Entry #14

2.2K 32 1

Entry #14



*Prince Dansom's POV*

Miss na miss ko na 'yung prinsesa ko. Ugh! Ang hirap ng ganito, simula 'nung isang araw na medyo nainis ako hindi na kami nag papansinan. Akala ko unting-unti na akong mapapalapit sa kanya kaso mukhang napupurnada pa yata! Masama ba na ipagtanggol ko siya kay Kate? Masama ba na kampihan ko siya? Masama ba na ginawa ko 'yon dahil mahal ko siya? Ugh!! Ang hirap-hirap na ng kalagayan ko!



Akala ko maaamin ko na mahal ko siya, pero anak ng teteng! Napurnada pa! Ayoko naman na biglain siya baka hindi siya maniwala sa mga sasabihin ko, baka akalain niya pinagtitripan ko lang siya pero kahit konti may puwang sa puso ko na natatakot akong mareject niya.

Pero may kasabihan na it's now or never you should take the risk. Kaso... kailan?



"Dude, badtrip?" biglang tanong sa akin ni Neil na kanina pa akong kinukulit na mag basketball daw kami.

Hindi ako sumagot sa kanya, kinuha ko na lang ang bag ko sa upuan. "Punta lang ako ng music room." walang gana kong sambit at iniwan na lang siya doon sa gazebo.

 

Ayoko ng pumasok sa mga susunod na subject puro Princess Kath Bernardo lang ang laman ng isip ko!

 



*Princess Kath's POV*


Uwian na ngayon kaso hindi muna ako sumabay kay Julia, gusto ko muna kasi mapag-isa. Nakakawalang gana hindi pa rin ako pinapansin ni Prince, kasalanan ko bang nagalit siya? Masama kasi 'yung ginawa niya kay Kate. Ack! Ayoko na! Nakakabaliw siya!

 

Inutusan ako ni Ma'am Sanchez na dumaan sa faculty para ilagay doon ang mga papers niya. Habang nag-lalakad ako papuntang hallway ng faculty unti-unti kong naririnig na parang may tumutugtog sa music room. Bihira na lang kasi 'yan gamitin, mas nag fofocus ang school namin sa sports.

Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko na unti-unting lumalapit sa tapat ng pintuan ng music room. Ang ganda ng boses! Ang lamig pakinggan.. Kakaiba.. Sa bawat himig niya nakaka-kilabot sa katawan. Para akong nalalasing sa bawat pag kanta niya.

Adik sa 'yo

Awit sa akin
Nilang sawa na sa 
Aking mga kuwentong marathon

Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw ♪



Bahagya kong idinikit ang tainga ko sa pintuan para mas lalo ko pa itong marinig..





Sa umaga't sa gabi

Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

Sabik sa 'yo
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Ang ating ending
Hatid sa bahay n'yo
Sabay goodnight, sabay may kiss
Sabay bye-bye, Oh



Dahan-dahan akong napasapo sa dibdib ko.. Ang bilis na naman ng tibok nito.. Nag huhuramenta at dumadagundong sa sobrang bilis ng pag pintig nito. Ang ganda ng kanta niya idagdag pa ang nakaka-kilabot na boses niya. Nakaka-lasing sa pandinig.. Nakaka-lasing ng damdamin...

Sa umaga't sa gabi

Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

Sa school, sa flag ceremony
Hanggang uwian araw-araw
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
At kahit na magka-anak kayo't
Magkatuluyan balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin ako dito.. Para bang may mga sariling pag-iisip ung mga paa ko wag umalis sa lugar na ito.



Wala na akong naririnig na tugtog siguro tapos na siyang kumanta. Para kanino kaya ang kinanta niya? Sa tono ng boses niya at sa bawat pag himig niya halatang malungkot siya. Parang nararamdaman ko na rin ang lungkot ng pinahihiwatig sa bawat liriko na binibitawan niya.

Bahagya akong umayos ng tayo at tumalikod sa pinto na 'iyon. Mag-lalakad na sana ako nang marinig kong nag bukas ang pinto. Jusko! Lilingon ba ako? Nararamdaman ko na naman na lalong bumibilis ang pag pintig ng puso ko! Nanlalamig ang buong katawan ko! Bakit ko ba ito nararamdaman? Giniginaw ba ako? Kinakabahan ba ako?

"Princess..."



Halos mapatalon ako sa sobrang gulat.. 'Yung boses niya! Hinding-hindi ako nag kakamali si P-Prince 'yon!

"Narinig mo 'yung kanta?" naka-talikod pa rin ako sa kanya.. Nararamdaman ko ang pag hinga niya sa likod ko.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya, inangat ko ang ulo ko pata tignan ang mukha niya.. I miss this man!

"Oo.." nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Sarili kong gawa 'yon. Maganda ba?" bigla ulit akong tumingin sa kanya. This time naka-ngiti na siya.

Dahan-dahan naman akong tumango. "Para sayo 'yon."



Huling katagang binitawan niya at nag simula na siyang nag-lakad palayo sa akin.

Hindi ko na naman maintindihan ang buong sistema ng katawan ko.. Lalo na ang sobrang pag huhuramento at dagundong ng puso ko...

*Someone's POV*

Nakita ko lahat..

Kung paano siya ngumiti.

Kung paano 'yung mga tingin niya kay Kath..

Pareho silang manhid.. Hindi nila maramdaman sa isat'-isa na parehas lang sila ng sitwasyon.. Dahil na tatakot sila sa mga sarili nilang kinatatakutan..

Natatakot sila na baka hindi rin ganito ang nararamdaman ng isa. Kasi akala nila.. One sided love ang nararanasan nila.

Ang sakit.. Pero hindi ko magawang magalit kay Kath dahil wala naman siyang kasalanan dito.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon