Entry #24

2K 29 3

Note: Read between the lines..

Entry #24

*Princess Kath's POV*

"Edi ibig sabihin lahat kayo may lovelife na!?" gulat na gulat kong tanong sa kanila. Dahan-dahan naman silang tumango habang naka-ngiti.

Naging tambayan na namin ang MG at lagi kaming kumpleto ngayon. Ilang araw lang walang pasok tapos sinabi nilang may mga relasyon na sila! Tapos ako?! Wala.. Forever alone! Asar!

"Haha! Hindi ka naman nag-iisa Kath. Nandyan naman si pareng Dansom at single na single ready to mingle basta't sayo!" natatawang usal ni Kuya Neil at binato naman siya ng isang piraso ni Prince ng sitsirya. "Joke lang dude!" natatawang saad niya habang iniiwasan ang binabato sa kanya ni Prince.

Hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang silang mag kulitan. Sa halos isang linggo yatang walang pasok dahil may bagyo ang dami na agad nangyari sa kanila na hindi ko 'man lang alam! Nakakapagtaka, si Khalil lang ang kulang sa amin dito tska si Kate.. Mag kasama kaya sila?

"Nasaan pala si Kate?" biglang tanong ni Kiray.

Napatingin naman sa kanya lahat.. Pwera sa akin. "Ewan namin." dinig kong sagot ni Julia.

"Baka absent?"

"Hindi kaya kasama niya si Khalil?"

"Guys kalma lang! Nag text sa akin Mama ni Kate, pumunta silang probinsya emergency daw baka doon na rin daw mag-aral si Kate." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Yen.

"Alis tayo." bahagya akong nagulat sa may bumulong sa tabi ko. Boses pa lang niya kilalang-kilala ko na.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama namin na busy sa pag haharutan saka ako sumulyap sa kanya. "Huh? Eh.. Ayok---" hindi pa ako tapos tumanggi nang mabilis siyang ngumisi at hinablot ang kamay ko patayo.

Natatarantang kinuha ko ang bag ko at halos kinaladkad niya ako habang nag-sisimula na siyang lumakad-takbo. "Alis lang kami!" sigaw niya.

Para akong biglang nawala sa sarili kong hinayaan lang siyang kaladkarin ako hanggang sa maka-labas na kami sa school! Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.. Basta ang alam ko hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at hanggang ngayon ay hindi pa niya binibitawan!!

"Teka, Da--Prince. Teka!" awat ko sa kanya. Huminto siya sa pag-lalakad pero para sa akin ay takbo na! Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko, kunot-noo niya akong tinignan. "Hiningal ako!" singhal ko sa kanya habang naka-sapo ang kamay ko sa dibdib ko at humugot ng malalim na pag hinga. "Saan mo ba ako dadalhin?!" inis kong tanong sa kanya at tinarayan siya.

"Bakit parang iba ka yata ngayon? Gusto ko lang mamasyal tayo." bigla akong umayos ng pagkakatayo sa sinabi niya.

"Bakit kailangan mo pa akong hatakin!? Myghad!" iritang-irita kong singhal sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero naka-taas lang ang kilay niya, inayos ko ang shoulder bag ko habang nakatitig pa rin sa kanya. "You look different today." usal niya habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

Bigla akong nag-iwas ng tingin. "Tara na." mahina kong usal at naunang mag lakad sa kanya. Naramdaman kong sumunod na lang siya sa akin.

Hindi siya nag-sasalita at hindi na rin ako nag-sasalita. Para saan pa kung mag salita ako? Kung lahat naman ng sasabihin ko.. Ugh! Nakaka-praning! Bakit ba 'to nangyayari sa buhay ko? Kung alam ko lang sana..

"Princess, upo muna tayo dito." biglang sambit niya at nauna na siyang umupo sa isang pahabang upuan.

Simple akong luminga-linga sa paligid, hindi ko namalayang nasa isang park na pala kami malapit sa school. Ito ang ikinaganda ng eskwelahan namin maraming nag kalat na park at pwedeng matambayan. Tumingin ako sa kanyang naka-upo lang at naka-dekwatrong panlalaki ang upo niya. Hindi ko alam kung gawa ba ng Diyos itong si Da--Prince dahil kahit saang anggulo napaka-pogi niya. 'Yung tipong kapag ngumisi siya.. Parang mabubuntis ka na agad. Shit! Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit medyo mahalay?

"Habang tinititigan mo ako lalo kitang..." dahan-dahang napakunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko na narinig ang pang huli dahil nag iwas ito ng tingin saka bumulong.

"Ano?!" tanong ko, bumaling siya ng tingin sa akin saka ngumisi at umiling-iling. Lalo akong napakunot-noo sa pag ngisi niya.

"Upo ka na." ngising usal niya saka tinapik-tapik pa ang bakanteng mauupuan ko.

Wala na akong nagawa at umupo na sa tabi niya. Diretso lang akong naka-tingin pero naaaninag ko sa gilid ng mata kong lalong lumawak pa ang pag-ngisi niya, simple siyang nag-unat ng kamay papunta sa sandalan ng inuupuan namin. Narinig kong bumuntong hininga siya, simple akong napatingin sa balikat ko.. Kahit hindi naka-sayad doon ang braso niya at sa sandalan lang parang naka-akbay na rin siya sa akin..

"Kahit hindi pa tayo, bagay na bagay na talaga tayo. Paano pa kaya kung akin ka na? Baka kahit bata pa lang tayo pakakasalan na kita."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon