Entry #30

1.9K 28 1

Entry #30

*3rd Person's POV*

Ilang linggo na ang lumipas lalong tumibay ang pag sasamahan ng buong barkadahan nila. Ilang linggo na ang nag daan sa sobrang bilis ng araw hindi nila namalayang nalalapit na ang araw ng kapaskuhan.

"Mommy matatapos na po ba 'yan?" tanong ni Julia sa kanyang Ina.

Kasalukuyan itong nag luluto ng handa para sa konting salo-salo ng buong barkada. Nag presinta ang nanay ni Julia na ito ang mag luluto at sa bahay nila Julia gaganapin ang naisipang party nila.

"Malapit na ito anak." ngiting sagot ng kanyang Ina.

"Bilisan mo mommy 'yung halimaw na kaibigan kasi namin nagugutom na." natatawang sambit ni Julia sa kanyang Ina.

Kanina pa ang aalburoto si Khalil dahil gustong-gusto na niyang kumain. Halos pinag-babatukan na siya ng mga kaibigan niya dahil ang kapal pa raw ng mukha nitong pamadaliin ang nanay ni Julia. Maya-maya pa'y natapos na sa pag luluto ang mommy ni Julia at sila'y masayang nag salo-salo sa hapag kainan.

Kasama rin nila si Albie ngayon na laging kaasaran ni Khalil. Mas naging masaya ang buong barkada nila para bang wala silang problema...

"Buko, okay ka lang ba?"

Nang matapos silang kumain naging abala na sa kanya-kanya harutan ang kanilang kasama. Naka kuha ng pagkakataon si Dansom upang maka-usap si Kath ng silang dalawa lang.

"Okay lang ako. Bakit mo naman naitanong?" pilit itong ngumiti kay Dansom.

Ginantihan siya nang pag ngiti ng binata at bahagya siya nitong inakbayan. "Wala lang. Parang ang lungkot mo kasi."

Simpleng napatingin si Kath sa kamay ni Dansom na nasa balikat niya. Pag kunwaring hindi niya ito napansin.

"Ang ganda mo talaga." sambit ni Dansom sa kanya.

"Bolero ka!" tumawa siya at umiling na lamang.

Nag kibit-balikat si Dansom ngunit hindi pa nito tinatanggal ang pag kaka-akbay niya sa dalaga. "Ang hiling ko lang sa mga sandaling ito.. Sana huminto ang oras, sana buong buhay na kitang ka-akbay."

***

"Alis na po kami Tita! Salamat po sa pagkain!"

"Walang anuman! Merry christmas sa inyo!" ngiting sambit ng mommy ni Julia habang nasa labas na sila ng gate at isa-isa ng nag papaalam upang umuwi.

Gabi na ng hindi nila namalayan ang oras kung kaya't halos lahat sila ay nag mamadali ng umuwi.

"Twin! Merry christmas! Kita-kita na lang tayo pag balik sa pasok!" ngiting paalam ni Julia at isa-isa niyang niyakap ang kanyang mga kaibigan.

"Merry christmas mga dude! Group hug!!" sigaw ni Neil.

Masaya silang nag group hug sa gilid ng bahay nila Julia at nang matapos ang scenariong iyon, nag kanya-kanya na sila ng uwi. Nag pasundo si Dansom sa driver ng kanyang mommy at agad naman itong dumating.

Tahimik lang sila Kath at Dansom habang nasa loob ng sasakyan, sa bintana lang ng sasakyan si Kath naka-tingin at si Dansom pasulyap-sulyap sa kanya, hindi sila nag iimikan at halos nakaka-binging katahimikan ang bumabalot sa kanilang dalawa.

Ilang sandali pa ay malapit ng makarating sila sa bahay ni Kath nang biglang nag salita si Dansom.

"Princess.. May ibibigay pala ako sayo." alinlangan nitong sambit.

Bahagyang lumingon sa kanya si Kath, napansin niyang may kinuha itong isang regalo sa bag pack ni Dansom.

"Merry christmas." ngiting baling sa kanya ng binata. Gumanti ng pag ngiti si Kath at tinanggap ang regalong inaabot sa kanya. "Buksan mo na." usal ni Dansom.

"Ngayon na?!" gulat na tanong ni Kath sa kanya.

Bahagyang tumawa si Dansom at tumango. Nag kibit-balikat na lamang si Kath at inumpisang buksan ang regalong ibinigay sa kanya.

Nang tuluyan na niyang nabuksan, hindi niya inaasahan ang regalong iyon.

"Para kahit na wala ako sa tabi  mo pwede mo akong yakapin." ngising sambit ni Dansom sa kanya.

Hinawakan ni Kath ang teddy bear na iniregalo sa kanya. Isa itong teddy bear na may suot na batman shirt.

"Salamat Prince!" masayang-masayang sambit ni Kath.

Nginitian na lamang ni Dansom si Kath. Nang nasa tapat na ng nila Kath bahay sila ay tuluyan ng nag paalam si Kath sa kanya. "Merry christmas. Sa pasukan na lang ulit!" ngising paalam nito.

Akmang bubuksan na ni Kath ang pintuan ng sasakyan ng bigla itong tumingin kay Dansom. Ngumisi ito at mabilisang pinaglapat niya ang kanyang labi sa pisngi ng binata.

"Para kahit na mawala 'man ako sa mundo nasa experience mong nahalikan kita. Hinding-hindi na mabubura sa kasaysayan ng buhay mo."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon