Entry #35

2.1K 30 2

Entry #35

*Princess Kath's POV*

Nandito pa rin ako sa hospital. Kasama ko ngayon ang buong barkada. Isang linggo na silang dumadalaw-dalaw dito at ipinaliwanag ko na sa kanila ang totoo. Sinabi ko lahat-lahat lalo na ang tungkol sa sakit ko, nagulat sila at ayaw nilang tanggapin ang katotohanan.. Pero wala naman akong magagawa, ito na ang kapalaran ko... Nakaka-lungkot isipin na sa mga nag daang araw na masaya sila hindi ko nasaksihan.. Hind nila ako kasama.

Masakit para sa akin na 'yung mga araw na ipinaramdam ni Prince na mahal niya ako.. Hindi ako ang kasama niya. Hindi 'man niya sa akin sabihin na mahal niya ako sa mga araw-araw na kwento sa akin ni Kate nararamdaman ko 'yon.

Pero mas magandang sabihin niya sa akin mismo diba? Mas magandang marinig ng dalawang tainga ko.

Matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya ang mga katagang mahal kita. Matagal ko na 'yan pinapangarap at kung mangyari 'man na sabihin niya sa akin 'yon sana hindi pa huli ang lahat... Sana.

"Twin, hindi ka na ba papasok?" bakas sa mukha ni Julia na sobra siyang nag-aalala. Pinasadahan ko sila ng tingin dito ngayon at nag kibit-balikat na lang ako.

Kaming mga babae lang ang naiwan ito bumili sila Prince ng makakain nila sa labas, halos kanina pa sila ditong binabantayan ako.

"Bakit naman? Sayang twin!"

"Hindi na yata kaya ng katawan ko, tska marami na rin akong hindi napag-aralan baka hindi ko kayang sumabay." ngumiti ako sa kanila at napabuntong hininga.

"Edi tuturuan ka na lang namin, diba girls?" ngumisi si Kiray at tinignan sila Julia at Ate Yen.

"Oo nga! Tuturuan ka na lang namin." pag sang-ayon ni Julia at nag apiran pa silang tatlo.

Natawa na lang ako sa kanila at mag sasalita sana si Ate Yen nang biglang pumasok si Prince.

"Ako mag tuturo sa kanya." biglang sabat niya at diretsong pumunta sa akin sabay upo sa kama ko. Naka-sandal ako sa unan na pinagpatong-patong nila.

"Ayan na naman ang Prisipe Dansom!" bigla silang nag tawanan at umiling na lang si Prince.

"Ewan ko sa inyo, pumasok na nga kayo!"  bumaling ako kay Prince na unti-unti nang namumula ang tainga. Napangisi na lang ako sa itsura niyang iwas na iwas ang tingin sa akin.

"Ito naman si buko di mabiro!" mas lalo pa silang nag tawanan sa pang-aasar kay Prince.

"Bwisit!" nakitawa na rin kami ni Prince sa kanila.

Maya-maya pa'y nag paalam na sila sa akin, nag advance quiz si Prince kahapon para raw buong araw niya akong kasama at mabantayan.

"May masakit ba sayo?" nang tuluyan na silang naka-labas bigla siyang nag salita.

Agad akong tumingin sa mga mata niyang parang bangin na paulit-ulit akong mahuhulog, 'yung mga ngiti niyang parang swimming pool na paulit-ulit akong nalulunod...

"Wala." ngumiti ako sa kanya at umiling.

Bahagya niyang hinawakan ang kanang kamay ko at ngumiti rin sa akin. "Labas tayo, pasyal kita sa garden dito." sa ilang buwan kong narito sa hospital hindi pa ako nakakapasyal sa buong lugar dito.

"May garden dito?" gulat kong tanong.

Tumango siya at tumayo, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko bagkus mas lalo niya pa itong hinigpitan.

Ito na naman.. Nararamdaman ko na naman ang pag huhuramentado at dagundong ng puso ko.. Ang pag yanig ng buong sistema ng kaluluwa ko.

"Tara." wala ng mga naka-tusok sa akin ng kung ano-ano tinanggal lang ito kanina sa kamay ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon