Entry #03

3.1K 42 6

Entry #03

*Princess Kath's POV*

"Twin! Ang tagal mo talaga maligo!" singhal ko sa kanya pero tumawa naman siya.

"Parang hindi ka naman sanay twin!" aniya at humagikgik pa siya.

Umiling na lang ako sa harap niya. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

Unti-unti namang lumalawak ang pag ngiti niya. "Manonood tayong basketball sa kabilang street!" sigaw niya habang niyuyugyog ang balikat ko at tumitili pa. Natawa na lang ako sa inasta niya.

"Ikaw na lang twin. Alam mo namang hindi ako nanonood ng mga ganyan---" bigla niyang inilagay ang hintuturo niya sa labi ko.

"Ops! Alam ko twin!" tumaas ng bahagya ang kilay niya. "Pero kasi.. Basta! Akong bahala sayo." napakunot ang noo ko sa pag ngisi niya sa akin kasabay ng pag taas-taas ng mag kabilang kilay niya.

Napabuntong hininga na lang ako sa inasal niya. Kung hindi ko lang ito kaibigan! Nako! "Sige na! Basta uwi rin agad tayo dito sa inyo ah? Sabay kaming uuwi ni mama." tumalon-talon naman siya ng parang bata at niyakap ako. Sabado kasi ngayon walang pasok at ngayon din ang schedule ng pag-lalaba ni mama sa mga damit nila. Sa tuwing pumupunta dito sa mama sumasama ako kaya sobrang close namin ni Julia.

"Salamat twin!" sigaw niya sa tainga ko sabay kalas ng yakap sa akin. Hinampas ko naman ang braso niya habang natatawa.

"Ehem." nagkatinginan ako ng ilang segundo ni Julia at sabay na tumingin sa pintuan ng kwarto niya.

Bumungad sa'min ang lalaking naka-sandal sa gilid ng pinto habang nasa bulsa ng kanyang pantalon ang kaliwang kamay niya at ang isa naman naka-hawak sa baba niya. "Kuya Enrique!!" sabay na sigaw namin ni Julia at tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya.

"Akala ko hindi niyo ako papansin!" aniya habang ginugulo ng bahagya ang buhok namin.

Hinampas naman ni Julia ang kamay ng Kuya niya. "Kailan ka pa bumalik Kuya?" ngiting-ngiti na tanong ni Julia.

"Kanina lang, ayaw mo ba?" sagot naman ni Kuya Enrique at tumawa.

Ang laki ng ipinagbago ni Kuya Enrique ngayon, halos dalawang taon ko rin siyang hindi nakita. Iba talaga impluwensya kapag sa ibang bansa tumira. Si Kuya Enrique kapatid siya ni Julia, dalawa lang silang magkapatid at kahit na malayo sila sa isa't-isa hindi pa rin nawawala ang closeness nila. Ano kayang pakiramdam kapag may kapatid?

Napansin kong napatitig si Kuya Enrique kay Julia habang ngiting-ngiti at umiiling. "Dalaga na talaga ang little sister ko!" aniya at ginulo ulit ang buhok ni Julia. Ang sweet nilang tignan, sana may kapatid na lang din ako.

Alam kaya ni Kuya Enrique na may nanliligaw na kay Julia? "Kath! Dalaga ka na rin!" baling nito sa akin at ginulo rin ang buhok ko.

Nginitian ko na lang si Kuya Enrique at simpleng sumulyap kay Julia. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Kuya Enrique at nginisian siya. "Kuya Enrique! May nanlili---" hindi ko na tapos ang sasabihin ko nang takpan ni Julia ang bibig ko. Nakita kong medyo naguguluhan ang itsura ni Kuya Enrique sa'ming dalawa.

"Kuya! Gusto mong sumama sa amin!?" pag-iiba ni Julia saka binitawan ang bibig ko at simpleng pinanlakihan ako ng mata. Binelatan ko na lang siya habang tumatawa.

Napakamot na lang si Kuya Enrique sa batok niya. "Ang gulo niyong mag kaibigan!" bahagya itong tumawa. "Hindi ako pwede. Mag papahinga muna ako." aniya at bigla itong humikab.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon