Entry #42

1.8K 22 6

Entry #42



*Prince Dansom's POV*



Sabado ngayon at yayayain ko sana mag date kami ni Princess pero pag kaminalas-malas ka nga naman umuwi pa sila mommy at daddy galing states. Hindi na lang doon sila tumira---- Teka! Galing silang states ibig sabihin marami doon doctor na magaling!



Nag madali akong bumaba at nakita ko sila nag aalmusal, nag tatawanan pa sila. Psh. Mababait naman sila mommy at daddy ang problema lang hindi nila inaalala na may anak sila, puro trabaho na lang sila. Mas gugustuhin ko pa maging mahirap kesa mangulila sa magulang.



"Anak sabay na tayo kumain." yaya sa akin ni daddy.

Umupo na ako sa upuan namin at naki salo na sa pagkain.

"Dad." bungad ko sa kanila. Bahagya silang nag katinginan ni mommy at tumingin sa akin.

"Ano 'yon anak?"

"May kilala po ba kayong mga magagaling na doctor sa states?" tanong ko.

Alam ko nag tataka sila pero nakuha pa rin nila sumagot. "Yes, and besides Albie's father is famous doctor in states."



Bigla ko naalala si Tito Rolan pala ang daddy ni Albie isa pala siyang magaling na doctor, marami na siyang natuklasan na gamot.



"Pwede ko po ba makuha number ni tito?"

"Oo naman. After this, kumain ka na." ngumiti na lang ako at nag simulang kumain.

"Anak, ano 'yung nababalitaan kong may jowa ka na?"



Si mommy kasi kahit ganyan yan, ganyan na talaga yan. Tsk. Sobramg makulit talaga si mommy at marami siyang kaibigan na bakla kaya naman bakla na rin siya minsan kung mag salita.



"Yes." ngumisi ako habang naka tingin kay mommy.

"Naks naman! Ang baby boy namin binata na!!" tumawa pa ito ng malakas at naki tawa na rin si daddy.

"Ipakilala mo siya sa amin ngayon." ngiting usal ni daddy at tumango na lang ako.


Nang matapos akong kumain sinabihan ko ang driver naming sunduin si Princess, naligo na rin ako at nag bihis naririnig ko pa si mommy na mag aacting daw siya mamaya. Tsk, bakit ba napaka-abnormal ng pamilya ko?


*Princess Kath's POV*


"Manong, bakit daw po ba ako pinapasundo ni Prince?" ilang beses ko na itong naitanong sa driver ni Prince na sumundo sa akin pero ngumingiti lang ito at nag kikibit-balikat.


Medyo kinabahan tuloy ako, biglaan kasi at hindi namin ito napag-usapan. Hindi kaya makikipag-hiwalay na siya sa akin? Nako! Wag naman sana!


"Nandito na po tayo." nabigla ako nang mag salita ang driver. Tinignan ko agad kung nasaan kami at bumungad sa akin ang isang malaking bahay.


Teka.. Bahay ito nila Prince!?


"Baba na po." binuksan ng driver ng pintuan ng sasakyan at inalalayan akong bumaba pero tumanggi ako. Masyado naman yatang O.A umasta itong driver.


"Princess!" kusang nag huramentado ang pag tibok ng puso ko sa tumawag sa akin.


Habang nag lalakad siya parang naging bingi ako.. Tanging pag tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Ito 'yung feeling kapag nakikita ko siya.. Kakaiba talaga..


"Finally! You're here! I really miss you." mas lalong nag wala ang puso ko nang maramdaman kong kinulong niya ako sa mga bisig niya. "Tara na." hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng bahay nila.


Sobra akong nawindang nang makita ko ang loob, ang ganda-ganda tapos napaka-linis kahit yata alikabok mahihiyang pumasok dito. Naramdaman kong mas humigpit ang pag hawak ng kamay sa akin ni Prince. Tinignan ko siya at bumungad sa'kin ang pag ngiti niya, ginantihan ko siya ng ngiti.


"Who's here?" halos sabay kaming napatingin ni Prince sa babaeng nag salita.


Naka dress itong kulay baby blue na bumagay sa maputing balat niya, naka taas ang kanang kilay habang nasa tabi niya ang isang lalaking di katandaan. "Mommy, daddy. Si Princess girlfriend ko."


Halos lumundag ang puso ko.. Ugh! Parents niya 'to?!


"WELCOME TO THE FAMILY!"


Mas lalo akong nagulat nang bigla akong yakapin ng mommy niya at hinalikan pa ako sa mag kabilang pisngi ko.


Welcome to the family?!


"Mommy, stop acting like a child!" biglang sabat ni Prince habang hinaharang ang mommy niya sa akin.

Bigla naman ako natawa nang maalala ko si Khalil na ganito ang ugali. "Salamat po." ngumiti ako na mas lalong nag pangiti naman din sa kanya.

"I'm happy that my son finally have a girlfriend! Bet na bet kita!" sigaw niya sa akin at naki pag apir pa ito, dahil sa sobrang gulat ko nakipag-apir na rin ako.

"Mommy naman!" saway ni Prince sa mommy niya.

"Stop! Mag bobonding muna kami!" bigla niya akong hinatak sa kamay ni Prince.

"Mommy!"

"Mag bobonding kami!"


Hindi ako makapaniwala na ganito ka kulit ang mommy ni Prince!

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon