Entry #36

1.8K 30 0

Entry #36

*Prince Dansom's POV*

"Doc, okay lang po ba siya?"

"Oo iho. Mainit lang kasi ngayon kaya siya nahimatay."

Naka-hinga ako ng maluwanag nang marinig ko 'yon sa doctor.. Napasulyap ako kay Princess na naka-higa sa kama at natutulog. Bahagya kong hinaplos ang noo niya at umupo sa tabi niya.

"Ingatan mo siya iho. " tinignan ko ang doctor na naka-ngiti at parang nag tutubig ang mga mata. Bahagyang napakunot ang noo ko.

"Kahit hindi mo po sabihin, iingatan ko siya." ngumiti ako sa doctor at bumaling kay Princess.

Marahan kong hinawakan ang kamay niya. "Sige iho. Aasikasuhin mo muna ang ibang pasyente." tumango na lang ako nang naka-tingin pa rin kay Princess.

Naka-titig lang ako sa mukha niya, ang mukha ng taong mahal.. Ang mukha ng buhay ko. Hindi ko maimagine kung anong buhay ang haharapin ko kapag nawala siya sa buhay ko. Siya ang mundo ko, siya ang buhay ko, siya ang kaluluwa ko at siya ang buo kong pagkatao.. Hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko.

Maya-maya pa'y naramdaman kong gumalaw ang kamay niya at unti-unti siyang dumilat. Mas lalong kong hinigpitan ang kamay niya, tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Buhay pa pala ako." sambit niya.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya gamit ang isa kong kamay. "Hinding-hindi ako papayag na mawala ka.."

"Pero Prince---"

"Sshh.." bahagya kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya na ikinagulat niya. Ngumisi ako pero nanlalaki pa rin ang mga mata niya.

"Sabay tayong pumasok bukas sa school."

Imposible 'man pero, gusto kong harapin ang buhay ko ng kasama siya. Gusto ko ulit mamuhay siya ng normal... Kasama ako.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon