, pero ang iba nama'y pinaniniwalaan na edited lang ang mga pictures na 'yon.

Siya si Kate Chandria Sarmiento. Kababata ko siya noon, hindi mag kakailang sobrang mag kamukha sila ni Princess. Siya ang babaeng naging kaibigan ko simula mga bata pa lang kami, kapag nasa bussiness meeting sila Mommy sa ibang bansa siya lang lagi ang nakakaramay ko, dahil pareho kami ng mga magulang hindi laging nakaka-sama. Spoiled si Kate, lahat ng gusto niya nakukuha niya dahil 'yon na lang ang tanging magagawa ng mga magulang niya. Hanggang sa tumatagal na mag kasama kami, lalong napapalapit ang loob namin sa isa't-isa. Idagdag pa na mag kapit-bahay kami at bussiness partners ang mga magulang namin. Magaan ang loob namin sa isa't-isa. Hanggang sa nararamdaman kong mahal ko na pala siya. Mga bata pa kami noon, elementary days. Pero sigurado akong inlove na inlove na ako sa kanya noon. Inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko at sa hindi ko inaasahan mahal din pala niya ako. Kaso masyadong mapag-laro ang tadhana. Inamin niya rin na kinabukasan na 'iyon aalis na sila dito sa Pilipinas, titira na sila sa ibang bansa. Noong una okay lang sa akin dahil akala ko mag babakasyon lang sila, kaso doon na talaga sila titira. Nag-apply ng citizen ship ang parents nila sa U.S.

Sobra akong nasaktan noon, umalis siya ng hindi ako nag papakita. Simula noon wala na akong balita sa kanya, hanggang sa tumuntong ako ng high school. Noong una akala ko si Kate ay si Princess, dahil sobrang mag kamukha sila pero malaki ang pag kakaiba nila. Simple lang si Princess, pero si Kate maarte sa katawan. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya nagustuhan, siguro dahil sa sobrang pangungulila ko sa mga magulang ko at siya lang ang taong nakaka-sama ko noon. Puppy love, 'yan lang ang naramdaman ko sa kanya noon.

Pero hindi ko alam kung bakit nangangamba akong bumalik siya dito sa Pilipinas.

*Princess Kath's POV*

"Kambal." sabay na sambit sa harap ko nila Julia at Kiray.

Nandito kami ngayon sa canteen maaga kaming pinauwi kaya naisipan naming tumambay muna ako. Mabuti na lang at hindi na ako pinagtitinginin ng mga ibang estudyante ngayon, binalikan namin kanina 'yung bulletin board at wala doon ang edited pictures ko. Kaso.. Imposibleng edited lang 'yon, dahil halatang totoong-totoo.

"Bakit?" tanong ko sa kanila sabay higop sa juice na hawak ko.

Simple silang nag katinginang dalawa. "Okay ka lang?" baling na tanong ni Julia.

"Wag kang mag papa-apekto sa pictures na 'yon! Nako!!" nang-gigigil na singhal ni Kiray.

Natawa ako bigla sa inasal niya. "Okay lang ako tska hindi naman talaga ako 'yon!" utas ko habang nginingitian ko silang dalawa.

Na-ikwento ko na rin lahat-lahat kay Kiray 'yung tungkol kay Prince lalo na 'yung nararamdaman ko sa kanya. Ang sabi pa niya sa akin indenial pa raw ako, kasi raw ganoon daw siya sa una akala lang niya gusto lang daw ang nararamdaman niya pero napagtanto niyang mahal na pala. May saltik yata itong babae na 'to, ang drama kung minsan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya nahahanap 'yung lalaking sinundan niya dito sa school na 'to.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon